*Reversed Spoken Poetry*
"Gusto ko pa"
Gusto ko pang mabuhay sa mundo
Hindi ko na sasabihing
Tinatapos ko na ang pamumuhay ko dito
Napakasayang mabuhay
Hindi totoong
Walang nagmamahal sa'kin.
Ako'y napaisip at napansin kong
May mga sumusuporta pa sa'kin
Ayoko na sambitin ang mga salitang
Ayoko na
Tama na
Susuko na ako
Kaya simula ngayon
Iba na ang pananaw ko
Malakas na ang loob ko
Matatag na ako
Masaya't kuntento na ako sa buhay ko
Hindi totoo ang sinasabi nilang
Wala kang kwentang tao
Wala kang karamay sa buhay
Mahirap mabuhay sa daigdig
Alam ko namang
Kaya ko pa
Di ako susuko
Ayoko nang marinig pa ang mga salitang
Hindi ko makakaya 'yan
Mahina pa ako
Wala akong mapapala
Masaya na ako sa nangyayari ngayon
Hindi ko na sasabihing
Ayoko nang mabuhay sa mundo.
-Unknown
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉