Entry #17

52 6 0
                                    

"REYALIDAD"


Mulat ka na ba sa katotohanan?
O baka naman hanggang ngayon ay namumuhay ka pa rin sa kasinungalingan? Pwes wag ka ng magbulag-bulagan
Alamin mo na ang mga dapat malaman

Baka kase minsan aakalain mong mahal ka niya
Pero hindi naman pala
Umaasa ka ng umaasa
Wala ka naman palang napapala

Isa lang yan sa mga halimbawa
Na talagang nakapagtataka
Yung tipong nasa EARTH ka na
Naghahanap ka pa rin ng MARS higit pa sa kanya

Buksan na ang mga mata at ito'y imulat
Nang sa ganaon ay makita na ang mga pangyayaring tuluyan nang nailantad
Tumakbo at wag maglakad
Upang makaalis na sa mundo mong matagal ng nakabaligtad
At magmadali para marating na ang tunay na reyalidad

Gumising ka na sa panaginip
At gisingin ang natutulog mong isip
Tanggalin na ang butas sa pagkakatakip
Tumakas na para ang katotohanang matagal ng naririyan ay iyo ng masilip

Matagal rin akong naging bulag
Pero ako'y lumaban at pumalag
At nalinawan ang aking isip at tuluyang kumalag
Sapagkat sa mundong puno ng kasinungalingn ay ayokong malaglag
Kumapit, naging matapang at hindi naging duwag

Ginamit ko ang aking abilidad
Para matagpuan ang reyalidad
Nagpursige at hindi tinamad
Kaya nakita ko ito agad

Kahit na naging dehado
Ako pa rin ay naging kalmado
Ang mga kilos ko'y di limitado
Kahit ang tatahakin mang daan ay delikado
Gagawin ko ang lahat marating lang ang tunay kong mundo

Minsan kailangan talagang lumaban
Nang sa ganon ay di tayo malamangan
Ng mga taong pilit tayong tinatapakan
Sa kabila ng mababa nating kakayahan

Narating ko ang dulo
Puno man ng peligro
Di ininda ang sinabi ng mga tao
Sapagkat pare-pareho lang tayong tao
Papa-apekto pa ba ko?

Ang katotohanan na ay narating
Di inaasahan ang aking pagdating
At sa wakas natupad na ang aking hiling
Sapagkat akin nang nakita ang mga taong dapat makapiling

Ang bago kong mundo'y nasilayan
Naramdaman ang tunay na kasiyahan
Dumating sa buhay ko ang mga taong di ko inasahan
At mga kaibigan na hanggang ngayon ay patuloy kong pinakikisamahan

Eto na ang totoo kong buhay
Ako na ay nagtagumpay
Sa kabila ng mga pagsubok na akala ko'y wala nang humpay
Sapagkat lahat ng makakaya ko'y aking ibinigay
Na akala ko'y lahat ng yon ay mawawalan lang ng saysay

Sa mundong puno ng saya
Punong puno rin ng pagpili at pagpapasiya
Minsan may kailangan kang isakripisyo at itaya
Upang makamtan ang tunay na ligaya

Panibagong yugto ng buhay
Ay isa sa mga bagay
Na matagal kong hinintay
Di nawalan ng pag asa bagkus ako'y naghintay

Ako'y nagpapasalamat ng lubos
Sapagkat ang kasinungalingang matagal ko pinaniwalaan ay tuluyan ng natapos Nang dahil don ay natanggal ako sa pagkakagapos
At tinapos ang mga bagay na dapat nang matapos.













-John Layson

Spoken Word Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon