KAGAT-KAGAT ni Eura ang straw ng iced coffee habang nakatulala sa glass wall ng KopeeBook—isang coffee shop na noon lang niya nadiskubre. Kababalik lang niya sa Pilipinas mula sa Paris. Kakaibang pagod ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Maybe because she was stressed out.
Walang nakakaalam sa pamilya at mga kaibigan niya na nakabalik na siya sa bansa. Nagtungo siya sa France para um-attend ng isang fashion show ng kaibigan niyang French. Nagbakasyon na rin siya nang isang buwan sa France dahil bigla niyang naisipang magtayo ng boutique doon. She was a fashion designer and she was known as "Marielle" in the fashion industry. Kilala siya sa Pilipinas pero top clients lamang niya ang personal na nakakakilala sa kanya. She was a private person kaya hindi siya humaharap sa publiko, lalo na sa media.
Only a few people knew she was Euranika Marielle Ventura—the only heiress to Ladees' Collection, one of the biggest clothing brands in the Philippines.
Nag-ingay ang cell phone ni Eura. When she saw the caller's name on the screen, she turned her cell phone off. Isinilid niya ang phone sa bag. Hindi pa siya handang humarap sa kahit sinong kakilala, lalo na sa taong pinakamalapit sa kanyang puso.
Bumuntong-hininga siya. "In the meantime, I guess I need to find a good hotel to stay in."
Bumalik lang siya sa huwisyo nang isang magandang babae ang umibis mula sa passenger's side ng pulang Ferrari. Her features were delicate and her face was so angelic, dagdagan na lang ng halo ay papasa nang anghel. She also had exquisite long wavy brown hair.
Tuluyan na niyang itinigil ang pagkagat-kagat sa straw ng iced coffee dahil bahagyang bumuka ang kanyang bibig nang isang napakaguwapong lalaki naman ang lumabas mula sa driver's side. The man was tall, very elegant, and very gorgeous. He had silky brown hair, too. Kung titingnan mabuti, mukha itong boy version ng babaeng mukhang anghel. This guy had an angelic face, too!
Kambal ba sila? They must have foreign blood because of their hair color. Half Americans maybe?
"Normal ba rito ang magpakalat-kalat ang mga gano'ng kagagandang nilalang?" pabulong na tanong niya sa sarili. Hindi sa pagmamayabang, but she was beautiful herself, too. Pero kung itatabi siya sa dalawang iyon, magmumukhang average ang ganda niya.
Isinukbit ni Eura sa balikat ang shoulder bag at hinila ang dala niyang maleta palabas ng shop. Nakayuko lang siya nang makasalubong ang dalawa.
Naghihintay siya ng taxi sa tabi ng stoplight nang mapansin niyang lumabas uli ng KopeeBook ang malaanghel na babae, pagkatapos ay tumayo sa kanyang tabi na tila may kung anong nakikitang kamangha-mangha. Sinundan niya ng tingin ang tinititigan ng babae, at dumako ang mga mata niya sa maliliit na bibe sa kabilang panig ng kalsada na nakabuntot sa inahing bibe.
What's so amazing about those ducklings?
Hindi na sana papansinin ni Eura ang kakaibang interes ng magandang babae nang bigla na lang itong tumawid. Nataranta siya dahil hindi pa naman nagiging pula ang stoplight at patuloy pa rin ang mga sasakyan sa pagtakbo.
"Miss, wait! Hindi ka pa puwedeng tumawid!" sigaw niya. Hindi siya nakatiis. The beautiful woman had an aura that could propel the people around her into protecting her—yes, she looked weak!
And Eura did something she never thought she would do. Tumakbo siya at itinulak ang babae nang makita niyang may humaharurot na kotse patungo sa direksiyon nito. Natumba sila pareho sa gutter ng kabilang kalsada, pero masuwerte ang magandang babae dahil sa mga halaman ito bumagsak. Samantalang siya, nagasgas ang makikinis na tuhod at kamay sa magaspang na kalsada!
So much for risking my life to save this angelic woman!
"Aw..." daing ng magandang babae habang umaayos ng upo. Mangiyak-ngiyak na agad.
Weak! Pilit tumayo si Eura kahit nanginginig pa ang dumudugo niyang mga tuhod. "Miss, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
Nag-angat ng tingin ang magandang babae. Tila namutla nang makita ang dugo sa kanyang mga tuhod. "I'm sorry!"
"Err—"
"Melou!"
Hindi na nakalingon si Eura sa pinanggalingan ng boses nang maramdaman na lang niyang humagis ang katawan niya at muli siyang napaupo sa kalsada. Sa pagkakataong iyon, nanakit ang kanyang paa. Hindi malakas ang pagkakabunggo sa balikat niya ng lalaking nakatalikod sa kanya ngayon, pero dala ng panghihina, natumba agad siya. Siyempre, agad nag-init ang kanyang ulo. "Hoy, pagkatapos kong tulungan ang babaeng 'yan, itutulak mo pa ako?!" galit na sumbat niya sa lalaki.
Nakatayo na ngayon ang magandang babae habang yakap-yakap ng lalaki. Then, the guy turned around to face her.
Natigilan si Eura nang mapagtantong ang lalaking ito ay ang guwapong lalaking may brown na buhok na bumaba ng Ferrari kanina. He had beautiful liquid brown eyes, too.
Kumunot ang noo ng guwapong lalaki. "Sino ka ba?" galit na angil sa kanya.
May narinig si Eura na pagpitik ng kung ano sa kanyang isip—tanda na ubos na ang kanyang pasensiya. Mula sa paghanga sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay nairita siya rito. "Hoy! Ako lang naman ang nagligtas sa buhay niya!"
Hindi nawala ang pagkakakunot-noo ng lalaki.
Hinila ng magandang babae ang manggas ng checkered polo ng lalaki. "Stein, nagsasabi siya ng totoo. She saved my life."
"And now I can't walk!" madamdaming reklamo ni Eura.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...