14th Chapter: Assurance

2.6K 119 1
                                    

"DITO ka muna magpalipas ng gabi sa bahay ko. Tinawagan ko na si Melou."

Tumango lang si Eura. Kasalukuyan siyang nasa guest room na ipinagamit ni Stein. Nakaupo siya sa kama habang nakayuko. Iniisip kasi niya kung dapat na niyang sabihin sa binata ang tungkol sa wedding ring na nakita niya ngayong nagkasundo na ang kanilang mga puso.

"What's wrong, Eura?" He got down on one knee and cupped her face. "Natatakot ka pa rin ba?"

"Stein... may dapat kang malaman."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Bumalik na ba ang alaala mo?"

Umiling si Eura. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "M-may nakita akong wedding ring sa mga gamit ko... at picture ko kasama ang isang lalaki. P-pasensiya ka na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob ipagtapat sa 'yo 'to."

He was obviously shocked.

Natakot siya na baka nagbago na ang isip ng binata. Bumuga siya ng hangin at saka humiga patagilid, with her back turned on him. "Maaaring kasal na ako, Stein," aniya sa mahinang tinig.

Matagal bago ito muling nagsalita. "Eura, hindi pa tayo sigurado kung kasal ka ba o hindi."

"'Yon nga ang mahirap, eh," napu-frustrate na sabi niya. "Wala tayong alam kung sino ako. Natatakot akong masaktan ka."

"Eura..."

Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang braso ni Stein sa kanyang baywang at ang pagpatong ng baba sa kanyang balikat.

"Sinabi ko na, wala na akong pakialam do'n."

"Hindi natin puwedeng bale-walain ito. What if I'm a psycho?"

He chuckled. "Impossible."

Umungol siya. "Seryoso ako. Pa'no nga kung psychotic pala ako?"

"Di quits lang tayo. I'm crazy, too. Crazy about you, crazily in love with you."

Hindi pa rin nawala ang agam-agam sa puso ni Eura kahit kinikilig siya. "What if I'm a wanted criminal? O kaya murderer?"

"I'll whisk you off to a place where no one knows us. Kung saan hindi ka nila makukuha sa 'kin," seryosong sagot ni Stein.

Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya. "Paano kung con-artist pala ako?"

"Easy. I'll give you a permanent name and identity—I'll make you Mrs. Stein Albert Alventra."

Natunaw na ang puso ni Eura, parang nawala ang lahat ng alalahanin niya dahil sa mga sinserong salitang iyon. Humarap na siya kay Stein, nakalapat na ang kanyang likod sa kama. Now, he was on top of her. Ikinulong niya ang guwapo nitong mukha sa pagitan ng kanyang mga palad. "Pa'no kung kasal na pala ako?"

Ipinatong ni Stein ang kamay sa kanyang kamay, habang ang isa naman ay nakatukod sa itaas ng kanyang ulo. He stared at her lovingly and smiled the sweetest smile a man could give the woman he loved. "I'll be your lover."

Napaiyak siya sa sobrang saya. Iyon lang naman ang assurance na gusto niyang malaman—na hindi siya iiwan ni Stein kahit sino o ano pa siya. "Puwede mo ba 'kong i-kiss? Gusto kong makasiguro na hindi ako nananaginip."

Ngumiti ang binata. "'Gladly."

His warm and soft lips touched hers. Slowly and tentatively at first, then, his lips started moving, urging her to follow his lead. He deepened the kiss, and her heart and mind finally found peace. Stein kissed her again and again until she fell asleep.

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon