"EURA, wake up!"
Tinakpan lang ni Eura ng unan ang kanyang mukha. Antok na antok pa siya para bumangon. Ang sarap mahiga sa malambot na kama at mabalot ng comforter bilang proteksiyon mula sa lamig.
"Eura!"
May kung sino ang walang-habas na nanghablot ng unan sa kanyang mukha. Nanakit ang mga mata niya nang tamaan ng sinag ng araw. Napilitan tuloy siyang magmulat. Pero unti-unting nawala ang init ng kanyang ulo nang sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Stein. Napangiti siya. "Good morning, Stein."
Kumunot ang noo ng binata. "Good morning, too, sleepyhead. Anyway, bumangon ka na diyan. May pupuntahan tayo."
Napabalikwas siya. "Talaga? Saan?"
Nag-inat si Stein, saka siya tiningnan. "Sino kaya ang nagyaya ng date kagabi?"
Napatili siya. Nagtatatalon din sa sobrang excitement. "Talaga, Stein? Magde-date tayo? Talagang-talaga? Wala nang bawian, ha?"
Tiningnan lang siya ng binata, saka naglakad palabas. "Bahala ka. Kapag hindi ka pa bumaba in fifteen minutes, iiwan na kita."
Nataranta naman si Eura. "Stein, 'wag mo 'kong iwan! I'll be quick, really quick!"
Nang sumara ang pinto ay nagkumahog siya sa paliligo at pagbibihis. Ang daming lugar na naiisip niyang puntahan at mga activity na puwede nilang gawin.
Natuwa si Eura nang dalhin siya ni Stein sa KopeeBook para mag-agahan. It was not a bad idea to go out on a date. Pero pakiramdam niya, na-drain ang kanyang energy nang makita kung saan siya sunod na dinala ni Stein—sa ospital!
Parang narinig niyang nag-pop ang bubble kung saan nakaguhit ang masayang date na na-imagine niya. Wala naman kasing ibang ipinagawa sa kanya ang doktor kundi i-"hypnotize" siya para bumalik ang kanyang alaala. Pinapikit siya at ipina-imagine ang isang pinto. The doctor said she should open the door. But when she was about to turn the knob, biglang gumapang ang kakaibang takot sa buo niyang sistema. Kusang sumara ang pinto sa kanyang isip.
Hindi niya maintindihan ang kanyang naging reaksiyon, pero hindi niya iyon sinabi sa doktor. Ang sabi na lang niya, wala siyang nakita pagbukas niya sa imaginary door. Then, the doctor advised them to visit her again for another checkup.
"Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi?" tanong ni Stein habang nagmamaneho. Nasa biyahe na sila pauwi sa Luna Ville.
Eksaheradong sumimangot si Eura nang magtama sa rearview mirror ang kanilang mga mata. Humalukipkip siya. "Is this a date in your dictionary, Stein? Ang ipa-checkup ako sa doktor?" Nawalan na tuloy siya ng ganang lumabas.
"Importanteng mapatingnan ka sa doktor, Eura. Ayaw mo bang bumalik ang alaala mo?"
Natahimik siya. Bigla kasi niyang naalala ang naging reaksiyon niya habang kausap ang doktor. Bakit parang ayaw maalala ng kanyang utak ang nakaraan? Hindi basta takot ang naramdaman niya kanina. May halo iyong pag-aalinlangan at kalungkutan. "Stein, ano'ng alam n'yo tungkol sa 'kin?" nag-aalangang tanong niya.
"Wala rin kaming masyadong alam tungkol sa 'yo. All we know is you're Eura Marasigan, an orphan. Ang sabi mo, napalayas ka sa apartment na inuupahan mo. Hindi ka na nakabayad ng renta dahil natanggal ka sa trabaho."
"Ano'ng trabaho ko?"
"Hindi mo nabanggit."
Napasimangot si Eura. Was she living an unfortunate life, kaya ba ayaw iyong maalala ng kanyang isip? Mas makabubuti ba kung ang buhay niya ngayon ang iintindihin niya? "Paano kung hindi na talaga bumalik ang alaala ko?"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...