2nd Chapter: Teasing Stein

3.8K 151 2
                                    

Luna Ville

"MISS, I'm really grateful to you for saving my life. At sobrang sorry din. Iniligtas mo ako kaya natamo mo ang injury na 'yan. Nag-space out ako nang makita ko ang mga bibe kanina. Eh, kasi naman, may storyline na biglang pumasok sa isip ko para sa bagong fairy tale na isinusulat ko."

Napangiti na lang nang alanganin si Eura. Sa sobrang amo ng mukha ni "Melou" ay hindi niya magawang magalit. Kunsabagay, siya naman ang nagpakabayani kaya wala itong kasalanan sa nangyari sa kanya. "Err—okay lang ako, Melou. I'm Eura Ma—" Natigilan siya. For some reason, she did not want anyone to know who she really was. "I'm Eura Marasigan." Iniabot niya ang kamay sa dalaga para pormal na magpakilala.

Ngumiti si Melou at tinanggap ang pakikipagkamay. "I'm Melou Jane Alventra. You can call me 'Melou.'" Tiningnan ng dalaga ang guwapong doktor na gumamot sa mga sugat niya. "Sley, are you sure she's okay now?"

Ngumiti ang guwapong doktor habang inililigpit ang medicine kit. "Don't worry, Melou. She's okay. Bukod sa mga gasgas, wala naman na siyang ibang natamong injury." Dumako ang maamong mga mata ni Sley sa kanya. "Miss Eura, hindi naman na-sprain ang paa mo. Tumama lang ang bukungbukong mo pagbagsak kaya sumakit ang paa mo kanina. But you'll be okay."

Hindi lang maamo ang mga mata ng doktor, gentle ding magsalita at malakas ang convincing powers para magpakalma.

"Thank you, Doc."

"Nah, we should be the ones thanking you for saving our Melou." Nilingon ng doktor ang lalaking nakaupo lang sa couch na nagbabasa ng magazine. "Right, Stein?"

Oh. So 'Stein' pala ang pangalan niya.

Eura turned to the brunette boy with liquid brown eyes. Eksakto namang nag-angat din ng tingin si Stein kaya nagtama ang kanilang mga mata.

"Yeah, sure," wika ni Stein na tila masama pa ang loob sa pagsang-ayon sa doktor.

Sley just chuckled. "Anyway, maiwan ko na kayo. I need to go back to the zoo."

Kumunot ang noo ni Eura. "Zoo? Don't tell me, vet ka?"

Ngumiti si Sley. "Yes, I'm Slater John 'Sley' Enriquez. I'm a vet." Pagkatapos magpakilala ay umalis na.

Pinigilan ni Eura ang pagtirik ng kanyang mga mata. Pinatingnan siya ng kambal na ito sa isang doktor ng mga hayop! Ano ang tingin ng magkapatid sa kanya, unggoy?

Mukhang nabasa naman ni Melou ang nasa isip niya dahil nagpaliwanag agad. "Don't worry, Eura. Kahit vet si Sley, magaling siyang doktor. Pasensiya ka na. Kapag may ganitong aksidente kasi, sanay kaming siya agad ang pinupuntahan."

"Okay lang. Sinabi ko na rin naman kanina na okay na ako."

Si Melou lang ang nagpumilit na sumama siya sa Luna Ville—ang village na tinitirhan ng magkapatid. Noon lang siya nakakita ng "twin houses." Nasabi niyang kambal ang mga bahay dahil sa loob ng isang bakuran, dalawa ang nakatayong bahay—sa kanan ay isang cute na pink and white at sa kaliwa naman ay ordinaryo pero eleganteng beige at cream. Doon sila sa white and pink nagtungo. At kung hindi siya nagkakamali, si Melou ang may-ari niyon. And the other house must be owned by her twin brother Stein.

"Eura," pukaw ni Melou. "Kung may magagawa ako para makapagpasalamat pa sa 'yo, sabihin mo lang, ha?"

Napangiti si Eura. Anghel nga yata talaga ang babaeng ito dahil sa taglay na kabutihan. Pero sapat na talaga sa kanya ang pasasalamat ni Melou. Akmang tatanggihan niya ang inaalok ng dalaga nang magsalita ang bruho nitong kakambal.

"Melou, just give her money, okay? You shouldn't let an outsider stay in your house for this long," masungit na wika ni Stein na animo wala siya roon.

"Stein," saway ni Melou.

Huminga nang malalim si Eura para kalmahin ang sarili. Ano ba ang akala ni Stein sa kanya? Poor? Gusto niyang sakalin ang lalaking ito! Pero imbes na literal itong saktan, naisip niyang makipagsabayan na lang ng pang-aasar. "Melou, I really need help now. Pero nahihiya naman akong humingi ng tulong sa 'yo dahil ngayon lang tayo nagkakilala," pagpapaawa niya sa pinalungkot na boses.

Bumakas naman agad ang pag-aalala sa magandang mukha ni Melou. "'Wag kang mahiya sa 'kin, Eura. You saved my life. Kahit ano ay gagawin ko, makabawi lang sa 'yo."

"Melou," tila hindi makapaniwalang saway ni Stein.

"'Wag mong pansinin 'yang si Stein. Sige lang, Eura. Tell me, what can I do to help you?"

Pinalungkot ni Eura ang kanyang mukha. "Actually, kailangan ko kasi ng matutuluyan. Napalayas ako sa apartment na tinitirhan ko, eh. Natanggal kasi ako sa trabaho kaya hindi ako nakabayad ng renta," pagsisinungaling niya sa pinalungkot na boses. Tinakpan din niya ng mga kamay ang kanyang mukha at umarteng humihikbi. "Pasensiya ka na, Melou. Nakakahiya, nalaman mo pa ang kuwento ko. Ayoko namang samantalahin ang kabutihan mo. Kaya lang, wala na talaga akong malalapitan. Bata pa lang kasi ako, ulila na ako."

Naramdaman ni Eura ang pagyakap ni Melou at marahang paghaplos sa kanyang likod.

"Don't cry, Eura. I'll help you. Puwede kang tumuloy pansamantala dito sa bahay ko. At habang nandito ka, puwede kitang bigyan ng trabaho sa flower shop ko."

"Melou!"

"Shut up, Stein." Hinawakan siya ni Melou sa magkabilang balikat at inalis ang mga kamay niyang nakatakip sa mukha. "Tinatanggap mo ba ang tulong ko?"

Nakangiting tumango si Eura. "Nakakahiya man pero, oo. Tinatanggap ko."

Umaliwalas ang magandang mukha ni Melou. "That's good. Sandali lang, ha? Aayusin ko lang ang guest room." Tinapunan ng dalaga ng nagbabantang tingin si Stein bago umakyat sa ikalawang palapag.

"You're impossible, woman!" iritadong bulalas ni Stein nang masigurong hindi na ito maririnig ng kakambal.

Tumayo lang si Eura at nag-inat. Wala naman talaga siyang balak manatili sa lugar na iyon. But Stein provoked her. Pinagbintangan siyang sasamantalahin lang ang kabutihan ni Melou, kaya ginawa niya ang kinatatakutan ni Stein. Isa pa, kailangan naman talaga niya ng matutuluyan. "Thank you," sarkastikong sagot niya.

"What do you want from my twin sister? Kung pera lang din naman ang kailangan mo, sabihin mo lang sa 'kin kung magkano. Pagkatapos ay puwede ka nang umalis dito sa Luna Ville."

Tumaas ang isang kilay ni Eura. Mukha ba siyang may matinding pangangailangan sa pera? Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. Tiningnan niya nang deretso sa mga mata si Stein. Napansin niyang wala pang tatlumpung segundo ay nag-iwas na ng tingin ang binata. In her opinion, he even looked flustered. Doon siya may naisip na kalokohan.

"Ah. I know. Baka naman natatakot kang maakit sa 'kin nang tuluyan?" She teased him.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Stein nang tingnan siya. "What?"

Inilaylay ni Eura ang maluwang na neckline ng suot niyang over-sized tee hanggang sa ma-expose ang kanyang balikat. Pagkatapos ay pinaningkit din niya ang mga mata habang palapit sa binata. "Maybe you're attracted to me— ay pating!" Okay na sana ang "pang-aakit" niya kung hindi lang siya nadulas sa sahig.

Pero naging maagap si Stein kaya nasalo agad siya. Nakapulupot ang braso ng binata sa kanyang baywang habang ang isa naman ay inilagay sa likod ng kanyang mga tuhod upang pangkuhin siya. Kumapit kasi siya sa leeg nito nang walang-babala, kaya marahil kaysa pareho silang bumagsak ay pinangko na lamang siya ng binata.

Nag-angat ng tingin si Eura kay Stein para sana magpasalamat. She realized their faces were dangerously close. Pagkatapos ay bigla na lang namula ang mukha ng binata. May nadiskubre na naman siya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga nito para bulungan. "You're a virgin, aren't you?"

Nahigit ni Stein ang hininga, pagkatapos ay naglakad, saka walang-babalang idineposito siya sa sofa. Then, he walked out without a word, without turning back.

Natawa na lang siya. So cute!

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon