Napauwi ako sa bahay dahil sa convincing power ni Eris kahit sobrang late na. Actually gusto ko din makausap si Papa dahil for sure ay nag-aalala sya about what happened with Trish. It's already in the news too kaya panay text, chat at tawag sakin ng mga kakilala, kaibigan ko at kasamahan sa showbiz. But I totally ignored them. Family first dapat.Agad na nagluto si Papa ng mga paborito naming pagkain. Isa syang cheif, may sariling restaurant at culinary school. That's his passion. Kaya we supported him all the way kagaya ng pagsuporta nya sa pag-aartista ko at sa pagtanggap sa lifestyle ni Eris. Though never naman itong naging issue sa pamilya namin ang sexuality ng kapatid ko.
"Ang sarap mo talaga magluto Pa." Todo ngiti na papuri ni Eris habang ngumunguya. "Sana araw araw ganito."
"Kung makapagsalita ka Eris." Taas kilay na sabi ni Papa sa kapatid ko. "Baka isipin ng ate mo ginugutom kita."
Sumubo ulit si Eris. "Awteiopalvqla."
Napailing nalang si Papa. "Kumain ng kumain."
Kinuha ko ang wineglass at dinala ito sa bibig ko. Marahan ko itong ininom para mas malanghap ang sarap ng alak.
"Puno pa yang bibig mo ng pagkain——" Patuloy sa pagsermon si Papa.
Lumunok si Eris. "Ano po bang gusto mo na nasa bibig ko Pa?" Titig na titig si Papa sa kapatid ko. Actually kaming dalawa. "Pancakes? Peaches or Pus——"
Nasamid ako sa iniinom kong wine kaya ubo ako ng ubo. Parang ewan kasi itong si Eris, kung ano ano ang pinagsasabi.
"Eris!" Namumula ang mukha ni Papa sa pagsaway sa kapatid ko. "Language please, kumakain tayo."
"Sorry." Nagkibit balikat si Eris at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanilang dalawa. Siguro ganito sila the whole day. Todo biruan at kung sino ang unang mapikon ay maghuhusgas ng pinggan.
My father cleared his throat awkwardly. "Anyway Nike." Nilingon nya ako. "Kamusta?"
And when he said Kamusta, it means something more. Alam ko na gusto nyang pag-usapan ang issue about Trish, the great scammer.
"We will visit NBI tomorrow Pa." Pauna kong paliwanag. "Then a lawyer para mas mapadali ang kaso."
Huminga si Papa ng malalim with a thoughtful look on his face. "I could not believe na magagawa ni Trish yan sayo." Kilala ng pamilya ko si Trish, they even trusted her. "Sobrang bait mo sa kanya Nike." Ramdam ko yung disappointment at galit sa boses ni Papa and I could not blame him though. Naargabyado ako. "What happened at ganyan ang ginawa nya sayo? Niloko ka nya at ninakawan pa."
"It's okay Pa." Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil. "Kahit 50/50 man ang chance na mabalik sakin ang dalawang milyon basta ang importante ay mahuli si Trish pati ang asawa nya."
"Right." Ngumiti si Papa sakin. "Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila sayo at sa iba pang niloko nila."
"May lawyer na kayo ate?" Pagsabat ni Eris.
Tumango ako at umayos sa pagkakaupo. "May kakilala si Gael at bukas pa namin mamimeet."
"Sana kasing galing sya ni Laura." Parang may star sa mata ni Eris habang nagsasalita.
Kumunot ang noo ko. "Laura? Sino sya?"
"Oh." Natawa si Eris. "It was from a novel Napoleon Rose Ate. Isabel is an NBI agent who sacrificed her life for Laura." Biglang nangilid ang luha nya. "Shit naiiyak na naman ako kapag naaalala ko yon."
I just rolled my eyes at her. "I don't know what you are saying." My sister likes to read, something na nakuha nya kay Mama. Ako kasi walang tyaga sa pagbabasa. Isang page palang baka tulog na ako. "Good thing dahil abala ka sa pagbabasa kaysa sa pambabae."
BINABASA MO ANG
Don't freak out, it's me! (lesbian)
Romance[FILIPINO] Published date: February 07, 2020 Mars and Nike are best friends since diapers, they are inseparable and treated each other like sister's from another mother. Nike would have fight off those bullies who humiliate Mars for being fat and we...