Kahit Saan Fast-Food Restaurant
DUMUKWANG si Stein nang mapansing kanina pa kinukutingting ng kakambal niyang si Melou ang phone. "Sino'ng itine-text mo, Melou?" sita niya.
Itinulak ni Melou palayo ang kanyang mukha. "Looking at someone else' messages is rude, Stein," sermon pa ng kanyang kapatid.
Inalis niya ang kamay ni Melou sa kanyang pisngi, saka siya dumeretso ng upo. "I'm just curious. Hindi naman siguro lalaki 'yang kausap mo, 'no?"
Natigilan ito at napatitig sa kanya. "Nag-aalala ka ba sa 'kin, Stein?"
Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. "Of course, stupid. Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid. Kambal pa tayo," pabulong na sagot niya.
Bigla na lang siyang niyakap ng kanyang kapatid. "Aww! That's so sweet, baby brother."
"You're only one minute older than me," angil ni Stein. Hindi talaga niya gusto kapag bine-baby siya ng kakambal. They were already twenty-seven, for goodness' sake!
Kinurot siya ni Melou sa pisngi bago humiwalay sa kanya. "Si Eura ang ka-text ko."
"Eura? What a beautiful name!" biglang komento ni Primo.
"My lord, lahat naman ng pangalan ng babae ay maganda sa 'yo." Stein scoffed.
Hindi pinansin ni Primo si Stein. "So, Melou, sino ang Eura na 'to? Bakit ngayon ko lang yata narinig ang tungkol sa kanya?" tanong ni Primo na may halong paninita. It was only natural since he was LV's sole owner. Mahigpit si Primo tungkol sa pagpapapasok ng outsider sa village.
Guilt flitted across Melou's eyes. "I'm sorry, my lord. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo na may pinapatuloy ako sa bahay ngayon. She's Eura Marasigan. She saved my life and to repay her, I offered her my home for her to stay in in the meantime and I also gave her a job at my shop. Mabait naman siya, eh. Promise!"
Tumango-tango si Primo, saka nakangiting tinapik-tapik sa ulo si Melou. "Melou, I'm not mad. May tiwala naman ako sa pagkilatis mo sa mga tao."
"Thank you, milord."
"Maganda ba siya?" biglang tanong ni Primo na umiral na naman ang pagkababaero.
Natawa si Melou. "Yes, my lord. She's beautiful."
"My lord," biglang singit ni Charly na patuloy lang sa pagtipa sa laptop. "Kung may balak kang pormahan si Eura, dadaan ka muna kay Stein."
Napa-"ohh" ang magkakaibigan at natuon kay Stein ang lahat ng atensiyon. Pati sina Umi at Alaude, Genna at Melvin na abala sa paglalambingan kanina ay napatingin din kay Stein.
Tinapunan ni Stein ng masamang tingin si Charly. "Ano naman ang kinalaman ko sa babaeng 'yon?"
Nagkibit-balikat si Charly. "Kaya nga tinatanong ka namin. Nakita ko kasi kayo sa playground kagabi. She played the violin for you."
"A date in the playground?" natatawang tanong ni Melvin. "How cheap!"
"Not to mention, corny too," dagdag naman ni Alaude.
Siniko nina Umi at Genna ang kanya-kanyang kapareha na sina Alaude at Melvin. Napasinghap naman ang dalawang lalaki.
Dahil sa itinakbo ng usapan, biglang nagbalik sa isipan ni Stein ang nangyari kagabi. An image of Eura's beautiful, serene face while she was playing the violin flashed in his mind. Parang nanumbalik din sa kanyang pandinig ang napakagandang pagtugtog ni Eura ng "Ave Maria." And the fast beating of his heart only made the music more beautiful in his ears. As he looked at her, he imagined her having beautiful angel wings to match her angelic face. Even the way she moved her hand was very elegant, very gentle. He suddenly wanted to feel her small, warm hand on his skin.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)
Romance"Mahal kita. Mahal mo ako. Ngayon, kung may magsasabing hindi tayo puwedeng magsama, aawayin ko sila." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino...