NAGPUNTA si Eura sa bahay ni Ramir para sunduin ito. Ngayon ang fashion show niya kung saan nag-collaborate sila ng isa pang top fashion designer ng bansa at malapit niya ring kaibigan na si Rain Rodriguez-Apostol. Wedding gowns ang theme ng show. Ewan ba niya pero kahit ilang taon nang kasal ang babaeng iyon, fascinated pa rin sa wedding gowns.
She must be very much in love with her husband.
Nilukob ng lungkot ang kanyang puso. Kailanman, hindi na yata niya mararanasang maikasal sa lalaking tunay niyang mahal. She would be forever be tied to a man who was close to her heart, but not close enough to move her.
"Will you marry me, Eura?"
Stein's voice when he proposed to her rang in her ears again. Kasabay niyon ay ang pagbalik ng lahat ng masasayang alaala—mula nang mabunggo siya ni Stein nang alalayan nito si Melou hanggang sa alukin siya ng kasal.
The connection she felt with Stein was so strong she could not ignore it. She felt complete whenever she was with him. She felt like her soul and her heart were tied to his. Ngayong malayo siya kay Stein, kalahati ng puso at kaluluwa niya ang parang nawala.
Gusto na namang maiyak ni Eura. Tumigil siya sa paglalakad at naikuyom ang mga kamay. Hindi na niya kayang magpatuloy sa pagpapanggap na kaya niyang kalimutan si Stein. Hindi niya kaya. Ayaw niya.
Tumingin siya sa pinto sa harap. It was Ramir's room. Kailangan na niyang makipaghiwalay sa binata bago pa mahuli ang lahat.
Huminga siya nang malalim bago kumatok. Pinapasok siya ni Ramir sa kuwarto. When she came into his room, nakita niyang nakabihis na ang binata para sa dadaluhan nilang event. He was wearing a tux. "Hi."
Ngumiti si Ramir. "Hello, Eura." Nawala ang ngiti nito nang mapatitig sa kanyang mukha. "What's wrong? Umiyak ka ba?"
Umiling siya. "R-Ramir... may sasabihin sana ko sa 'yo..."
"I'm listening."
Nilunok muna ni Eura ang nakabara sa kanyang lalamunan bago nagsalita. "Tungkol ito kay Stein..."
Napaisip si Ramir. "Ah, yes. Stein Albert Alventra, the son of the opera singer Melanie Garcia-Alventra and the classical pianist Stuart Alventra. What about him?"
Nagulat siya sa narinig. Ngayon lang niya nalamang musicians pala ang mga magulang ni Stein. Pero hindi ito nabiyayaan ng talento sa pagtugtog kaya marahil nag-focus na lamang sa pagnenegosyo. "Alam mo naman sigurong nagkasama kami sa Luna Ville."
Ngumiti si Ramir, pero bahagyang nakakunot ang noo. "Yes."
Nangilid na ang kanyang mga luha. She did not want to hurt him, but she had to. Iyon lang ang tanging paraan para makalaya silang tatlo. "Ramir, no'ng mga panahong wala akong maalala, si Stein ang nakapitan ko. I felt comfortable around him, he made me feel calm. Before I knew it, I—"
"Of course you miss him and your new friends," sansala nito sa kanyang sinasabi. "Siguro maging ang buong Luna Ville ay nami-miss mo. You can invite them to our wedding."
Napabuga siya ng hangin. "Ramir, hindi 'yon ang gusto kong sabihin. Stein... I love—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang biglang tumayo si Ramir kaya bumagsak ito sa sahig at kumalabog sa pagbagsak. "Ramir!" Aalalayan sana niya ang binata pero pinigilan siya nito.
Ngumiti nang mapait si Ramir. "Eura... I want to walk. I'd trade anything just to be able to walk on our wedding day."
Natigilan siya. May kung anong kumurot sa kanyang puso.
"Kahit isang araw, gusto kong makalakad," nakayukong sabi ng binata. "Gusto kong maglakad sa simbahan habang nakakapit ka sa braso ko. Gusto kitang maihatid nang normal sa harap ng altar. But these fucking legs are useless!" Frustrated na sabi nito, saka pinaghahampas ang mga binti. "I want to walk, kahit man lang sa araw ng kasal natin! It's so frustrating, Eura! Hindi tayo dapat ganito, eh! Hindi dapat ikaw ang sumusundo sa 'kin. Ako dapat ang nagmamaneho para sa 'yo!"
She could only cry in silence. Binago ng aksidenteng gawa niya ang buhay ni Ramir. A change that made his life miserable, all thanks to her. Habambuhay nitong pagdurusahan ang pagkalumpo. Magagawa pa ba niyang maging makasarili at iwan si Ramir? She would be happy, yes. Pero paano naman si Ramir? Siya ang kaligayahan ni Ramir at obligasyon niyang pasayahin ang binata sa abot ng kanyang makakaya, nang sa gayon ay mapagbayaran niya ang ginawa niyang paninira sa buhay nito.
It would be the most painful thing she had to do.
Lumuhod si Eura at niyakap ang binata. "Calm down, Ramir. I'm here for you."
This was emotional blackmail, yes. But what could she do? Wala. She held Ramir in her arms until he calmed down. Dahil napagod ang binata ay pinagpahinga muna niya at napagpasyahan niyang hindi na isasama sa fashion show. Pumayag naman si Ramir.
She was tired herself, too. Pero mas gugustuhin na niyang magtrabaho kaysa magmukmok sa bahay.
Pasakay na siya sa kotse nang mag-ring ang kanyang phone. It was her secretary. "Yes, Miriam?"
"Ma'am, may problema ho tayo! Lahat ng models na kinuha n'yo, hindi na raw ho makakarating sa show!"
"What?!" gulat na bulalas niya. Tumingin siya sa relong-pambisig. Six-fifteen na ng gabi. There were only forty-five minutes left before the show began. "We have to find replacements!"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...