30: Words

1.5K 42 9
                                    



Marami kaming mga pinag usapan ni Yumi sa taas. Nagpasya lang kaming bumaba ng marinig naming tapos na ang contest. Hinahanap narin kami ni Camille para kumain ng lunch.

Nadatnan namin si Camille na naghihintay sa amin sa gilid ng hagdan.

"At saan naman kayo galing dalawa? Hinanap ka ni Calvin sa akin. Bigla kana lang daw nawala."

"Sinamahan ako ni Yumi eh. May ginawa lang saglit."

"Tara na. Kain na tayo."

Sabay kaming tatlo na kumain sa canteen.

"Kawawa si Calvin kanina kakahanap sayo. Saan ba talaga kayo galing na dalawa?"

"Sinamahan ko si Aira sa roof top Cams. Di daw siya makahinga eh."

"Huh?!! Bakit??? Okay kana ba Ai?? Bat di mo sanabi sa akin?!"

"Kumalma ka nga Camille. Tinakasan ko lang si Calvin. Nakaka-ilang kasi siyang kasama eh. Di ako mapakali sa tabi niya."

"Ay shunga! Bakit naman? Baliw ka talaga."

"Nahihiya ako sa kanya eh. Hindi ko alam."

"Eh hindi mo kasi siya binibigyan ng chance na makasama. Hayaan mo kasi siyang mag spend time with you para masanay ka. Diba Mi?"

"Ah- Oo. Tama yun."

Parang hindi sure si Yumi at parang hindi tama ang timpla ng mukha niya sa sinabi ni Camille.

"Alam mo Yumi, nanliligaw na yang si Calvin kay Aira."

"Huh?! Talaga Ai? Di mo sinabi sakin kanina ah."

"Sorry Yumi. Nakalimutan ko eh."

"Pwede ba yun?"

"Sorry. Nawala talaga sa isip ko."

"Ganda niya no? Hahahah." Sabi pa ni Camille.

Hindi na kumibo si Yumi sa nalaman niya. Hindi ko naman talaga nakalimutan eh. Ayoko lang talagang sabihin sa kanya.

Habang kumakain kami ay biglang dumating si Calvin.

"Ai, anong nangyari sayo? Okay kalang ba?"

"Uy Calvin. Oo okay na 'ko. Medyo nahilo lang ako kanina kaya sinamahan ako ni Yumi sa clinic." Palusot ko pa.

Tahimik lang ang dalawa na nakikinig.

"Ganun ba? Bat di mo sinabi sa akin?"

"Ayokong mag-alala ka kasi. Sorry ha?"

"Okay lang."

"Kumain kana ba Calvin? Sumabay kana dito sa amin oh." Yaya pa ni Camille.

"Hindi pa nga eh. Okay lang ba?"

"Oo naman. Halika."

"Sige, bibili muna ako ng pagkain ha?"

Nagmadaling bumili si Calvin ang pagkain. Agad namang tumayo si Yumi na naka upo sa tabi ko.

"Oh saan ka?" Tanong ko.

"Edi lilipat. Para tabi kayo ng Calvin mo."

Hindi na ako sumagot kasi dumating na si Calvin.

"Diyan kana umupo sa tabi ni Aira." Sabi pa ni Yumi sa kanya.

"Uy thank you ha?"

Agad namang tumabi si Calvin sa akin habang kumakain. Habang kumakain kami ay nahahalata kong nagbunulungan ang dalawa sa harap namin. Nagmadali silang kumain at nag paalam.

The Missing Piece (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon