"ILUSYON"
Lahat ng ito ay totoo,
Hindi
Nakalimutan ng aking puso,
Nang dumampi ang labi mo sa labi ko,
Dahil
Naramdaman kong minahal mo ako,
Ilusyon lang na
Nagkamali ako,
Pero ang totoo
Tunay ang naramdaman ko,
Akala ko
May katapusan ang tayo
At higit pa doon pinatunayan mong
Lahat ay hahamakin mo,
Hindi
Umatras,
Ikaw ay
Sumuong sa agos ng pagmamahal,
Hindi mo kinayang
Bitawan ako,
Madali lang sayo ang
Ayusin ang butas na sisira sa atin,
Nahirapan kang
Isuko na lang ang ating pagsasama,
Kaya naisip mo,
Masakit na
Masyadong
Lumayo ako,
Gusto mong
Hawakan ang aking mga kamay,
Ayaw mo ng
Umalis ako sa iyong buhay,
Namutawi sa iyong bibig,
Sa iyong piling
Huwag
Akong lumisan,
Nais mo na
Sundin ko ang iyong hiling
Pakiusap mo,
Mananatili ako,
Kahit gaano pa ipagtulakan
Lagi kang nariyan,
Pangako mong
Wala na ang
Sakit, pagtangis at hinagpis
Sa pagmamahalan nating puno ng
Tamis,
Mawawala na ang
Sinabi mong
Ikaw ay aalis,
Ngunit lahat ng ito ay napalitan ng mga bulong mong,
Hindi mo ako tatalikuran,
Hindi mo ako sasaktan,
Hindi mo ako kalilimutan,
Hindi ka maduduwag harapin ang kalaban,
Tulad ng
Musika sa aking tainga kung pakinggan,
Dating
Mga paulit-ulit mong inuusal ay
Aking binabalik balikan,
Kalayaan ang bumabalot sa iyong sensasyon,
Hindi
Nakakulong,
Pakiramdam mo para kang
Mapapariwa kung ako'y maglalaho dahil
Hindi ka
Sanay mawala ang mahal mo,
Hindi ka
Natakot mahalin ako
Ikaw ay
Ang naging buhay ko,
Ikaw
Ang inikutan ng aking mundo,
Ikaw
Sa simula hanggang wakas,
Minahal ako
Hinding hindi mo
Binigo at pinagmukhang
Tanga ako.- Khyzel Morales Sosing
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉