17th Chapter: Memories

2.8K 113 5
                                    

"THAT'S true. Ramir Fernandez is Eura's fiancé."

Parang may pumiga sa puso ni Stein sa kumpirmasyong narinig mula kay Pearl. Kahit labag sa kalooban niya noon, pumayag siya sa kagustuhan ni Primo na ipahanap kay Pearl ang tunay na katauhan ni Eura. Ngayong alam na niyang ito si Euranika Marielle Ventura at malapit nang ikasal kay Ramir Fernandez, parang naubos ang kanyang lakas.

Kaya naman pala may alam si Eura sa pagtugtog ng violin—boyfriend nito ang isang musical genius.

"Eura comes from a prominent family," saad ni Seigo. "Nangalawang na ba ang detective skills mo at inabot ka nang isang buwan bago mo nalaman ang tunay niyang pagkatao, Pearl?"

Pearl's eyes darkened, hindi nagsalita pero halatang nainsulto.

"'Wag mong insultuhin si Pearl, Seigo. I was the one who kept her from tracing Eura's real identity," pagtatanggol ni Primo sa dalaga sa seryosong boses. "Kung hindi mo lang kasama si Ramir kanina, hindi na kita pinatapak dito sa Luna Ville."

"At bakit ka ba nandito?" paangil na sabi ni Stein. "Ano'ng koneksiyon mo kina Eura at Ramir?"

Ngumisi si Seigo at humalukipkip. "Eura and I are good friends."

"What? Paano siya naging malapit sa isang tulad mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Stein. Eura was too angelic to be friends with the likes of Seigo—the scheming bastard.

"Bakit, Stein? Did you know her before she lost her memory?" parang nanghahamon na tanong ni Seigo.

Naikuyom ni Stein ang mga kamay. Nasaktan siya sa pagpapamukha ni Seigo na hindi siya bahagi ng nakaraan ng babaeng mahal niya, at ipinaalala rin niyon na mawawalan siya ng lugar sa buhay ni Eura kapag bumalik na ang alaala nito.

Dumako ang tingin ni Stein sa sala ng kanyang bahay kung saan nila iniwan sina Eura at Ramir para makapag-usap. Eura obviously felt uncomfortable around him. Ilang sandali lang ay alanganing ngumiti ang dalaga, saka tumayo at nagtungo sa kusina.

"Stein," banta ni Seigo nang tangkang susundan niya si Eura.

"Go, Stein," udyok naman ni Primo. "I'll deal with this bastard."

"At ano naman ang magagawa mo, Lord Primo—"

"Ah. Saan kaya dinala ni Melvin si Genna? Too bad at kahit ginamit mo si Ramir para makapasok dito sa LV, wala naman dito ang nag-iisang taong gusto mong makita."

Hindi na nakasagot si Seigo.

Ginamit ni Stein ang pagkakataong iyon para sundan si Eura. Naabutan niya ang dalaga na nakatukod ang mga kamay sa kitchen counter habang nakayuko. Bumuga siya ng hangin. He hated seeing her in pain. "Eura."

Pumihit ang dalaga paharap sa kanya. Nakasimangot at nangingilid na ang mga luha. "Stein... bakit mo 'ko iniwan kay Ramir? Alam mo namang hindi ako komportable kapag wala ka. Itinutulak mo ba 'ko sa kanya? Ayaw mo na ba sa 'kin?"

"Of course not," mariin niyang kontra. "Alam mo ba kung ano ang unang pumasok sa isip ko nang sabihin ni Ramir na fiancée ka niya? I wanted to take you away from there."

"Bakit hindi mo ginawa? I would have ran away with you."

Inihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha. "I can't do that, Eura. Ayokong ipagkait sa 'yo ang totoo mong pagkatao."

"Stein, hindi ko na kailangan ang nakaraan ko. Ikaw na lang ang mahalaga sa 'kin. Ikaw at ang kasalukuyan na magkasama tayo."

His heart swelled. Gusto niyang yakapin at halikan si Eura pero pinigilan niya ang sarili. Baka kasi kapag ginawa niya iyon, tuluyan na siyang mawalan ng kontrol at itakas na niya ang dalaga. Umupo siya sa silya. "Come here, Eura." Paglapit ng dalaga ay hinila niya ito kaya napaupo sa kanyang kandungan. He secured her on his lap by wrapping his arms around her waist. "Eura, listen. Hindi natin puwedeng basta na lang takbuhan ang nakaraan mo. We can do that, but we can't be happy kung marami tayong masasaktan—including your family."

Mukhang nag-sink in na kay Eura ang mga sinasabi niya dahil nawala ang iritasyong nakita niya sa mukha nito kanina. Yumuko ang dalaga. "My family... I want to see my family," pagtatapat nito.

Gumuhit ang matinding kirot sa puso ni Stein. Tama nga ang hinala niya na kahit mahal siya ni Eura, may malaking bahagi pa rin ng pagkatao ng dalaga ang nangungulila sa dati nitong buhay. "I know. That's why I can't take you with me even if I wanted to."

Tumingin nang deretso sa kanyang mga mata si Eura. "Kung may babalikan man ako sa nakaraan ko, ang pamilya ko 'yon... hindi si Ramir." Ngumiti ito at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "Tatapusin ko na ang ugnayan namin. Ikaw ang mahal ko, Stein. Ikaw ang gusto kong makasama."

Nabalot ng mainit na bagay ang kanyang puso. Mahal na mahal talaga niya si Eura, at tuwing ngingiti ang dalaga, nadadagdagan lang ang rason niya para mahalin ito. "Married or not, engaged or not, I'll always be your lover, Eura. I love you, baby."

Tumulo ang mga luha nito at napangiti uli. "Sa wakas, tinawag mo uli ako sa endearment na gusto ko. I love you, too, Stein." She suddenly cupped his face and crushed her lips against his.

Alam ni Stein na hindi magandang tingnan na habang nasa labas ang fiancé ni Eura ay narito sila sa kusina at naghahalikan. But he could not help it. As soon as her soft lips touched his, his heart gave in. He closed his eyes and kissed her back fervently as if he would die if he did not do it.

Until soft music started to play. Kung hindi siya nagkakamali, tunog iyon ng violin. And it was not just an ordinary music. The way the violinist played the instrument was outstanding. His heart was moved—he suddenly felt like crying.

Unti-unting tumigil si Eura sa paghalik, dumilat at nakita ni Stein sa mga mata ng dalaga ang matinding pagkalito. Bigla rin itong napahawak sa ulo. Her beautiful face was distorted in pain and she was biting her lip to stop herself from screaming.

"Eura, what's wrong?" nag-aalalang tanong niya.

"That music..." Tumayo ang dalaga at walang-babalang iniwan siya para sundan ang musika. She seemed confused and distracted.

Sinundan ni Stein si Eura sa pag-aalalang bigla na lang may mangyaring masama sa dalaga. Pagdating nila sa sala, naabutan nilang tumutugtog ng violin si Ramir. He had his eyes closed and he looked peaceful while playing the instrument—katulad ng pakiramdam na ibinibigay ng musika nito.

Unti-unting bumagal ang paggalaw ng kamay ni Ramir hanggang sa huminto na sa pagtugtog, saka dumilat at nakangiting tumingin kay Eura. "That was your favorite piece, Eura. Napansin ko kasing hindi ka komportable, kaya naisip kong kakalma ka kung maririnig mo ang musikang nakakapag-relax sa 'yo," masuyong sabi ng binata.

Stein felt a pang in his heart. Hinding-hindi niya matutugtugan nang ganoon kaganda si Eura.

"Ramir..." mahinang usal ni Eura.

Napatingin si Stein sa dalaga dahil sa kakaibang tono nito sa pagbigkas ng pangalan ni Ramir. May kalakip iyong rekognisyon at... pagmamahal?

"Ramir..."

Bumakas ang gulat sa mukha ni Ramir. "Eura... naaalala mo na ako?"

Tumakbo si Eura at niyakap si Ramir. At dahil nasa wheelchair si Ramir, napaupo si Eura sa kandungan ng binata. "Oo naman! You're my fiancé!"

Parang gumuho ang mundo ni Stein sa mga sinabi ni Eura. Her memories were back. And seeing her in the arms of another man hurt like hell.

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon