PARANG ang bigat ng katawan ni Eura habang naglalakad sa runway. Alam niyang hindi iyon ang mukha ng isang babaeng ikakasal. Kahit hindi niya nakikita ang sariling repleksiyon, alam niyang mukha siyang namatayan ngayon. Kaagapay niya si Ramir. Automatic ang wheelchair kaya hindi kailangang itulak nino man.
Hindi niya mahanap sa paligid si Stein o ang mga kaibigan nito. They must have left the show already. May hinala siyang pakana ng mga kaibigan ni Stein kung bakit hindi nakarating ang mga modelo niya.
Malungkot siyang ngumiti. Stein had been fighting for their love all this time. Habang siya, heto at nagpapatalo sa kanyang responsibilidad. She was being unfair to him, and to Ramir as well. Heck, she had been lying to herself the whole time and it wasn't just breaking her heart, the pain was slicing through her soul.
Napahikbi na siya. "I love Stein, Ramir."
"I know."
Huminto si Eura sa paglalakad. Narinig niya ang malakas na bulungan ng mga tao na nagtataka kung bakit siya tumigil, pero hindi niya iyon pinansin. She looked straight into Ramir's eyes. "Alam mo?"
Tumango ang binata. "Alam ko ring kahit kailan, hindi mo ako minahal nang higit pa sa isang kaibigan. Pero umasa pa rin ako na mamahalin mo ako. 'Akala ko, posible. Pero pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, mukhang nagkamali pala ako. I've been with you ever since we were kids. Hindi ko akalain na 'yong lalaking isang buwan mo lang nakasama ang siya pang mamahalin mo. Bakit ang isang estrangherong tulad niya, nagawa mong mahalin?" Nabasag na ang boses nito. "Bakit ako na mahigit labinlimang taon mong nakasama, hindi mo minahal?"
Tumulo na ang mga luha ni Eura. "Ramir, hindi naman ang haba ng panahon na makakasama mo ang isang tao ang basehan kung magagawa mo siyang mahalin o hindi. You can make yourself believe you love the person you've been with for ten years, and yet, the moment the right person walks into your life, your heart would be snatched by him easily. Gano'n ang nangyari sa 'kin. Ramir, sinubukan kong mahalin ka sa mahabang panahon. Pero nang makilala ko si Stein, ni hindi ko kinailangan tanungin ang sarili ko kung ano ba ang pag-ibig. Basta kapag kasama ko siya, kahit wala akong alaala, alam kong kompleto ako. Alam kong wala na akong ibang kailangan dahil kasama ko siya. I love him, Ramir. I love Stein. I'm sorry kung hindi ko magagawang manatili sa tabi mo. Magsisinungaling lang ako sa sarili ko at lalo lang kitang masasaktan."
"Ang pagkalumpo ko lang ba ang dahilan kung bakit nananatili ka sa tabi ko, Eura?" tanong ni Ramir na walang-emosyong mahihimigan sa boses. "Because of my emotional blackmail?"
Tumango siya. "I'm sorry."
He slowly stood up.
Napasinghap si Eura kasabay ng pagsinghap ng lahat ng taong nanonood nang mga sandaling iyon. "N-nakakalakad ka na, Ramir?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti nang malungkot ang binata. "Itinago ko sa 'yo ito pero may limang buwan na rin akong nagte-theraphy para muli akong makalakad. Hindi naman ako tuluyang nalumpo. Pero nang alukin mo akong magpakasal dahil sa guilt, naisip kong gamitin 'yon para hindi mo ako iwan."
"That's dirty, dude!" sigaw ng kung sino mula sa "audience."
"I know," sagot ni Ramir. "'Akala ko, mauuwi ang awa mo sa pagmamahal. Pero ngayong nagtapat ka ng pag-ibig sa ibang lalaki kahit ang alam mo ay lumpo pa rin ako, mukhang wala na talaga akong pag-asa. You must really love that Stein Albert Alventra."
"'Glad you know that, bastard!"
"Shut up, Saturn!"
Napaiyak na si Eura. Kahit gustuhin niya, hindi niya magawang magalit sa binata. "Ramir, I'm sorry kung dahil sa 'kin, nabago ang buhay mo."
Umiling si Ramir. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Aksidente 'yon. Ako ang dapat humingi ng tawad dahil nagsinungaling ako sa 'yo para lang hindi mo ako iwan. I'm sorry." Itinakip nito ang kamay sa mga mata. "Isang beses ko lang itong sasabihin, kaya bago pa magbago ang isip ko, umalis ka na, Eura. I'm letting you go."
Ngumiti siya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha. "Thank you, Ramir." Inalis niya ang belo sa ulo at tumakbo pababa ng stage. Hindi na niya pinansin ang mga taong nagtsi-cheer sa kanya. Gusto na niyang mapuntahan si Stein.
"That is what you call a runaway bride, people!"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...