Entry #16

53 5 0
                                    

"Ako pa rin ba?"

Ako pa rin ba yung bumubuo ng araw mo?

Ako pa rin ba yung kayang makapagpaalis ng pagod mo?

Ako pa rin ba yung nakakapagpagaan ng pakiramdam mo?

O may iba nang gumagawa sayo nito?

Boses ko pa rin ba ang gusto mong marinig?

Mga mensahe ko pa ba sayo ay nagpapakilig?

Pangalan ko pa ba ang lagi mong bukambibig?

O iba na ang tinuturing mong daigdig?

Totoo nga, walang permanente dito sa mundo

Dahil kahit tayo ay unti-unting nagbabago

Wag mo ng isipin ang habambuhay na pangako

Dahil kung ayaw mo na talaga, ako na mismo ang lalayo
















-Jean

Spoken Word Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon