18th Chapter: Engagement

2.7K 111 3
                                    

"I'M SORRY, Stein."

"For what?" tanong ni Stein sa basag na boses.

Napayuko si Eura upang maitago ang pagpatak ng mga luha. "I can't stay with you."

"Bakit?"

"Ngayong bumalik na ang alaala ko... malinaw na sa 'kin kung sino talaga ang mahal ko," aniya sa nanginginig na boses.

"Pinipili mo ba si Ramir kaysa sa 'kin?" His voice was filled with pain. "Eura, ganito ba kadali sa 'yo ang bitiwan ako dahil lang bumalik na ang alaala mo? Paano ako? Paano tayo?"

Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng mga luha. "I-I'm sorry, Stein. What we had was a temporary thing that should've not happened."

"That should have not happened?" Pagak na tumawa ang binata. "I told myself countless times that I shouldn't fall for you, but I did. And here you are, saying it shouldn't have happened as if you're regretting it. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon sa 'kin, Eura?"

Hindi siya sumagot. Kung gaano nasasaktan si Stein, ganoon din naman siya. Sa bawat kasinungaling binibitawan niya, may patalim na tumatarak sa kanyang puso. Sa bawat masakit na salitang isasagot ni Stein, may pumipiga sa kanyang puso. She was just as hurt as he was; yet, she had to hide it from him.

"Just say it, Eura," pagmamakaawa ni Stein. "Sabihin mo lang na ako ang mahal ko, I will take you away. 'Wag mo lang gawin sa 'kin 'to. Alam mo kung gaano kita kamahal."

Nag-angat siya ng tingin at pilit ikinubli ang sakit na nararamdaman nang mga sandaling iyon. "Hindi kita mahal, Stein. 'Akala ko lang minahal kita dahil komportable ako sa 'yo. Pero ngayong bumalik na ang alaala ko, sigurado na ako sa nararamdaman ko. I love Ramir."

Itinakip nito ang kamay sa mga mata. "Shit. Don't say you love someone else straight to my face, Eura. It's fucking painful. Just... just go. And don't you turn around again because if you do, I will take you with me."

Napaiyak na siya. Walang-lingon-likod siyang umalis ng bahay ni Stein. Leaving her heart with him.

Naputol lang ang pagbabalik-tanaw ni Eura nang makita sa salamin ang pagpatak ng kanyang mga luha. Nakatayo siya sa harap ng full-length mirror habang suot ang wedding gown na gagamitin niya sa araw ng kanyang kasal.

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang umalis siya ng Luna Ville. Pero ang kanyang puso, naiwan na sa lugar na iyon. Naiwan na kay Stein.

Oo, si Stein ang totoo niyang mahal. Kahit bumalik na ang kanyang alaala, ang puso at isip niya, si Stein pa rin ang hinahanap-hanap. Pero hindi niya puwedeng iwan si Ramir. Malaki ang responsibilidad niya sa binata.

Ramir lost his ability to walk because of her. He was her best friend. Kinukunsinti ni Ramir ang lahat ng kalokohan niya. One year ago, minaneho niya ang Porsche nito kahit alam naman niyang hindi siya magaling mag-drive. Ilang beses siyang sinaway ng binata at sinabihang ihinto na ang kotse, pero hindi siya nakinig. Nang may makita siyang malaking truck na papasalubong sa kanila, nataranta siya. Imbes na break ang matapakan, lalo pang bumilis ang takbo niya hanggang sa mabunggo sila sa isang malaking puno dahil sa pag-iwas sa truck.

Because of that accident, nalumpo si Ramir. His parents were even mad at her and they blamed the accident on her. Na totoo naman.

Ramir was devastated when he found out he could not walk anymore. When she tried to comfort him, he snapped at her. Naaalala pa niya ang pagtatalo nila na nauwi sa pag-aalok niya ng kasal.

"Tama na, Eura! Kahit na ano'ng sabihin mo, hindi na gagaan ang pakiramdam ko! Imbalido na ako! I can't walk! Ano na lang ang magiging tingin ng mga tao sa 'kin?"

"Ramir... you can still play the violin. At kung may mangungutya man sa 'yo, I will face them!"

"Hindi mo ako naiintindihan. Sa tingin mo ba, mamahalin pa rin ako ng babaeng mahal ko dahil sa kalagayan kong ito?"

"Oo naman—"

"Mamahalin mo pa rin ba ako kahit lumpo na ako, Eura?"

Natural lang na magulat siya sa tanong. "W-what?"

"Mahal kita, Eura! Matagal na! Kung noon ngang normal pa ako, nahihirapan na akong paibigin ka," ngumiti nang mapait si Ramir, "ngayon pa kayang lumpo na ako? Ngayong ganito na ako, sigurado akong iiwan mo ako."

She balled her hand up into a fist. Kasalanan niya kung bakit nalumpo si Ramir, magagawa ba niya itong iwan? "Tanga ka ba? Sa tingin mo ba, magagawa kitang iwan pagkatapos ng nangyari sa 'yo?" umiiyak na tanong niya.

"It's fine if you leave me now, Eura. Ayoko nang umasa na mamahalin mo ang isang tulad ko."

"'Wag mong maliitin ang sarili mo dahil lang nalumpo ka, Ramir! Hindi kita iiwan." Nilunok niya ang bagay na kanina pa nakabara sa kanyang lalamunan. "Magpakasal tayo kung 'yon ang magpapaniwala sa 'yo na hindi kita pababayaan. I won't leave you, I promise."

Muli na namang pumatak ang mga luha ni Eura. Hindi niya magawang iwan si Ramir dahil sa guilt na nararamdaman. Pero habang papalapit nang papalapit ang kanilang kasal, nag-aalangan at natatakot siya sa desisyong babago sa kanyang buhay. Iyon ang dahilan kung bakit nagpunta siya sa Paris noon. Naguguluhan na siya. She was scared because she did not know what to do.

Gusto niyang makatakas sa kasal na magtatali sa kanya sa lalaking hindi naman niya mahal. At suportado naman siya ng mga magulang niya na ang hangad ay ang kanyang kaligayahan. And her parents knew Ramir could not give that happiness to her. Pero natatakot siyang saktan si Ramir. Mahal niya ang binata pero bilang isang kaibigan lang. Sa loob ng isang taon na naging boyfriend niya si Ramir, sinubukan niya itong mahalin nang higit pa sa isang kaibigan, pero hindi iyon nangyari.

Ang alaala ng pakikipaghiwalay niya kay Stein at ang alaala ng pangako niya kay Ramir ang nagpapabigat sa kanyang kalooban. She was torn between love and responsibility.

May narinig siyang katok sa pinto ng fitting room.

"Eura, I'm here." Si Ramir ang kumakatok.

Pinunasan niya ang magkabilang pisngi at pilit pinasigla ang kanyang boses. "Okay. Magpapalit lang ako."

Binilisan ni Eura ang kilos. Hinubad niya ang wedding gown at nagpalit ng casual clothes. Paglabas ng fitting room ay nakita niyang nagbabasa ng magazine si Ramir. Pilit siyang ngumiti nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. "Hello." Humalik siya sa pisngi ni Ramir. Hinila siya ng binata dahilan para mapaupo siya sa mga hita nito. Hindi siya komportable sa kanilang posisyon kaya nailang siya. "R-Ramir, may mga tao dito sa boutique."

Ngumiti si Ramir. "So? We're getting married anyway." Masuyo nitong hinaplos ang kanyang mukha. "Okay na ba ang fitting ng gown mo?"

Pilit uli siyang ngumiti at tumango. "Oo."

He smiled. "You're a dream come true, Eura. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang magpapakasal na tayo." Dumako ang tingin nito sa kanyang mga labi.

Alam niya kung ano ang susunod na gagawin ni Ramir kaya umiwas siya sa paraang hindi ito masasaktan. Niyakap na lang niya ang binata. "Ramir, nagugutom na ako. Kain na tayo, ha?"

He chuckled. "Sure, baby."

"I love you, baby."

Stein's voice echoed in her mind the same time a throbbing pain stabbed her heart.

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon