Sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na napansin na nakalas ang pagkakabuhol ng twalya sa katawan ko. Para itong slow motion na unti-unting nalaglag sa sahig. Napatingin ako kay Mars just to see her reaction but her eyes are just focusing to my face and not my body. Regardless, I still feel embarrassed. Kaya agad kong dinampot ang twalya at natatarantang ibinalot sa kahubaran ko.
"Ah, er.." Nanlalamig ang mukha ko habang inaayos ang twalya, kung pwede lang maglaho na parang bula ay ginawa ko na. "Ma——gbibihis lang ako." At walang lingon likod akong nagmamadaling nagtungo sa bathroom at pigil tiling napaupo sa sahig. Tila naubusan ako ng lakas. "Nakakahiya ka Nike!"
Mabuti nalang hindi tumingin si Mars sa katawan ko———i mean, i would not mind at all dahil pareho kaming babae. But it was Mars kaya sobrang nakakahiya parin.
Bakit ba kasi natataranta ako kapag si Mars na ang kaharap ko. Ano bang klaseng gayuma o brilyante ang meron sya to make me feel this way?
"Relax.." I told myself sabay hinga ng paulit ulit. Nang medyo nakarecover na ako ay dahan dahan akong tumayo but then i remember na wala akong dalang damit. "Great, fvcking great."
Anong gagawin ko? Should i ask Mars to pick it for me? Wala naman sigurong malisya sa kanya yon diba? We are friends——best friend. Ako lang itong masyadong conscious sa sarili ko. Ako lang itong nagbibigay ng meaning sa mga bagay.
"Hey, Nike.." Pagtawag ni Mars from outside of the bathroom.
Boses nya palang kumakabog na ang puso ko. "Bakit Mars?" Unti-unting kong binuksan ang pintuan para silipin sya.
Ngumiti si Mars sakin sabay abot ng damit. "Nakalimutan mo."
Hindi ako nakatingin sa mata ni Mars but thanks God at binigyan nya ako ng damit. "Oh, salamat."
Tumalikod na si Mars. "Get dressed."
Kaya nagmamadali na akong nagbihis at inayos ang aking sarili bago lumabas ng bathroom. Mars is just sitting on the bed na abala sa paglilipat ng channel sa TV. "Ah Mars."
"Mm?" Sumulyap sya sa direksyon ko.
"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Curious ako syempre. Nakakakagulat kasi na bigla syang sumulpot sa kwarto ko na parang kabute.
I didn't mean to be rude or anything. Curious lang talaga ako. To all places diba?
Mars sexily crosses her long legs. They look so smooth and it makes me want to touch them. "Sam invited me here for business purposes." Ramdam ko naman na nagsasabi sya ng totoo. "Well besides, you are here kaya pumayag na ako."
Well at least hindi magic ang pagsulpot nya.
Nagsuklay ako ng buhok na nakatingin parin kay Mars. "Ah si Sam pala ang nagsabi."
"No, it wasn't her." Pag-amin ni Mars.
Bigla akong napatigil sa ginagawa ko. "Ha? Eh sino?"
Mars showed me her phone and i saw a name. "Your sister Eris."
Napaikot mata ako. "Hindi ko alam na may communication kayo."
I don't even have Mars's cellphone number. May pagkahokage talaga itong si Eris.
"Please don't get mad at her." Pakiusap ni Mars with a cute pout. "Nagtanong ako...."
"No, I'm not mad." Kibit balikat ko na sabi. "Madaldal lang talaga ang kapatid ko." Lumapit ako sa kama at kinuha ang maliit na bag na lagayan ng mga panglinis ko sa mukha, lotion, deodorant etc. "Pero akala ko may aasikasuhin ka sa London?"
BINABASA MO ANG
Don't freak out, it's me! (lesbian)
Romance[FILIPINO] Published date: February 07, 2020 Mars and Nike are best friends since diapers, they are inseparable and treated each other like sister's from another mother. Nike would have fight off those bullies who humiliate Mars for being fat and we...