"HINDI TAYO MAGWAWAKAS SA PAGTATAPOS"
Sa pagsisimula makakaramdam ka ng kaba, saya at pananabik sa mga bago mong makikilala.
Sa pagsisimula bago ang bag, bago ang sapatos,
Bago ang uniporme, bago ang lahat sa iyong katawan.
Pero may mawawala, may maluluma
May magpapaalam din kalaunan.
Pero bago natin wakasan pakiusap,
Atin munang balikan kahit panandalian.
Ang mga pangyayari sa loob ng iskwelahan,
Kasama ang mga abnormal mo na kaibigan,
Na walang sawa kang hahampasin, panggigigilan,
Sa oras na si crush ay dumaan sa inyong harapan.Mga pasimpleng kopyahan,
Marahil mali pero hindi kasi maiiwasan,
Lalo na kung asignaturang matematika ang pag-uusapan.
Kasi oo, tama madali lang naman,
Habang tinuturo ito ni maam sa harapan,
May patango-tango pa ng ulo akala mo totoong naintindihan,
Pero pagsapit ng exam, makikita ang malaking kaibahan,
Mapapatanong ka nalang kung naturo ba talaga ito ni maam.Diba? Ang sarap sa pakiramdam?
Yung makapasok sa gate kahit ang suot mo ID lace lang naman.
Tapos magpapaalam na mag cr kahit canteen ang pupuntahan.
Pagnahuli kayo sa klase magkaibigan sa pagbukas ng pinto magtuturuan.Sa loob ng sampung buwan,
Naging saksi ang apat na sulok ng kwarto sa iba't ibang kaganapan.
Sa mga nabuo na kalokohan, sa mga daldalan, asaran,
Kulitan, tawanan, tampuhan, plastikan at sa mga nabuo na pagkakaibigan.
Nakakalungkot lang na darating sa punto na kailangan mo ng magpaalam.
Sa paborito mong upuan na nilagyan mo pa ng palatandaan,
Sa patimpalak na naging daan ng mas matatag na samahan,
Sa lugar na lagi niyong kinakainan,
Sa bahay ng iyong kaibigan na hilig niyong tambayan,
At sa guro na tinuring na nating pangalawang magulang.Masaya, dahil sa wakas nakapasa ka na,
Pero sa kabilang banda bakas ang lungkot sa iyong mukha,
Dahil mapapalayo ka na sa mga taong tinuring mong pamilya.
Ngunit sa paglalakbay hindi ka mananatiling nag-iisa,
Marahil hindi na nga tayo magkakasama,
Pero pangakong mananatiling nakasuporta.
Kapag may problema nandito lang ang barkada.
Sa puso ng bawat isa hindi mawawala.
Dahil isa ka at isa kayo,
Sa mga naging instrumento kung magiging ano ako.
Kaya hindi dapat maging lugmok at malungkot,
Sapagkat hindi natatapos lahat dito,
Magsisimula lang ulit tayo sa bagong yugto,
Kaya dapat mas maging matatag tayo.
Sapagkat hindi natatapos lahat dito,
Magsisimula lang ulit tayo sa bagong yugto,
Dahil magkikita at magkikita pa ulit tayo.-Nathaniel Villaviray
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉