NAPANGITI si Eura habang nagsusulat sa notebook ng mga komento tungkol sa narinig niyang "violin recital" ni Stein kagabi sa playground. Hindi siya musician pero bilang lumaki kasama ang isang mahusay na violinist, marami siyang alam tungkol sa pagtugtog ng violin.
Pagkatapos ng paggawa ng mga kritisismo ay isinilid naman niya sa paper bag ang isang CD na naglalaman ng koleksiyon ng mga musika ng isang magaling na violinist na pinakamalapit sa kanyang puso. Makakatulong din iyon sa pagpa-practice ni Stein.
Nagustuhan niya ang nakita niyang determinasyon sa mga mata ni Stein kaya nagdesisyon siyang tulungan ang binata. Natigil lang siya sa ginagawa nang maka-receive ng text mula kay Melou.
Eura, isara mo muna ang shop at mag-merienda muna tayo rito sa Kahit Saan. J
Sinagot niya ang text habang naglalakad papunta sa naturang fast-food chain. Walking distance lang naman iyon mula sa shop.
Nandiyan ba 'yong kakambal mo?
Yes, I'm with Stein. Why?
Secret muna. Don't tell him na I'll be coming over para hindi siya makatakas.
He-he. Sure. ;)
Ibinulsa ni Eura ang cell phone nang makita na niya ang signage ng Kahit Saan. Agad niyang nakita sina Stein at Melou dahil kaunti lang naman ang tao sa kainan nang mga sandaling iyon. Kasama ng kambal ang mga kaibigan.
Kabubukas pa lang niya ng pinto at akmang papasok nang matigilan siya. Bigla kasing tumayo si Stein at sumigaw.
"It's not a good idea to let that woman stay here at Luna Ville!"
Err—ako ba ang tinutukoy niya?
"Ni hindi nga natin alam kung sino siya, o kung ano'ng plano niya. Bigla na lang siyang sumulpot, at masyadong manipulado ang mga pangyayari. Iniligtas niya ang kapatid ko, pero humingi naman agad siya ng kapalit. Paano kung matagal na pala niya tayong minamatyagan para gawan ng masama?"
Napayuko si Eura. Ang akala niya, kahit paano ay napalapit na siya kay Stein sa kabila ng matalas nitong dila. Nasaktan siya hindi lang dahil sa mga inaakusa ni Stein, kundi dahil nalaman niyang ganoon pala kababa ang tingin ng binata sa kanya. Inisip pa naman niyang ang mga asaran nila ay katumbas lang ng away ng mga bata. Ang pangit pala ng impresyon ni Stein sa kanya. Ipinahiya pa siya sa mga kaibigan nito. Masyado talaga siyang naapektuhan.
"Bakit hindi si Eura mismo ang tanungin natin?" tanong ng babaeng may kaharap na laptop, walang emosyon ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "Hi, Eura."
Natahimik ang lahat at dumako ang tingin sa kanya. Pero na kay Stein lang ang kanyang atensiyon. He looked surprised, pero agad ding ikinubli ang anumang emosyon sa mukha.
Pilit ngumiti si Eura at tumikhim upang mawala ang bara sa lalamunan. Pinasigla rin niya ang boses. "Hi! Ikaw naman, Stein, ganyan pala ang tingin mo sa 'kin, sana sinabi mo na lang agad. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko dito. If you want me out of your village, fine..." Her voice trailed off when her lips began to tremble.
Kapansin-pansin ang pagguhit ng pag-aalala sa mukha ng mga babae roon, partikular na si Melou.
Tumayo si Melou. "Eura..."
Pilit ngumiti si Eura sa kabila ng mainit na likidong naramdaman niyang pumatak sa kanyang mga pisngi. "Melou. Thank you for everything." Dala ng panghihina ay nabitiwan niya ang mga dala. Then, she ran away.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...