Entry #20

43 5 0
                                    

"Basta may tiyaga may Medalya"

Ako'y gumising ng maaga 
Hindi alintana mga muta sa mata
Umaasang may bagong pag-asa
Nakahanda ng mainit na kapeng nasa tasa


Bumangon kana ika ni nanay
Kasabay mo kasing papasok si tatay
Na mag hahanap buhay
Sa ganyang buhay ako nasanay


Handa narin ang maayos na uniporme
At perang naka-sobre
Handa na ang sapatos kahit itsura
Nito ay may pagka laos


"ingat mag aral ng mabuti"
Masayang sinabi ng aking ina

Kailangan kong mag-aral ng mabuti
Para ako naman ang mag aabot ng sobre
Kailangan kong mag-aral ng mabuti
Para iba na ang suot na uniporme
Kailangan kong mag aral ng mabuti
Dahil buhay nila inay at itay ay hindi permante


Ang pag-aaral ang tulay sa magandang direksyon
Mahirap man ang tinuturo na leksyon
Magulang naman ang inspirasyon

Kaya makakapunta ka sa magandang destinasyon

Harapin mo ang pisara
Para buhay ay hindi masira
Isulat ang lahat ng pinapasulat
Para mata'y mamulat


Tapusin ang pag aaral ng lahat ng matang mapang husga ay magulat. 


Ako'y pauwi na
Masayang sasabihin kay nanay at tatay
Na ako'y makaka-pag tapos na
At meron pang gintong medalya
Na pupukaw sa hirap at pagod nila.


















-Elbert Manaligod

Spoken Word Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon