9th Chapter: Roses

2.9K 128 3
                                    


Magic Petals

HINDI mapuknat ang ngiti ni Eura habang pinanonood sa glass wall ng shop ang mga kaganapan sa labas. May isang binata kasi ang nag-abot ng long-stemmed rose sa isang dalaga. Ayon kay Melou, ang lalaking iyon ay si Alaude at ang babae naman ay si Umi. Malapit na raw ikasal ang dalawa. Nang tumingin siya sa kabilang panig, nakita naman niya ang guwapong vet na si Sley na nag-abot din ng long-stemmed rose sa kasintahang si Moana.

"Haay... ang sweet naman ng mga lalaki kapag malapit na ang Luna Queen's Night. Daig pa ang Valentine's," parang nangangarap na sambit ni Eura habang nakapangalumbaba sa counter.

Kaninang tanghali ay dumagsa sa shop ang mga binatang bumili ng long-stemmed roses pagkatapos na pagkatapos ng announcement ni Primo kaya naubos agad ang mga iyon. Ngayon ay wala nang gaanong dumadaan sa shop kaya nakapagpahinga na sila ni Melou.

"You're right. At kapag ganitong pagkakataon, namamatay kami sa inggit," komento ni Melou na kasalukuyang nagtsa-tsa kasama ang kaibigang si Genna.

Kumunot ang noo ni Eura. "Melou, walang nagbibigay sa 'yo ng rose kapag ganitong araw?" Sa ganda ni Melou, wala itong boyfriend o manliligaw man lang?

Melou sighed. "Blame it on Stein. Masyadong overprotective ang isang 'yon kaya sinisindak lahat ng lalaking lalapit sa 'kin."

"Eh ikaw, Genna? Hindi ka ba bibigyan ni Melvin?" usisa ni Eura. Napansin kasi niyang malapit sa isa't isa ang dalawa. Mababait ang mga nakatira sa Luna Ville kaya agad siyang napalapit sa mga tao roon.

Sumimangot si Genna. "Kahit kailan, hindi pa ako binigyan ni Melvin ng bulaklak sa mga okasyon na may kinalaman sa pag-ibig."

"Pero gusto mo?"

Tumikhim si Genna. "Hindi 'no."

"Sinungaling."

Sabay-sabay silang napatingin sa bagong dating. Kapapasok lang ni Charly na may bitbit na long-stemmed red rose na parang naka-preserve sa isang pahabang glass case.

"Wow... ang ganda naman niyan, Charly," hindi napigilang komento ni Eura. "Kanino galing 'yan?"

Umupo si Charly sa mesa nina Melou at Genna bago sumagot. "Sa ex ko."

"Ipinadala niya?" tanong ni Melou.

"Yeah." Sinulyapan ni Charly si Eura nang mapansin sigurong curious siya sa itinanong ni Melou. "Nasa London kasi ang ex ko. Ikaw, binigyan ka ba ni Stein ng rose?"

Napabungisngis si Eura habang iniikot-ikot ang dulo ng buhok sa kanyang daliri. "Hindi pa nga, eh. Pero hinihintay ko siya. Err—may binibigyan ba ng rose si Stein dati?"

"Wala," sabay-sabay na sagot ng mga babae.

"Hindi mahilig ang kakambal ko sa mga party, kaya lagi siyang missing in action kapag may okasyon," nakangiting paliwanag ni Melou. "I don't know whether it's good news or bad news to you."

Good news dahil ibig sabihin, wala pang espesyal na babae sa buhay ni Stein. Bad news dahil wala naman pala itong balak sumali sa mga ganoong kasiyahan.

Napangiti si Eura. "To every rule, there is always an exception, right?"

Nagtawanan ang mga kasama niya. But it was good-natured laughter.

"I like you," nakangiting sabi ni Charly. "And because I like you, ibabahagi ko sa 'yo ang legend sa likod ng Luna Queen's Night. Come here."

Mula sa likod ng counter ay nakisalo si Eura sa mesa. Mukha namang wala nang customer na papasok sa shop. "Ano ang legend sa likod ng Luna Queen's Night?"

"Luna Queen is a very playful violin fairy," pagsisimula ni Charly. "Ang sabi ng matatanda sa LV, Luna Queen is a pixie who comes out every lunar eclipse to play her favorite instrument—the violin. Kung sino man daw ang isang pares na masuwerteng makakarinig sa pagtugtog nito, Luna Queen will tie their souls together using the red string of fate."

"Red string of fate?" namamanghang tanong ni Eura.

"Yes. In the old books of LV, may isang pahina roon kung saan nakasulat ang mga salitang, 'The two people connected by the red string of fate are destined lovers, regardless of time, place, or circumstance. The magical cord may stretch or tangle, but it will never break.' Pinaniniwalaan iyon ng mga residente dito, lalo na ng mga hopeless romantic. Kaya nga ang Luna Queen's Night ay naging gabi para sa mga nag-iibigan. Seven nights before the lunar eclipse, nagkakaroon ng bonfire kung saan magsasayaw ang mga pares na nais maranasan ang himala ni Luna Queen. During the seventh night, magtutungo ang mga pares sa pinaniniwalaang tahanan ni Luna Queen—sa old ruins ng gumuhong chapel ng LV. Doon, nagtatali ng pulang ribbon ang mga magkasintahan bilang simbolo ng kanilang pagmamahalan. The end."

Pagkatapos marinig ang legend behind Luna Queen's Night ay nakaramdam si Eura ng kakaibang init sa kanyang puso. Kung gayon, malalim pala ang kahulugan ng pagbibigay ng rosas sa isang babae kapag Luna Queen's Night dahil kalakip ng bulaklak na iyon ay ang pangakong magsasama ang magkasintahan habambuhay. Kung tutuusin, parang marriage proposal na rin iyon.

Kapag binigyan ako ni Stein ng rose... ibig sabihin... Oh. Em. Gee!

***

PAPALUBOG na ang araw pero heto pa rin si Eura, nakapangalumbaba sa counter ng Magic Petals habang hinihintay si Stein. Pero ni anino ng binata, kanina pa niya hindi nakikita.

"He's not taking my call," napu-frustrate na sabi ni Melou. "Nasa'n na kaya si Stein?"

Napabuntong-hininga si Eura. "Mukhang hate niya talaga ang ganitong kasayahan."

"Eura, nakita na namin si Stein!" bulalas ni Umi pagpasok sa shop.

"Pero baka hindi mo magustuhan ang makikita mo," naiiling na sabi naman ni Moana.

Biglang binundol ng kaba si Eura. "B-bakit?"

Iminuwestra nina Umi at Moana na lumabas sila kaya sumunod sila ni Melou.

Parang unti-unting na-frostbite sa kinatatayuan si Eura nang makita si Stein na naglalakad habang nakaangkla sa braso ang bruhang si Sherrie—na may dalang long-stemmed rose. Dumako sa kanila ang tingin nina Stein at Sherrie nang mapadaan sa harap nila.

"Oh, hi, girls!" nakangising bati ni Sherrie habang iwinawagayway pa ang dalang rosas. Pero kay Eura lang nakatutok ang mga mata ni Sherrie na para bang sinasabing, "O, ano ka ngayon?"

"Sino'ng nagbigay ng rose na 'yan, Sherrie?" hindi napigilang tanong ni Melou.

Sherrie smiled brightly. "Si Stein, Ate Melou. 'Di ba, Stein?"

"Well, yeah," sagot ni Stein na ikinasinghap nilang lahat.

Kung ganoon, si Sherrie ang pinili ni Stein na nais nitong maging soul mate? Pakiramdam ni Eura, tuluyan nang na-frostbite hindi lamang ang buo niyang katawan kundi maging ang kanyang puso. Pagkatapos magyelo ng kanyang puso ay nabasag sa milyong piraso. Masakit. Sobra.

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon