"MAY PLANO SI BATHALA"
Sa ilalim ng kadiliman na nilikha ng kalungkutan
At sa likod ng katahimikan na binuo ng kasawian
Paulit ulit akong hinihila ng malagim na nakaraan
Nakaraang gusto ko nang talikuran. At kalimutanNakahawak ako sa sariling katawan.
Pagkat walang makapitan. Walang masandalan
Ako’y nilisan. Ako’y napag-iwanan.
Pagkat sa’king kaligayahan. Mundo’y humahadlangSa kalangitang inakalang tahanan ni Bathala
Palagi akong tumitingala pagkat naroon ang mga tala
Na sa simula pa’y roon ko na inilalathala. Sariling nobela
Pinaniniwala ang sarili na sa pagmamakaawa’y may mapapalaMataas ang aking tingin. Palaging nananalangin
Pilit humihiling. Kamtin kahit isang bituin
Sagpangin man ng nakapupuwing na mga hangin
Mga bituin ang pinagtya-tyagaang bilanginAt sa tuwing nabibigong sungkitin. Ako’y nagtatampo
Nagmamaktol at nagrereklamo. Bakit nga ba ganito?
Dahil ba sa ganito lang ako. Walang nakalaang kahit sino?
Wala bang tatanggap sa katulad ko. NA ISA LAMANG TAO?Akala ko ba’y mahal ako ni Bathala? Mali pala
Dahil hindi niya ako mapagbigyan. Kahit nagmamakaawa
Sinisisi ko siya. Sa lahat ng kabiguan at kalungkutang nadarama
Mga bagay na di makamtan. Siya nga ba ang may sala?Nasaan Bathala? Ang sinasabi mong sa aki’y nakatakda?
Kailan ito darating? Kung kailang ako’y mahina na’t matanda?
Bakit kahit anung tingala ko’y wala namang bumababa
O bathala kahit isang tala lang. Ako’y masaya na.Sumagot ang tinig ni Bathala. Ngunit hindi sa langit nagmumula
Kundi sa puso ko kung kaya’t napatingin ako sa ibaba
Hindi ko namalayan na hindi lamang pala ang pagtingala
Ang paraan para humiling at manalangin kay BathalaTinuruan niya akong yumuko. Upang aking pagmasdan
May mga bulaklak sa damuhang aking kinauupuan.
Kaya pala ang mga bitui’y di lumilisan sa kanilang tahanan
Pagkat sila’y hindi sa lupa nakalaan. Doon ko naunawaanDoon ko naintindihan. Hindi lamang mga tala sa kalangitan
Ang nagtataglay kagandahan. Ang maghahatid ng kaligayahan
Pagkat may marilag na mga bulaklak sa kinauupuang damuhan
At kung ating pagmamasdan. Sila ang dapat nating pahalagahanGanito tayong mga tao. Ganito ang takbo ng mundo
Kung anung malayo. Kung anong siyang bago.
Doon tayo nakalingon. Mga mata’y doon nakatuon
Kung kaya’t nasasayang mga panahon at pagkakataonSamantalang marami naman. Ang nariyan sa ating tabi
Hindi natin napapansin. Kasi nandyan lang sa tabi
Mga taong nariyan para sa atin. Kahit hindi sila mga bituin
Handa ka nilang mahalin. Handa ka nilang paligayahinAt kapag dumating na ang oras na sila na ang nawala
Wala ka nang magagawa. Kundi ang lumuha ng lumuha
Kung kaya’t sulitin mo na. Habang andyan pa sila
Hindi tayo si Bathala. Hindi natin hawak ang tadhana.Hindi lahat ng kahilinga’y basta basta mo makukuha
Matuto tayong maghintay. May plano si Bathala
Huwag tayo puro tingala. Matuto din tayong yumuko sa ibaba
May plano si Bathala. Basta magtiwala ka. At maniwala-Johnn Ferry Niebre Santiago
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉