One month later
BUMUGA ng hangin si Stein nang hawakan niya ang nakabenda niyang ulo. Masama ang pagkakahulog niya mula sa hagdan kanina dahil kinailangang tahiin ang likod ng kanyang ulo. He got four stitches and it kind of stung. Tinungga niya ang hawak na canned beer bago pumasok sa bookstore ng KopeeBook sa second floor.
"Hi, Charly!" nakangiting bati ni Stein nang makita niyang abala sa pagtipa sa laptop ang dalaga sa likod ng counter.
"Hello, Inner Stein," ganting-bati nito nang hindi nag-aangat ng tingin.
Ipinatong niya ang mga braso sa counter, saka marahang pinisil ang baba ni Charly. Iniangat niya ang mukha nito. "Lalo kang gumaganda, Charly..." Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang biglang ang magandang mukha ni Eura ang kanyang nakita. He let go of Charly's chin and smashed the tin can with his hand. "Sorry, Charly."
"Okay lang. Napansin mo na rin ba? After you fell in love, 'Inner Stein' began fading from your system. Kahit umiinom ka ng alak, normal ka pa rin. Pinipilit mo na lang maging 'Inner Stein' para makalimot ka."
Pasalampak siyang umupo sa couch sa tabi ng counter. "You really are a keen observer. Tama ka. Kahit nalalasing ako, nasa matinong pag-iisip pa rin ako. I still see her."
Nagpatuloy sa pagtipa sa laptop si Charly. "Ayon sa research ko, tatlong taon ang pinakamaiksing panahon bago mo makalimutan ang taong minahal mo nang husto."
"I don't believe you. Bakit ikaw, kahit pitong taon na ang lumipas, hindi mo pa rin makalimutan ang ex mo na nasa London na?"
"Sino ba'ng nagsabing kinakalimutan ko siya?" Bumuga ito ng hangin, saka siya hinarap. "Stein, sa totoo lang, hindi ko inasahang mamahalin mo siya nang ganyan katindi."
Ngumiti siya nang malungkot. "Charly, do you believe in soul mates?"
"Oo. Bakit?"
"I believe Eura is my other half. 'Sabi sa nabasa ko sa Internet, 'a soul mate is a person with whom you have an immediate connection the moment you meet—a connection so strong that you are drawn to them in a way you never experienced before. As this connection develops over time, you experience a love so deep, strong, and complex, that you begin to doubt whether you have ever truly loved anyone prior.' Habang binabasa ko 'yon, si Eura kaagad ang naisip ko. No'ng unang araw pa lang kaming nagkita, nakaramdam agad ako ng matinding atraksiyon sa kanya. Hindi niya alam pero nang makatulog siya sa kotse ko habang bumibiyahe kami papunta sa Luna Ville, si Melou ang napilitang mag-drive dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nataranta ako dahil do'n kaya sinungitan ko siya.
"Pero nang makita at marinig ko siyang tumugtog ng violin, I felt the 'connection' grow stronger and I was drawn to her more. I'm happy and calm whenever I see her. Dahil din sa kanya, naging maganda ang pagtingin ko sa buhay. Parati akong nagpapasalamat na nakilala ko siya. If we're not meant to be, tell me, why did I fall for her this hard? It's fucking painful and fucking unfair." Humiga si Stein at ipinatong ang braso sa kanyang mga mata. Gumuguhit na naman ang matinding sakit sa kanyang puso.
"Stein, you idiot!" Si Melou ang nagsalita. Naramdaman niya ang pagyakap ng kanyang kapatid. "Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka, Stein. Bilang kakambal mo, ayokong nakikita kang ganyan."
Bumangon siya. Nakaluhod sa sahig si Melou kaya hinila niya ito paupo sa kanyang tabi, saka niyakap. "Melou... I'll be fine."
Humikbi si Melou. "Liar! Isang buwan ka nang wala sa sarili. Kapag hindi ka pa umayos, magagalit na talaga ako. Isusumbong na kita kina Mommy." Hindi natuloy sa pag-uwi sa Pilipinas ang kanilang mga magulang dahil na-extend ang concert ng mga ito sa Australia. Opera singer ang kanilang ina at classical pianist naman ang kanilang ama. Hindi na rin niya pinauwi ang mga magulang nila dahil wala na ang babaeng ipakikilala sana niya. Mag-aalala lamang ang mommy at daddy nila kapag nalaman ang nangyari.
Bumuntong-hininga naman si Sley na hindi agad niya napansing kasama pala ng kakambal niya. "Stein, stop being a masochist. Hindi rin ako natutuwang makita kang nagkakaganyan."
Natahimik si Stein. Sa nakaraang isang buwan ay wala na siyang ibang ginawa kundi pag-alalahanin ang mga kaibigan niya. Pati tuloy si Melou, umiiyak na dahil sa sobrang pag-aalala. Maybe it was time to move on no matter how hard it would be.
"Bibigyan kita ng huling pagkakataon para magpakatanga, Stein."
Sabay-sabay silang napalingon sa bagong dating—si Primo.
Namaywang si Primo. "Isa na lang 'to. Kapag nagmatigas pa rin si Eura, itatago ka na namin para hindi mo na rin siya mapuntahan. Ano, gusto mo ba siyang makita?"
Isipin pa lang ni Stein na makikita uli niya si Eura, nawala na ang mga tinik sa kanyang puso. Kahit alam niyang masasaktan uli siya, mas matimbang pa rin ang pagkasabik niya sa dalaga. He would once again risk his heart in the hopes of winning her back. "Yes, milord. Susugal ako sa huling pagkakataon."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...