6th Chapter: Amnesiac Girl

3.1K 137 3
                                    

ANG SABI ng mga tao sa paligid, "Eura" daw ang pangalan niya. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi maniwala sa mga nagsabi niyon dahil wala siyang maalala tungkol sa sarili. Hindi na rin siya tumutol nang iuwi siya ng kanyang mga kasama sa bahay na pansamantala raw niyang tinitirhan.

Wala naman kasi siyang naramdamang masama tungkol sa mga kasama niya. Ngayong wala siyang maalala, ang pakiramdam na lamang niya ang kanyang kinakapitan at pinakikinggan.

"Eura, I'm Melou," nakangiting pagpapakilala ng babaeng may malaanghel na mukha. Magaan ang pakiramdam niya sa babae dahil maamo ang mga mata. "Hindi mo natatandaan pero iniligtas mo ang buhay ko. Kaya bilang pasasalamat, pansamantala kitang pinatuloy dito sa bahay ko. I don't know much about you, too, but I know you're a good person."

Pilit inalala ni Eura ang mga sinabi ni Melou, pero nang sumakit ang kanyang ulo ay itinigil na lamang niya. "Ano ba'ng nangyari sa 'kin? Bakit wala akong maalala?"

Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Melou. "Ang sabi ng doktor mo, nagkaroon ka raw ng retrograded amnesia because of a traumatic head injury kaya nakalimutan mo ang nakaraan mo."

Nakaramdam ng takot si Eura. "Babalik pa ba ang mga alaala ko? Hanggang kailan ako magkakaganito?"

Melou smiled sadly. "Puwedeng araw, buwan o taon bago bumalik ang alaala mo. Puwede ring... hindi na."

Naikuyom niya ang mga kamay. Nakaramdam siya ng matinding takot na maaaring hindi na bumalik ang kanyang mga alaala. Ang dami niyang tanong tungkol sa sarili. Ayaw niyang mabuhay na hindi alam kung sino siya. She felt lost, and her head was aching.

"Calm down, Eura."

Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kanyang kamay. Nang mag-angat siya ng tingin, sumalubong sa kanya ang kulay-tsokolateng mga mata ng binatang nagngangalang... "Stein."

Kumalma siya bigla. Hindi niya alam kung sino si Stein sa kanyang buhay pero kapag ito ang nasa tabi niya, nawawala ang lahat ng kanyang takot at sakit ng ulo.

When she opened her eyes at the hospital, Stein's gentle liquid-brown eyes and genuine smile greeted her. Nang mga sandaling iyon, mayroong mainit na bagay na bumalot sa kanyang puso. Parang kilalang-kilala ng buo niyang sistema ang binata kaya kahit wala siyang maalala, alam niyang dapat niya itong pagkatiwalaan.

Napangiti siya nang maalala ang mga sinabi ni Stein pagmulat niya ng mga mata. At ang mga salitang iyon ang pinanghahawakan niya kaya walang-pag-aatubili siyang nagtiwala sa binata.

"Don't be afraid of me, Eura. Hindi na kita aawayin. At pangako... Hindi na uli kita hahayaang masaktan."

Walang permisong yumakap siya sa baywang ni Stein. Katulad ng inaasahan, kumalma nga siya at nakaramdam ng kapanatagan. "Don't leave me, Stein, okay? Natatakot ako kapag wala ka, eh."

She felt his discomfort. Pero ilang sandali lang ay naging komportable rin at tinapik siya sa likod. "I won't, kaya 'wag ka nang matakot. Ahm... puwede mo na 'kong bitawan, Eura. Hindi naman ako mawawala."

But she did not want to let go of him yet. Ngumiti siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap. "Ten seconds..."

"Stein! Who's that woman?"

Kumalas si Eura kay Stein para makita kung sino ang dumating. Isang babaeng mukhang maldita pero maganda ang nakatayo sa harap nila. "Sino ka?"

The woman rolled her eyes. "I'm Sherrie. Can you please get away from my Stein?"

Kumunot ang noo ni Eura. "Your Stein?"

"Sherrie," saway ni Melou. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Parang umamo ang mukha ni Sherrie nang tumingin kay Melou. "Hi, Ate Melou. Pasensiya ka na. Nabigla lang naman ako."

Inalis ni Stein ang mga braso ni Eura na nakapulupot sa baywang nito. "Melou, Sherrie and I have an appointment. Ikaw muna ang bahala kay Eura."

Agad nagprotesta ang kalooban ni Eura. "Iiwan mo 'ko, Stein?" Para sumama sa babaeng 'yan?

Bumuntong-hininga si Stein. "Eura, sandali lang ako. I'll be back. Magpahinga ka muna."

Umiling si Eura, saka yumakap sa braso ng binata. "Pero sa 'yo lang ako komportable. Natatakot ako."

"Hindi ka ba komportable kay Melou?"

Tumingin si Eura kay Melou na parang iiyak kapag sinabi niyang "hindi" kaya napilitan siyang bumitiw kay Stein. Wala na kasi siyang excuse para hindi paalisin ang binata. "Sandali ka lang, ha?" paglalambing niya.

Masuyong pinisil ni Stein ang baba ni Eura. Hindi man ngumingiti, nangingislap naman ang mga mata ng binata. "Oo, sandali lang ako."

"Stein, let's go," naiinip na sabi ni Sherrie na masama ang tingin kay Eura.

Inirapan lang ni Eura si Sherrie, saka nakangiting tiningnan si Stein. "Hihintayin kita kaya bilisan mo, ha?"

Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Stein, saka binigyan ng magaang halik sa pisngi si Eura. Pagkatapos ay bumulong. "I'll come running back to you." Walang-lingon-likod na naglakad na palayo ang binata.

Sherrie glared at Eura before clinging to Stein's arm.

Naiwan namang tulala sina Eura at Melou.

Awtomatikong umangat ang mga daliri ni Eura sa pisnging hinalikan ni Stein. Dahil sa halik, pinalagpas niya ang pagkapit ng Sherrie na iyon sa braso ng kanyang Stein. Oo, malakas ang pakiramdam niyang kanya si Stein.

Melou cleared her throat. "Eura, magpahinga ka muna. Ituloy mo na lang ang moment n'yo ni Stein sa panaginip."

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon