Chapter 4

19.1K 899 119
                                    

Naging abala ako nitong mga nakaraang araw with my photoshoot, endorsement at various guesting sa iba't ibang TV shows. Halos apat na oras lang din ang tulog ko sa gabi gabing ginawa ng diyos. Kaya sobrang drain ng pakiramdam ko. After this movie ay deserve ko naman siguro ang magbakasyon. Maybe an out of town? Or out of the country. We will see though.

Pawis na pawis ako habang nagjojogging. I still find time to excercise para makapagrelease ng stress at tension. Good thing na wala akong nakaschedule na appointment for today kaya inenjoy ko lang ang napakagandang umaga.

"Don't worry Pa." Sabi ko habang magkausap kami through my bluetooth earphones. "I will be there."

My father invited me na sa bahay kumain ng lunch. Of course makakatanggi ba ako? Gusto ko din makabawi sa kanila. After naming mag-usap ay dumaretso ako sa malapit na coffee shop dahil hinahanap na nang katawan ko ang kape.

Sitting pretty lang ako sa coffee shops since wala namang masyadong tao. Nakakamiss ang ganito—— walang camera, walang manuscript at walang mga fans. Just totally peaceful but not until i felt my phone vibrated.

Tumatawag si Eris.

"Sister." Pagbungad nya sakin pagkasagot ko ng tawag nya.

Agad namang umikot ang mata ko. "What do you want?"

Eris laughed from other line. "Mainit ata ang ulo mo?"

"You just called me sister." Natingin lang ako sa labas ng restaurant. "So ibig sabihin ay may kailangan ka sakin."

"Mm you really know me." Her voice is full of enthusiasm. "Can i borrow your baby Maybach 62?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi nya. Gaya ko kasi ay mahilig din si Eris sa mga sasakyan kaya minsan ay nanghihiram sya sakin.

"Nasa car repair shop pa ang roll royce na hiniram mo sakin Eris." Pagpapaalala ko sa kapatid ko. "Na binangga mo at ngayon ay pinagkakagastusan kong ipaayos."

"But it wasn't my fault." Katwiran ni Eris. "Biglang tumawid ang aso Nike. Alanganamang sagasaan ko—"

"Edi sana huminto ka."

"But it's too late." Halos pasigaw nyang sabi.

May mga kabataang pumasok sa coffeeshop at ang isa sa kanila ay napatingin sakin. Agad akong nagsuot ng sunglasses. "Fine, when?"

"Really? Really?" Sobrang sayang salita ni Eris. I could even imagine her jumping up and down. Lahat naman gagawin ko for my sister, ayaw ko lang na maspoiled sya masyado so I still say no sa ibang request nya. "Pwede bang ngayon na?"

"Pero gamit ko ngayon ang Maybach." Tumayo ako at naglakad palabas ng coffee shop at sa isang kamay ay hawak ko ang kape. "At wala ako sa bahay."

"Nasaan ka ba?" Pag-uusisa ni Eris. "Pupuntahan kita—" Pag talaga may kailangan ang magaling kong kapatid ay gagawin nya ang lahat.

"Just wait for me." Sabay unlock ko sa Maybach using the remote. "Ako na ang pupunta dyan."

"Pero ngayon ko——"

At nidrop ko na ang tawag. Sumakay ako sa kotse at mabilis na umalis. Ang luwag ng kalsada, walang traffic dahil sa issue ng covid-19. Inenjoy ko nalang ang hangin since walang polusyon ngayon sa edsa——Nagulat ako nang may biglang nag-over take sakin.m Isang itim na honda civic na napakabilis ng takbo.

"Aba.." Napaayos ako ng upo at napahawak ng mahigpit sa manibela. "Ang lawak lawak ng daan at talagang nag-over take sakin."

Lalo kong diniinan ang gas ng sasakyan na  napangiti ng malampasan ko ang honda civic. Pero maya maya pa ay nag-over take ulit ito sakin.

Don't freak out, it's me! (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon