"WALANG LAKAS NG LOOB, KAYA HINDI MAILABAS"
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.
Maliwanag naman, pero ba't 'di ko masilayan?
Ang katotohanang sa aki'y wala kang nararamdaman.
Nais ko sanang ipagsigawan, kaso naisip ko, wala pala akong karapatan.Ilang kilo pa ba ng kalabasa ang kakainin,
Para malinawan akong hindi mo ako kayang mahalin?
Ilang litro pa ba ng tubig ang aking iinumin,
Maging matapang lang na ang nadarama sa 'yo ay sambitin?Gusto ko sanang ipagsigawan na mahal kita,
Pero parang paos ako't kinakapos ng hininga.
Gusto kong ibulong sa 'yong tenga na gusto kita,
Pero alam kong 'di mo 'ko maririnig dahil may iba kang pinapakinggang musika.Para akong pagong na nakakulong sa aking lungga.
Ayaw lumabas dahil gustong makaiwas sa hiya.
Para akong nakabaong pako sa isang inaanay na tabla.
Unti-unting kinakalawang dahil nabaon sa gitna ng "sasabihin ko na" at "itatago ko pa".Pahingi naman ng lakas ng loob para ang itinatago ko na'y mailabas.
Pahingi naman ng maingay na boses para maisigaw ko na nang malakas,
Ang pag-ibig ko sa 'yo na ilang taon na ang napalipas,
Hindi ko pa rin masambit dahil baka sarado ka sa aking pagbukas.Pero alam kong darating ang araw na akin nang masasambit.
Ang pag-ibig ko sa 'yo na matagal ko nang binibitbit.
Siguro sa panahong iyon handa na ako sa tugon mo, matamis man o mapait.
Pag-aming mahal na mahal kita, kahit isang libong sakit man ang kapalit.- Jay Adam Mallapre
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉