"SA MUNDONG PUNO NG MAPAGKUNWARI, MAGING IBA KA"
Sa pag-ibig magiging masaya ka—
Kung pipili ka ng tama.
Masasaktan ka—
Kung ikaw ang mali sa kanya.Mawawasak ka—
Kung ibibigay mo nang maaga.
Mapapahamak ka—
Kung hindi ka marunong kumilatis ng TOTOO sa PANGGAP.Sapagkat ang mundo nati’y puno nang mapagpanggap.
Marami-rami ang mayroong pusong dalisay—
Subalit mas marami ang mga nilalang na mapang-alipusta.
Sila ang sisira sa nanahimik mong buhay.Huwag ka papatalo—
Dahil panigurado mahuhusgahan ka.
Matuto kang lumaban—
Kung mayroong ipaglalaban...Matuto kang sukuan sila—
Kung hindi mo na kaya.
Matuto kang mang-iwan—
Kung sa kanila’y di ka kawalan.H’wag mo isisiksik ang ‘yong sarili—
Sa mga taong hindi ka pinipili.
H’wag mo silang pilitin na sa iyo’y tumabi—
Hayaan mo sila magdisisyon kung sa ‘yo ba sila’y mananatili.H’wag ka magpapanggap na ayos ka lang—
Kung ang totoo’y nais mong maglaho na lang.
H’wag kang ngingiti—
Kung ang ‘yong nadarama’y pighati.H’wag ka hahalakhak nang malakas.
Kung sa likod nito’y unti-unting inuubos ang ‘yong lakas.
H’wag mo sanayin ang sarili mo na masaktan,
maiwan, manlumo, mayamot, sumuko sa kawalan!Maikli lang ang ating buhay sa mundo.
H’wag mong hayaang masayang ito.
Gawin mo lahat nang makapagpapasaya sa iyo.
Palayain mo na ang poot na namumuo sa ‘yong puso.Maging malakas ka...
Magmahal kang muli...
Manalig ka kay ama...
Magsikap ka’t mangarap muli.Maging totoo ka’t magiging tunay kang maligaya.
Magpatawad ka’t gagaan ang ‘yong kalooban.
Harapin mo nang buong lakas ang ‘yong mga kahinaan.
Ito ang nararapat at karapat-dapat mong gawin...Maniwala ka.- Bianca Beltran Aquino
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry Compilation
PoetryThere are some reversed poetry and some are not.. Hope you like it! I do not own any entry posted. Credits to the rightful owners. HAPPY 2K READS! 🎉