Entry #24

34 5 0
                                    

"Kasalanan ko ba?"


Kasalanan ko ba kung hindi kita kayang mahalin?
Kasalanan ko ba kung hindi kita kayang ibigin?
Kasalanan ko ba kung hindi kita kayang gustuhin?
Kasalanan ko ba kung kaibigan kalang para sa akin?

Wag mo'kong sisihin
Kung walang ibang nararamdaman ang aking damdamin
Katagang "Ikaw ang dahilan kung bakit ako'y nasasaktan" wag sa aki'y sabihin Dahil hindi ko yan kayang tanggapin


Hindi ko kasalanan kung bakit ka nasasaktan
Dahil ikaw ang naging dalilan
Kaya ka ngayon ay umiiyak
Kaya ngayon ang iyong luha ay pumapatak


Ikaw mismo ang gumawa ng dahilan
Sinabi ko namang hanggang kaibigan lang
Ngunit pinilit mo ang iyong nararamdaman
Hindi mo ito pinigilan
Hindi ko naman sinabing mahalin mo'ko
Sadyang pinaramadam mo lang sakin ito


Wag mo'kong sisihin kung nasasaktan ka
Simula palang pinagtatabuyan na kita
Nagpasya kang manatili
Dahil mapilit ka
Oo mapilit ka
Pinilit mong ipagsiksikan ang iyong sarili dito sa puso ko kahit ni konting puwang ay wala na


Pero kung ako talaga
Tanggapin mo sana ang salitang "pasensiya"
Hindi ko naman sadyang ipagtabuyan ka
Ginawa ko lang naman yun para maging malaya ka
Ginawa ko lang naman yun para makakilala ka ng taong sa iyo'y magpapasaya.

























-Rasalene Canlas

Spoken Word Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon