NASAPO ni Eura ang noo nang magsimula na namang sumakit ang kanyang ulo. Napansin niyang sa mga nakaraang araw ay napapadalas ang headache niya. Hindi lang niya pinapansin dahil nawawala naman agad.
Luminga siya sa paligid. "Where am I...?"
Kanina, nang palabas na siya ng Luna Ville ay narinig niyang nag-uusap-usap ang mga guard, hinahanap siya at sinabing inutos daw ni "Sir Stein Albert Alventra" na huwag siyang palalabasin ng village. Kaya nagdesisyon siyang magtago muna hanggang sa makaisip siya ng paraan para makapuslit. Sa katatago, napadpad na siya sa liblib na bahagi ng LV. Lagpas pa sa LV Mini-Forest at Haunted Mansion.
The place was filled with old ruins. Naalala ni Eura ang kuwento ni Charly noon tungkol sa Luna Queen's Night. Kung gayon, ang nakikita niya ay ang gumuhong chapel noon dahil sa lindol labinlimang taon na raw ang nakalilipas. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit hindi pa rin iyon inaalis ni Primo sa LV. The old ruins under the bright full moon looked beautiful. Para siyang napunta sa lumang panahon, and it was as if she had found a lost village.
May nakita siyang pakurbang ruin at sa ilalim niyon ay ang nakahigang haligi marahil ng chapel. Sumilong siya sa ilalim ng pakurbang ruin upang magpahinga.
Tumingala siya sa bilog na buwan.
Stein, please, hayaan mo na lang akong makaalis. Hindi ako ang babaeng nararapat sa 'yo. Ni hindi nga natin alam kung sino ako.
Kumunot ang noo ni Eura nang mapansing may kakaiba sa buwan. A dark shadow covered the moon. And the shadow appeared to be red. Oh, so this was a lunar eclipse. It was very beautiful!
Isang linggo na pala ang lumipas. Luna Queen's Night na.
Nanghinayang siya. Minsan niyang pinangarap na tuparin ang alamat kasama si Stein, pero imposible na iyong mangyari.
Ilang sandali pa, habang binubusog niya ang mga mata sa kagandahan ng lunar eclipse, isang kakaibang tunog naman ang narinig niya. It seemed familiar.
Ah, yes. It was a sound of a violin. Pero hindi niya maintindihan kung paano niya nalamang violin iyon at hindi niya rin alam kung sino ang tumutugtog gayong wala namang ibang tao roon.
"Eura!"
Mula sa buwan ay bumaba ang tingin niya sa tumawag sa kanya. Nataranta siya nang makita si Stein. "Stein! Ano'ng ginagawa mo rito?"
Tumaas-baba ang dibdib ng binata dala marahil ng hingal. Napansin din niya ang mga butil ng pawis sa noo nito at ang paghapit ng basang polo sa katawan. He must have been running all this time. "Dammit, Eura! Don't scare me like that again!"
Tumayo siya at lumabas mula sa sinisilungan. "Stein... hinanap mo ba 'ko?"
He looked at her in disbelief. Pagkatapos ay namaywang. "Ano sa palagay mo? Umalis ka nang walang-paalam. Sa tingin mo ba, hindi ako matataranta n'on?"
Umiling si Eura nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Hindi mo na ako dapat hinanap, Stein. Just let me go, okay?"
"No. I won't let you go. I don't want to let you go. I can't let you go. Hindi ba puwedeng dito ka na lang sa tabi ko? Ayaw mo ba talaga sa 'kin?" halos nagmamakaawang tanong ng binata.
Gustong-gusto kong manatili sa tabi mo, Stein. "Hindi mo ako kilala, Stein. Hindi ko nga rin alam kung sino ako. Kung ano ba 'ko. Masama ba 'ko o mabuting tao? Anong klaseng buhay ba ang meron ako? Ang dami kong tanong." Nanakit na ang lalamunan ni Eura sa pagpipigil umiyak. "Stein, natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi pala ako karapat-dapat sa 'yo. Na baka hindi mo ako dapat mahalin dahil sa nakaraan ko. Kaya ngayon pa lang, itigil na natin 'to. Hayaan mo na lang akong mawala sa buhay mo."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...