Entry #10

72 8 0
                                    

"LIHIM NA PAGTINGIN"

Ang umagang sabik na masulyapan ka ng patago,
Ang hapong aliw na aliw sa mga ngiti mo,
At ang buong gabing ako'y nakikinig sa iyong mga kwento,
Habang nakatitig sa mukang mong napakaamo.

Ito yung araw na isa sa mga kinasabikan ko,
Ang araw na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko,
Na kung saan ang tadhana ay muli tayong pinagtagpo,
Ang buong araw kitang katabing nakaupo.

Sa muli pagsulat ko ng tulang ito,
Ikaw ang laman ng isipan ko,
Inspirasyon ka sa bawat letra nito,
Dahil itong piyesang ito, ay para talaga sa iyo,

Humihiling sa itaas,
Na sana'y pagtagpuin muli ang ating landas,
Dahil nais na muling masilayan ang ganda mong malarosas,
Na sa aking paningin ay parang apoy na nagniningas.

Nais na muling makita ang pagbuka ng iyong bibig,
Marinig ang malalamig mong tinig,
Na napakaganda para sa aking pakinig,
At syang nagpapatigil ng pag-ikot ng aking buong daigdig.

Araw-araw sa bawat paggising ko,
Ikaw kaagad ang naaalala ko,
Nakatatak ka na ata talaga sa isipan ko,
At di na kayang limutin pa ng puso ko.

Kung inaakala mong wala kang halaga,
At iniisip mong ikaw ay nag-iisa,
Nandito lang ako para pasayahin ka,
Hindi kita iiwan dahil mahal kita.

At sa panahon na ikaw ay umiyak at sumimangot,
Nandito lang ako; handa akong maging iyong kumot,
Na sa iyo'y yayakap ng mahigpit at babalot,
Para pumawi ng matinding mong lungkot.

Pero may isa akong ikinakatakot,
Ang sa standard mo ay hindi makaabot,
Parang sa hangin ako'y sumusuntok,
Habang aking iniisip na ang panunuyo sayo ay parang isang pagsubok,

At kung mababasa mo man ang tulang ito,
Ito'y iniaalay ko na para sayo;
Magsisilbing regalo at paalala sayo,
Na minsan may isang torpeng nangahas na manligaw sayo.

Pero mas pinili na lang itago,
Ang tatlong taon ko ng pag-ibig sa iyo,
Dahil sa dalawang tanong na patuloy pa ring nagtatalo,
Kung aamin pa ba sayo? O itatago ko na lang ito?








- Erick Ivan Litao

Spoken Word Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon