Maaari ba?
Maaari bang balikan ko ang nakaraan?
Nakaraang di ko maatim kung paano ko sisimulan
Isang nakaraang nagturo saakin kung paano magmahal
Nagturo kung paano maging matatag
Nakaraang nagmulat sakin sa katotohanan,
Katotohanang di ka akin at kanya ka lamangKung babalikan ko ang kahapon
At iisa-isahin ang dulot ng pagtapon,
Pagtapon sa tulad kong nagmahal ng tapat at iniwan dahil di naging sapat? Kung iisipin ko ang bawat minuto na inalay sayo?
Masasabi Kong di ako nagkulang kundi di kalamang nakuntentoKung alam mo lang kung gaano kita pinaglaban.
Maraming nagsasabi na ika'y may kasintahan. Pero ako'y may tiwala na ako ang gusto mo at Hindi siya Ngunit sa pagtitiwala koy di ko inaasahan na ang taong pilit Kong dinedepensahan ay nasa ibang kanlungan.Masakit isipin na ganun na lamang
Na sa isang iglap ay mawala ang ating sumpaan,
Sumpaang walang susuko at ikay akin lamang
Sumpaang pinanghawakan ko sa Sandaling panahon na nakasama kita. Panahon na tinuraan akong bumangon sa sarili Kong paa.Babalikan ko muli ang nakaraan,
Salamat sa mga kaibigan Kong nagmulat sakin sa katotohanan, Katotohanang Hindi ako kundi siya,
Na siya ang taong gusto mong makasama .
Pero salamat ,
Salamat sa panahon na tinuruan mo ako kung paano maging masaya
Kung paano harapin ang panibagong Simula SALAMAT.At sa huli Alam Kong masaya kana sa piling niya ,
Ngunit kung maaari ba?
Maaari ko bang sabihin na masaya rin akong malaman mo na di sapat ang tulad ko sa taong kagaya mo.-AsianQtipie
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉