MINAMASAHE ni Eura ang nananakit niyang mga balikat habang naglalakad pauwi. Galing siya sa Magic Petals—ang flower shop na pag-aari ni Melou. Kinuha siya ng dalaga bilang katiwala ng shop. Napag-alaman niyang fairy tale writer si Melou, at dahil may tinatapos itong libro, hindi nito maasikaso ang shop. Hindi naman mahirap ang trabaho niya. Ang sasarap pa nga ng ipinapakain ni Melou sa kanya.
Pero ang pinakanagustuhan niya ay ang mga pagkain sa Kahit Saan dahil mahilig siya sa burger and fries. Hanggang ngayon, natatawa pa rin siya kapag naaalala ang pangalan ng fast-food chain na iyon.
"Napaka-creative," natatawang bulong niya sa sarili.
Habang palapit sa Luna Ville's Playground na madaraanan papunta sa "twin houses" ay may narinig si Eura na kakaibang tunog ng isang instrumento. Pero biglang nawala. Hindi niya napigilan ang sariling silipin kung ano iyon o kung sino ang tumutugtog.
Pagdating sa playground, isang lalaking nakatayo habang nakatalikod ang nakita niya. Napangiti siya dahil kilala niya ang bulto. Si Stein!
Tahimik siyang umupo sa swing habang hinihintay na muling tumugtog si Stein. Pero agad ding nawala ang kanyang ngiti nang makitang violin pala ang instrumentong narinig niya kanina. Inipit ng binata ang violin sa pagitan ng leeg at balikat, saka ilang ulit na huminga nang malalim.
Suddenly, a blurred image of a man playing the same instrument—his back was turned on her, too— flashed in her mind. Then, he slowly turned around to face her. Pero bago pa rumehistro ang mukha ng lalaki sa kanyang isip ay ipinilig na niya ang kanyang ulo upang mawala ang larawan. Nagtagumpay naman siya.
Isang nakakabinging tunog ang gumising sa diwa ni Eura. Agad niyang itinakip ang mga kamay sa kanyang mga tainga. Para siyang nakarinig ng kukong ikinaskas sa blackboard. Nakakangilo! "Stop! Stop! Stop!"
Agad namang huminto sa pagtugtog si Stein, nakakunot ang noo nang humarap sa kanya. "Eura. Ano'ng ginagawa mo rito?" magkahalong gulat at inis na tanong nito.
Iwinasiwas lang niya ang kamay. "Stein, you're tone deaf!"
Namula ang magkabilang pisngi ng binata dala marahil ng pagkapahiya. "Ginusto mong makinig nang walang permiso, kaya magdusa ka diyan."
Natawa siya. "Ikaw naman, nagtampo agad. Normal lang naman 'yan sa mga baguhang tulad mo," pag-alo niya.
"Thank you for comforting me, but I've been learning to play the violin for years now."
Nanlaki ang mga mata ni Eura. "And you haven't improved?" Natutop niya ang bibig nang tapunan siya ni Stein ng masamang tingin. "Sorry."
"Ang yabang mo. Hindi naman madaling pag-aralan ang violin," pagmamaktol ng binata.
Ngumisi siya. "Hinahamon mo ba ako? Pahiram nga niyan." Kinuha niya ang violin at bow sa kabila ng pagtutol ni Stein. Ipinatong niya ang violin sa kanyang balikat. "Stein, when you play the violin, you have to put your heart and soul into it. You have to become one with your violin. That's how you produce a magical sound out of it."
Imbes na magpaliwanag ay ipinarinig na lamang ni Eura ang kanyang sinasabi. She closed her eyes and started to play the only piece she knew: the "Ave Maria"by Franz Schubert. She struck the strings gently with the bow, like the way she would gently touch her beloved's face, until the instrument produced a magical sound, like the way she would hum a song to her beloved.
Iyon ang sekretong natutunan niya mula sa taong nagturo sa kanya na tumugtog ng violin—ang isiping ang nakikinig sa kanya ay ang lalaking pinakamamahal niya.
The weird part was, the blankness in her mind while playing the violin started to form an image—Stein's flustered and adorable face! Napangiti na lang siya habang patuloy sa pagtugtog. Maganda rin palang inspirasyon ang lalaking ito.
Nang matapos ay dahan-dahang iminulat ni Eura ang mga mata. Aasarin sana niya si Stein dahil alam niyang magaling siyang tumugtog, pero natigilan siya nang makita ang matinding emosyon sa mga mata ng binata. His eyes were full of blatant and pure adoration. Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Ngayon lang siya natitigan nang ganoon kainit at ganoon kasinsero. Her heart suddenly went wild!
Idinaan na lang niya sa tawa ang pagkatarantang nararamdaman. Isinauli rin niya ang violin kay Stein. "O, 'di ba? Sabi ko naman sa 'yo, basta ilagay mo lang ang puso mo sa pagtugtog, makakagawa ka ng gano'n kagandang musika." Nang hindi pa rin naalis ang matinding paghangang nakikita niya sa mga mata ni Stein ay nag-aalangang tinapik niya ito sa balikat. "Una na 'ko sa 'yo, ha? Good luck, virgin!" Kinindatan pa niya ang binata.
Doon tila natauhan si Stein. Sinimangutan siya, pero hindi naman itinanggi ang kanyang inakusa.
Natawa lang siya, saka tumalikod. Pagkatalikod ay siya naman ang napasimangot. Pasimple siyang humawak sa dibdib. Hindi pa rin kumakalma ang kanyang puso!
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...