NAIINIP na sa paghihintay si Eura kay Ramir sa simbahan kung saan sila magre-rehearse para sa kasal kaya tinawagan na niya ang binata. "Ramir, nasa'n ka na?"
"Eura, I was about to call you. I'm sorry pero mahuhuli ako ng dating. Naiba kasi ang program ng violin recital ko kaya inaayos pa namin 'yon ng director ko. We can rehearse tomorrow."
"All right. Pupunta na lang ako diyan sa concert hall."
"Nah, maiinip ka lang. You just go home and rest. Alam ko namang nakaka-stress ang magplano ng kasal, okay? I love you."
"Hmm, same here," she answered shortly and hung up. Bumuga siya ng hangin. Hindi na niya magawang sagutin ng "I love you, too" si Ramir. Would she really be okay?
"Hey, cheer up."
Nalingunan ni Eura si Seigo na nakaupo sa likurang pew. Napangiti siya at nilapitan ang binata. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Ouch! Ayaw mo yata akong makita, aalis na nga ako." Akmang tatayo si Seigo nang hilahin niya paupo. Natawa ito. "'Kidding!"
She chuckled. "Sira ka talaga. Ang tagal nating hindi nagkita, Seigo. Na-miss kita."
Tinapik-tapik nito ang kanyang ulo. "Well, na-miss din kita... pero slight lang."
Nagkatawanan sila. Seigo and Eura were good friends. Sa iisang unibersidad lang sila nagkolehiyo at bilang mga anak ng mga prominenteng tao, madalas silang nagkikita sa mga party. Isa pa, isa rin si Seigo sa mga top-client niya. Sa kanya lang kasi ito nagpapatahi ng damit.
Marami sa mga kakilala niya ay nangingilag kay Seigo, pero siya, hindi. Sinasabi ng marami na mapanganib daw ang binata. Pero mula nang ipagtanggol siya ni Seigo mula sa mga French fashion designer na nam-bully sa kanya sa isang prestigious fashion designing contest, pilit niya itong kinaibigan. Seigo was just playful but once one got to know him, he was actually gentle and kind.
Pero bago kami naging magkaibigan, ilang beses niya 'kong tinakot at ipinagtulakan.
"How are you, Seigo? Nakita mo na ba 'yong binalikan mo rito sa Pilipinas?" tanong ni Eura. Bihira lang magkuwento tungkol sa nakaraan si Seigo kaya wala siyang masyadong alam tungkol dito.
"Nah, she's being surrounded by a bunch of annoying brats."
"'She?'" nakangising tanong niya. "Ang tagal na nating magkaibigan pero ngayon ko lang nalaman na babae pala ang pinag-uusapan natin."
Kinurot siya nito sa pisngi. "You've got me there, huh? But don't push your luck, lady. Nasa'n na nga pala si Ramir?" pag-iiba nito ng usapan.
"Hindi siya makakapunta dahil hindi pa tapos ang preparation ng concert niya. Anyway, gusto mo bang ikaw na lang ang maging partner ko sa rehearsal ngayon? Maglalakad lang naman tayo sa aisle. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay."
Biglang sumeryoso si Seigo. "Eura, isa ka sa iilan na itinuturing kong tunay na kaibigan. You still befriended me even though I pushed you away. Kaya kung may magagawa ako para masuklian ang pagkakaibigang ibinigay mo sa 'kin, sabihin mo lang. I want you to be happy."
Napangiti siya. See? Seigo had a gentle side, too. "Thank you, Seigo."
He chuckled and patted her head before he stood up. "Anyway, I lied. Alam kong hindi makakarating si Ramir kaya naghanap ako ng makakasama mo ngayon."
"Seigo, why in the hell did you call me here?"
Sabay silang napalingon ni Seigo sa kapapasok lang sa simbahan—si Stein! Halatang nagulat si Stein nang makita siya. So, obviously, wala itong alam na magkikita sila ngayon. She glared at Seigo who just chuckled.
Scheming beast!
***
HUMUGOT ng malalim na hininga si Eura bago tiningnan si Stein. Napasinghap siya nang makitang titig na titig ito sa kanya. Nangingislap pa ang mga mata. Napaisod tuloy siya sa dulo ng pew na inookupa nila. "B-bakit ganyan ka makatitig?"
Namula ang mukha ni Stein, saka nag-iwas ng tingin. "Sorry. Dalawang linggo mahigit kitang hindi nakita nang malapitan. I missed you, Eura."
Lumakas at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dang! The butterflies rammed against the wall of her tummy. "Ano'ng ibig mong sabihing 'malapitan'?"
Sumandal si Stein at tumingala sa krus sa harap ng simbahan. "Patawarin N'yo po ako kung hindi ko mapigilan ang sarili kong sundan at patuloy na bantayan ang babaeng mahal ko... kahit ikakasal na siya sa ibang lalaki. I just love her so much I can't last a day without seeing her... even from afar. If loving her was a sin, I'd plead guilty anytime."
Naramdaman ni Eura ang pangingilid ng kanyang mga luha. She missed Stein like hell. Lalo na ang mga hirit ng binata. Pero nasasaktan din siya, kaya alam niyang doble ang sakit na nararamdaman nito. "Stein, masasaktan ka lang lalo kung ipipilit mo pa ang sarili mo sa 'kin. You should love yourself more. Mas pahalagahan mo ang buhay mo kaysa sa 'kin."
"May tanong ako sa 'yo." He smiled sadly. "What's the difference between my life and you? Wala, Eura. Wala."
Napahikbi siya at itinakip ang mga kamay sa kanyang mukha. "Kalimutan mo na ako, Stein. Please."
"Gusto kong kalimutan ka para hindi na ako masaktan. But I always forget to forget you, Eura."
Tuluyan na siyang naiyak. "Ikakasal na ako, Stein." She heard him chuckle.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo noon?"
Inalis niya ang mga kamay sa kanyang mukha. Tiningnan niya si Stein.
Ngumiti ang binata at masuyong pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang daliri. "I'll be your lover," he said gently.
I love you, I love you, I love you!
Tumayo na siya bago pa siya mawalan ng kontrol sa kanyang emosyon. "I'm sorry, Stein. Ito na ang huling beses na mag-uusap tayo." Palabas na siya ng simbahan nang magsalita ang binata.
"Sige, ito na ang huli. Pero may tanong muna ko sa 'yo, Eura."
Humugot siya ng malalim na hininga bago hinarap si Stein. Nagulat siya nang bigla itong lumuhod at naglabas ng maliit na kahon. Napaiyak na naman siya. "'Wag, Stein... 'wag."
He still smiled. "Will you marry me, Eura?"
Yes. "No."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...