Alventra Residence, Melou's House
"SO? WHY did you reject Stein?"
Muntik nang maibuga ni Eura ang iniinom na kape dahil sa tanong ni Charly. "A-ano bang klaseng tanong 'yan? Of course I rejected him dahil h-hindi ko siya gusto bilang boyfriend," pagsisinungaling niya. Hindi niya puwedeng aminin kay Stein ang tunay na nararamdaman hangga't hindi pa niya nalalaman kung sino talaga siya. Maaaring kasal na siya sa ibang lalaki. Hindi niya puwedeng paasahin si Stein. Kapag bumalik na ang kanyang alaala, pareho lang silang masasaktan kaya mas mabuti nang ngayon pa lang ay pareho na silang tumigil.
"Pero nararamdaman kong may espesyal na pagtingin ka rin kay Ste-" Hindi na naituloy ni Charly ang sinasabi nang takpan ni Genna ang bibig nito.
"Ah, Eura. Pasensiya ka na kay Charly. She's a romance novelist kaya medyo wild ang imagination niya," paliwanag ni Genna.
"But I was really shocked when Alaude told me Kuya Stein confessed to you," sabi naman ni Umi.
"Bakit? NGSB ba siya? As in no girlfriend since birth?" usisa naman ni Moana.
"Yep!" sagot ni Umi. "Stein is kind of aloof. Nakikipag-date siya pero hindi 'yon nauuwi sa seryosong relasyon. Meaning, he's serious about you, Eura."
Natahimik si Eura. Masaya siya sa mga nalaman. Pero mas nangingibabaw ang pag-aalala.
Bumalik na si Melou sa kuwarto nito kung saan sila kasalukuyang nagkukuwentuhan. May dala na itong tray na naglalaman ng cake at mga baso ng iced tea.
"Melou, matagal mo na bang alam ang nararamdaman ng kakambal mo kay Eura?" tanong ni Charly.
Ngumiti si Melou. "Of course, he's my twin brother. Kilala ko si Stein higit kanino man. So it's only natural that I'm aware he's falling in love with you, Eura."
Napayuko si Eura. "Sorry."
Melou chuckled. "Bakit ka naman nagso-sorry? Wala kang kasalanan. Natural lang na tanggihan mo ang kapatid ko, lalo na sa kalagayan mo. You must have been confused. Pasensiya ka na kung ginulat ka agad ni Stein."
Napabuga na lang ng hangin si Eura. Kung puwede lang niyang ipagsigawan sa lahat na mahal niya si Stein, ginawa na niya. Nasasaktan lang siya sa ginagawa niyang pagpipigil sa damdamin.
"Eura!"
Sabay-sabay silang napalingon sa bintana kung saan nagmula ang boses ni Stein.
Tumayo si Charly mula sa pagkakaupo sa kama para buksan ang bintana. "Oh, you should see this, Eura," nakangiting sabi ng dalaga.
Nagtataka man ay lumapit na rin si Eura sa bintana. Ganoon din sina Umi, Genna, Moana, at Melou. Sabay-sabay natawa ang apat na babae pagtingin sa ibaba. Samantalang kinagat naman ni Eura ang ibabang labi para pigilan ang mapangiti.
Stein-together with Alaude, Primo, Sley, and Melvin-looked funny yet overly handsome in their barong-Tagalog. Lalo na si Stein na kahit may dugong banyaga ay binagayan pa rin ng suot.
"Stein, ano na naman ba 'to?" tanong ni Eura.
"Eura, hindi ko matanggap na ni-reject mo ako, not because my pride was wounded, but because I want you to fall for me, too. Kaya liligawan kita hanggang mahalin mo rin ako," deklara ni Stein.
Narinig ni Eura ang impit na tilian ng mga kasama niya. Siya man ay gusto na ring tumili nang maramdamang kinikilig siya, pero pinigilan niya ang sarili.
Kinalabit ni Sley ang gitara, iginalaw-galaw naman ni Melvin ang hawak na rattles, at nagsimula namang mag-"macho dance" sina Primo at Melvin habang kumakanta si Stein na tuluyan nang nagpatawa kay Eura at sa mga kasama niyang babae.
Stein started to sing. "'Di ko malaman ang nadarama. Sa tuwing ika'y aking nakikita. May kung ano sa damdamin. At abot-abot ang kaba. Sa araw-araw ay nagtataka. Ang puso kong ito, o bakit ba? Ang kilos ko'y nagbabago. Na halos naandiyan ka na. 'Di makatulog sa gabi sa kaiisip. Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip. O bakit ba ikaw ang siyang laging laman, ng isip ko? Sa bawat sandali ay nais kang makita. Kapag tumitig na sa akin ay ligaya. Anong hiwaga ang nadarama, anong kaba? Paano mo kaya ako mapapansin? Malaman mo kaya ang aking damdamin? Ano ang dapat sabihin ng puso kong may pagtingin? Sa araw-araw ay nagtataka. Ang puso kong ito, o bakit ba? Ang kilos ko'y nagbabago. Na halos naandiyan ka na..."
Naramdaman ni Eura ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Hindi man kagandahan ang boses ni Stein sa pag-awit, tumatagos naman sa kanyang puso ang pagkanta nito dahil nararamdaman niya ang pagmamahal sa bawat salitang nasa awitin. And she could see pure love in his gentle eyes.
Pasimple siyang humawak sa kanyang dibdib. Nasasaktan siya, pero alam niyang mas masasaktan sila kung magpapatuloy pa ang maling pag-ibig na namuo sa pagitan nila sa napakaiksing panahon.
***
KopeeBook, Third Floor
"'EURA Marasigan' doesn't exist," walang emosyong sabi ni Primo. "Pearl looked for records that could tell us who Eura really is-NSO, NBI, etc. Pero walang nag-match na Eura Marasigan sa kahit anong ahensiya sa buong Pilipinas. Ang ibig sabihin, nagsinungaling siya sa atin tungkol sa pagkatao niya no'ng hindi pa siya nawawalan ng alaala."
Stein froze. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita ni Primo. Bakit naman magsisinungaling si Eura sa kanila? Ang naroon lang sa kuwartong iyon nang mga sandaling iyon ay siya at sina Primo, Alaude, Melvin, at Sley. Ayaw pang ipaalam ng mga kaibigan niya ang impormasyon kina Umi, Genna, Charly, Melou, at Moana. The girls seemed to be attached to Eura now and that fact would only hurt them.
Bumuga ng hangin si Primo. "Stein, alam namin ang nararamdaman mo kay Eura. Sa totoo lang, hindi ka naman namin sana pakikialaman sa pribado mong buhay kung hindi lang dumating ang report na 'to sa akin. We even supported you, didn't we? Pero iba na ngayon. I hate to say this but... she might be dangerous."
Kumunot ang noo ni Stein. "Dangerous, milord? Paano naging mapanganib si Eura?" angil niya.
Hinawakan siya ni Sley sa balikat para pakalmahin. "Stein, you know he's back, right?"
"What? Iniisip n'yong konektado si Eura kay Seigo?" hindi makapaniwalang tanong ni Stein.
"Stein, you know Seigo. Gagawin niya ang lahat para masaktan ang bawat isa sa atin," mariing sabi ni Alaude. "You know what he's capable of doing. We just want you to be careful. Isa pa, kung wala siyang masamang balak, bakit nagsinungaling siya tungkol sa pagkatao niya?"
"Just get to the point already! Ano'ng gusto n'yong gawin ko?" galit na tanong ni Stein. Kinakabahan na siya.
"Surrender Eura to the authorities and let them help her find her real identity," seryosong sabi ni Primo na mas nangingibabaw ang pag-uutos sa boses.
Natigilan si Stein. Gusto nang paalisin ni Primo si Eura sa Luna Ville! Naikuyom niya ang mga kamay. Isipin pa lang na mawawala na si Eura, hindi na siya makahinga. "I can't do that."
"Stein," nagbabantang sabi ni Primo.
"Ah, enough of the drama!" biglang bulalas ni Melvin, tumayo at nag-inat. "May isang paraan ka pang magagawa para hindi mapaalis sa LV si Eura, Stein."
"What?" Stein snapped.
"Don't get attached to her," walang-emosyong sabi ni Melvin. And his eyes and voice were colder than Primo's.
"Masasaktan ka lang."
Napamura si Stein. Kilala niya ang mga kaibigan. They could be the nicest people you could ever meet, but when it came to protecting Luna Ville and their friends, they could be heartless. Ganoon din naman siya. Pero kung si Eura... His phone rang. Huminga muna siya nang malalim para kalmahin ang sarili bago sinagot ang tawag. "Yes, Melou?"
"Stein! Eura left us!"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...