“Nakaraan at Kasalukuyan”
Simula sa
Una
Ikalawa
IkatloIkatlo
Ikatlong taong relasyon
Ikatlong taong relasyon na hindi nagtagal dahil pawang lahat ay kasinungalingan
Kasinungalingan
Kasinungalingang sa isip ko ay nanatiling nakatatak
Ilang patak
Ilang patak nang luha pa ba ang kailangan?
Ilang taong sakit pa ba ang pagdadaanan upang ikaw ay makalimutan?Kaba sa aking dibdib ay tangan-tangan
Ng una kitang masilayan
Pintig nang puso ko ay para bang nakikipagkarera sa daanSa isip ko
Ito ba ang daan?
Ito ba ang daan sa pagmamahal na tila ba'y akin ng nakalimutan?
Pagmamahal na tila'y maging sa sarili ko'y hindi ko na maramdaman Pagmamahal na hinihiling ko na sana'y hindi na lang naramdamanMaaari ba?
Maaari bang hilingin na sana'y hindi na lang nangyari?
Maaari bang hindi na lang maguluhan sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan?Nakaraan
Nakaraang pilit kong tinatakasan Nakaraang hindi ko pa din makalimutan
Nakaraang naghatid sa akin ng panandaliang saya
At nakaraang nagturo sa aking maging mailap mula sa iba
Nakaraang hanggang ngayon ay ako pa din ang nagdudusa
Pagdurusang hatid ay parusa Parusang hindi dapat sa akin kung 'di sa kanyaKasalukuyan
Kasalukuyang nagbigay sa akin na pag-asa
Masama ba?
Masama bang makita sa'yo ang ngiti
Na dati ay nakita ko din sa kanya Masama bang mahalin kita?
Gaya ng pagmamahal ko sa kanya
At masama bang matakot akong masaktan ulit?
Dahil sa pagkakatulad niyong dalawaDalawa
Dalawang taon na nga pala nang nakaraan ay lumisan
At ang mundo'y akin ng naging pasan
Nasaan?
Nasaan ka na nga ba?
Ako pa kaya'y naalala?
Patawad kung sa isip ko pa rin ikaw ay dala
Patawad kung ako'y naging tanga Tanga dahil humihingi ng tawad sa tulad mong nagkasalaPatawad
Patawad sa kasalukuyan kung naririnig mo sinta
Patawad kung sa kanya'y kinompara Patawad kung ika'y hindi kinompronta
Patawad kong ako'y naging duwag at iniwan ka
Patawad kasalukuyan at sana'y nakaraan ay akin ng makalimutan.-Grey_Sky
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉