Entry #18

45 6 0
                                    

"IKAW"

Ikaw na syang umibig ng ilang beses at nabigo,

Ikaw na syang nasaktan ng dadamdamin at puso.

Ilang beses pa bang kailangang tumayo?

Mula sa pagkadurog ng pusong tuliro?

Alam mo matuto kanang tumayo,

Sa sariling paa at mamulat sa mundong palaging kang binigo.

Ilang beses kamang saktan,

Wag ka susuko pagkat ikaw ay si adan.

Di bale ng masaktan ang mahalaga binigay mo ang pag ibig ng lubusan.

Lagi mong tandaan,

Na sa bawat paghihirap ay sa huli may gantimpala,

Na syang ibibigay ang panginoong may kapal.

Hindi man ngayon, bukas o sa isang taon,

Palagi mong tatandaan na ang nakalaan sa iyo,

Ay higit pa sa mga taong nanakit at dumurog sa iyong puso't isipan.

Di mo man mabilang, ilang beses kang tinalikuran.

Randam mo man ang sakit at pighati,

Pero sya palaging nandiyan sa oras ng pagkasawi.

Di ka nya iiwan hanggang sa huli pagkat sya ang nagsisilbing liwanag sa kadiliman ng bawat isa.














-Anonymous

Spoken Word Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon