Chapter 21

17K 703 123
                                    

Sinamantala namin ang magandang panahon ngayong araw para makaligo sa dagat habang wala pang photoshoot dahil for sure ay magiging busy kami bukas. Kasama namin ang mga staff ng resort, si Gael and of course the Goddess herself, Mars. She looks ravishing with her black swimsuit that shows every inches, every curves and all of her edges.

And the good things is wala na ang panirang babae na si Hera because she already left. Kuntodo sa pagpapaalam pa sya kay Mars na akala mo ay girlfriend at going to a long distance relationship.

Porket mabait si Mars sa kanya ay tinatake advantage nya naman. Masyadong feeling.

"Beautiful isn't she?" Boses ni Gael sa tabi ko. Nakaupo lang kami sa buhanginan at ineenioy ang init ng panahon. Besides, mas masarap pagmasdan si Mars.

I'm very hypnotized by the sight of her. "So beautiful."

Natawa si Gael sabay hawak sa panga ko. "Close your mouth." Pang-aasar nya sakin. "You might catch flies."

Agad kong tinabig ang kamay nya. "Para kang ewan Gael."

"Totoo naman." Katwiran ng matalik kong kaibigan. "If you only see how you look like habang nakatingin kay Mars."

This time i fully give him my attention. Gael is smiling from ear to ear and totally enjoying teasing me. "How do i look then?" Dahil hindi ko alam, i just look at Mars lang naman.

"You look..." Huminto si Gael para uminom ng juice and stares at my face intensely. "You look really inlove with her."

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Gael. In-love? I'm not denying it. I mean, it's more than just an attraction ang nararamdaman ko for Mars. Pero ganon na ba talaga ako katransparent when it comes to her? Hindi ko na ba talaga kayang itago kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya?

"Ganon ba ako kaobvious?" More like i asked myself than Gael.

"Because it's really hard to hide when you are in love Nike." Natawa nang mahina si Gael. "It explodes right on your face."

Ako naman ang natawa. "Ang hirap pala."

Parang ako pa ang mas dapat mag-adjust between us since isa akong public personality. Lahat ng galaw ko ay maraming nakabantay at nakasunod na paparazzi. Ayaw ko namang maging magulo ang buhay ni Mars because of my showbiz career.

As much as possible ay dapat protektahan ko si Mars lalo na kay Cole. That man is crazy.

"But you know what Nike?" Inilatag ni Gael ang mga binti nya sa buhanginan habang pinagmamasdan namin si Mars na todo ang ngiti at tawa sa pakikipag-usap sa mga staffs ng resort. A very humble woman. "Ngayon lang kita nakitang masaya."

Sumipsip muna ako ng juice from straw with a glimpse of him. "Bakit hindi ba ako masaya dati?"

"Masaya with your fame and career." Gale thought a little more. "Pero miserable ang buhay pag-ibig." All of a sudden ay napatingin si Mars sa direksyon namin at ngumiti nang pagkatamis tamis. Naramdaman nya ata na sya ang pinag-uusapan namin. "Sobrang nagpapasalamat talaga ako na dumating si Mars para basagin ang helmet na pinasuot sayo ni Cole."

I know Gael is right.

Pero mas ginusto ko lang talagang unawain si Cole dahil ayaw ko ng away but then he took advantage of my weakness and even disregarded my feelings. Wala eh, tanga tangahan at martir ang peg ko. Knowing Cole kasi he doesn't accept no for an answer. Whatever he wants, he will get it.

"Pero..." Sinulyapan ako ni Gael. "Paano mo sasabihin kay Cole na ayaw mo na magpakasal?"

Paano nga ba? Saan ko uumpisahan....

Don't freak out, it's me! (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon