"Hindi Ako Okay" (HAO)
Sa bawat ngiti,
May tahimik na paghikbi,
Sa bawat pagtawa,
May pusong hindi masaya.Sa likod ng maskara,
May mga bakas ng pagluha,
Sa likod ng masayang mukha,
May mga matang namamaga.Sa bawat walang imik,
May isip na hindi matahimik,
Sa bawat paglihim,
May maririnig na panaghoy pagdating ng dilim.Sa likod ng "ok lang ako,"
May pahiwatig na kailangan ko ng yakap mo,
Sa likod ng "kaya ko pa,"
May pinaparamdam na ako'y pasuko na.Nais ko lang naman sabihin,
Na wag mo na akong kamustahin,
Wag ka ng magtanong, yun ang aking hiling,
Hindi ako okay, pasensya sa pagsisinungaling.- Trishia Raga
![](https://img.wattpad.com/cover/142939733-288-k882185.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉