Violet Cloud
"YOU'RE tone deaf and you're arrogant. Pero hindi naman gano'n kasama pakinggan ang music mo. Nabigla lang ako. 'Wag ka kasing masyadong manggigil sa strings. And don't just concentrate. Pakiramdaman mo rin ang violin mo. Did you know na ang sabi ng matatanda, ang violin lang daw ang may "kaluluwa" sa lahat ng instrumento? So, befriend it. Hihintayin ko ang araw na mapapakinggan ko na ang pagtugtog mo nang hindi ako nagtatakip ng tenga, okay?"
Love,
Master Eura
Natawa si Stein nang mabasa ang note ni Eura tungkol sa kanyang pagtugtog. Pulos kalokohan ang nakasulat doon, pero aaminin niyang nadagdagan na naman ang motibasyon niya para pag-igihin pa ang pag-eensayo.
The image of her smiling face flashed in his head.
Ang Eura na walang alaala ay parang maamong tupa. Everytime she would look at him with her puppy dog eyes, he would imagine her with fluffy ears and tail. And that was wreaking havoc on his system. Again.
"Stein?" pukaw ni Sherrie.
Agad niyang isinara ang notebook at tumikhim upang bumalik sa pagiging seryoso ang mukha. Hindi niya namalayang nakabalik na pala si Sherrie mula sa CR. "Yes?"
"Ano ba 'yang tinitingnan mo? Kanina ka pa nakangiti."
"Hindi ako nakangiti. Guniguni mo lang 'yon," kaila ni Stein. "Anyway, tapos na ba ang interview natin?" Kaya sila magkasama ay dahil in-interview siya ni Sherrie para sa magazine na pinagtatrabahuhan nito kung saan isa itong columnist. Isa siyang game company president at kailangan niya ang interview na iyon para i-promote ang bagong online game na ilalabas ng Moon Ring Corporation—ang kanyang kompanya. Wala namang ibang dahilan para sumama siya kay Sherrie kundi trabaho; pinagbigyan niya dahil matagal na niyang kilala ang dalaga.
Sherrie came from Solar Ville—Luna Ville's sister village. Sinisiguro ni Primo na magkakasundo ang mga residente sa Solar at Luna kaya kahit paano ay masasabi niyang magkakaibigan ang lahat sa dalawang village.
"Ah, yes. Okay na 'yong interview natin. Anyway, who's that woman?"
"She's Eura. Kay Melou siya pansamantalang nakatira ngayon," kaswal na sagot ni Stein.
"Are you two... dating?"
"No. She has amnesia kaya pansamantala namin siyang kinukupkop."
"What?" parang hindi makapaniwalang bulalas ni Sherrie. "Hinayaan n'yong tumira ang isang estranghera sa bahay n'yo? What if she's a criminal?"
Naikuyom ni Stein ang mga kamay. Bigla kasing nagbalik sa kanyang alaala na ang mga salita ring iyon na binitiwan niya ang dahilan kung bakit naaksidente si Eura. "Sherrie, don't badmouth Eura again," mariing sabi niya. "At sa palagay ko naman, it's none of your business if we want to take care of her until she recovers."
Bumakas ang pagkapahiya sa mukha ng dalaga. "I-I'm sorry."
Bumuga siya ng hangin. "Sorry, too. Ayoko lang na pagsasalitaan mo uli siya ng masama."
Tahimik nilang tinapos ang dinner. Stein offered to drive her home, pero tumanggi si Sherrie dahil may susundo naman daw rito. Hindi na niya pinilit at sinamahan na lamang sa paghihintay. Nang dumating na ang sundo ng dalaga ay pinaharurot na niya ang kanyang Ferrari.
Ang totoo niyan, kanina pa niya gustong-gusto umuwi. Not that he did not want to be with Sherrie. Well, medyo... but that was not the point. Ang sa kanya lang kasi, gusto na niyang makita si Eura. Nag-aalala kasi siya sa kalagayan ng dalaga.
Pagdating sa bahay, iginarahe lang ni Stein ang kotse. Pupunta na sana siya sa bahay ni Melou nang mahagip ng kanyang paningin ang pigura ng kung sino na nakaupo sa front porch ng bahay niya. "Eura?" hindi makapaniwalang sambit niya at agad nilapitan ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...