Chapter 9

1.7K 66 0
                                    

Indigo POV

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang Court ng academy kung saan gaganapin ang laban namin

Nakaka inis kasi lahat ng kaklase namin umaasa namatatalo namin ang makakalaban namin

Ano bang malay namin kung grupo pala nila Ivy ang makalaban namin eh di tapos na ako lalo pa't wala akong kapangyarihan para protektahan ang sarili ko

Hayst naiinis ako kay lola bakit ba kasi dito niya ako pinapasok sa school na hindi naman ako belong!

Pagka pasok namin sa court agad na hiyawan ang aming narinig galing sa mga magagaling naming kaklase na todo support sa amin

Bwisit

Inilibot ko ang aking paningin sa buong court at doon ko lang nalaman na parang may isang salamin don sa gitna ng court at nandon lahat ng mga kasali sa laban kabilang na don ang grupo nila Ivy

Ng makita ko si Innah agad niya akong kinawayan at wala pang ilang minuto ay nasa tabi ko na siya nakakatakot ang nilalang na to parang kabute bigla bigla nalang sumusulpot

"Indigo doon tayo bubunot daw kasi kayo ng pangalan na kakalabanin niyo"wika ni Innah ay ngumiti

Napa lunok nalang ako ng makita ang tinuro ni Innah
Naka tingin ng masama saakin si Ivy samantalang ang dalawa pa niyang kaibigan ay iniirapan si Innah

"O...okay"wika ko saka tinignan sila Green na may ngisi sa labi

Nag simula na kaming maglakad papunta sa tabi nila Ivy syempre kasama namin si Innah na naka ngiti

Nakaka kilabot ang babaeng to masyadong feeling close

Ng mapunta na kami sa pwesto namin na istatwa ako sa nakita ko sa gilid ng court may mga armas na talaga namang nakakamatay

Mukang last day ko na to sa earth wahhh wala pa nga akong asawa't anak mamamatay na ako kainis naman wahhhh

Tahimik lang kaming lahat na naka tingin sa announcer habang ang mga nanunuod naman sa amin sa labas ng salamin na ito ay nag titilian at todo hiyawan

"Good day ladies and gentleman today is the day para i celebrate ang Summer fest ng White Tiger Academy at kung swe-swertihin nga naman meron tayong dalawang grupo na mag lalaban laban para sa summer fest"wika ng announcer na ikinagulat ko

DALAWANG GRUPO?! DIBA ANIM NA SECTION KAMI SA WHITE TIGER ACADEMY?! BAKIT DALAWA LANG IBIG SABIHIN WALA KAMING TAKAS KILA Ivy?!

"T...teka bakit dalawang grupo? Diba anim na section yun bakit? Bakit dalawa lang?"tanong ko na nag patigil sa lahat pati narin sa mga nanunuod

"Ayun sa ibang section Mr Indigo eh umurong sila sa laban dahil ayaw nilang mamatay at gusto pa nilang maka punta sa omega party eh kung natatakot ka pwede ka naring umatras at sumigaw na mama mama ayoko na!"natatawang wika ng announcer na nag patawa sa lahat maliban sa amin na mga kasali

"Nakakatawa ba ang sinabi niya?"mahinang tanong saakin ni Sky na katabi ko

"Ewan pero isa lang ang alam ko pinapahiya niya ako"wika ko at iniyukom ang kamao ko

Ayaw na ayaw ko sa lahat ang pinapahiya ako

Ivy POV

Napa irap ako ng mag tawanan ang lahat sa sinabi ng announcer nakakatawa ba ang sinabi niya? Hindi ko alam na joke yun

Bahagya akong napatingin sa gawi ni Indigo na binubulungan ang kapatid ko nakita ko kung pano kumuyom ang kamao niya

"At isa pa Mr Inidigo eh kung natatakot ka at hindi ka pa ready umuwi ka nalang sa dorm niyo at mag kulong"natatawang wika ng announcer kaya nag tawanan nanaman ang lahat

"Hindi na tama to fuck"rinig kong bulong ni Innah at naka tingin ng masama sa announcer

Ano bang relasyon nila ni Indigo?

"At kung gusto mo naman..."hindi na natapos ng announcer ang sasabihin niya ng mag salita si Indigo dahilan para ikataas ng balahibo ko

"Ang oras ang tumatakbo sayang ang oras kung dada ka ng dada ayaw ko sa lahat pinapahiya ako kung alam ko lang na may bastos na announcer gaya mo pinatay na kita pero dahil mabait ako kapag ako nanalo sa laban na to ako mismo ang mag tatanggal ng ulo mo sa leeg mo TANDAAN MO YAN"madiin at nakakatakot na wika ni Indigo dahilan para magsitahimik ang lahat

'Ayoko sa lahat pinapahiya ako tandaan mo kapag ito natapos ko ako mismo ang mag tatanggal ng ulo mo sa leeg mo'

Napa pikit ako ng marinig nanaman ang boses nang pinaka mamahal ko
Bakit pareho sila? Bakit pareho sila ng ugali?

Ayaw na ayaw ng mahal ko na pinapahiya siya at laging linyahan niya ay TATANGGALIN KO ANG ULO MO SA LEEG MO at si Indigo....pareho sila

Sino ba talaga siya? Pero maaaring nagkataon lang na mag kapareho sila

Nakita ko ang pag lunok ng announcer may nakita din akong mga teacher na lumapit sa announcer lalo na ang headmistress na naka tingin kay Indigo at mukang sinusuri si Indigo

Napatingin ako sa gawi ni Indigo na nababalutan ng masamang aura
Ngayun ko lang siya nakitang ganyan ang aura

"Paumanhin sa naganap na pangyayare"wika ng Admiral na pumalit sa Announcer

"Simulan na natin ang summer fest...ngayun inuutusan ko ang mga kalahok na lumapit sa lamesang iyon at bumunot ng numiro kong anong numero ang magka pareho yun ang mag lalaban"wika ng Admiral

Agad na akong lumapit sa table at bumunot ng numero

Pagka bunot ko agad ko itong tinignan

Number 4

Nakita kong lahat sila ay naka bunot

"Okay....ang number na tatawagin ko ay pumunta dito sa harap"sabi ng admiral 

"Number 1!"wika ng admiral
Pumunta naman sa harap si Black at ang makakalaban niya ay si Blue

"Number 2!"wika ng admiral at pumunta naman sa harap si Violet at ang makakalaban niya ay si Green

"Number 3!" Agad na pumunta si Innah sa harap at si Sky ang makakalaban niya

Ibig sabihin si Indigo ang makakalaban ko

"Number 4!" Naka ngising pumunta ako sa harap samantalang si Indigo naman ay tila natauhan at napalitan ang galit niyang ekspresyon ng gulat na expression

Nang maka harap ko si Indigo isang ngisi ang pinakawalan ko at sinimulan nang alisin ang gloves ko

"Lagot ka"wika ko

~~~

Tweet me @WoohyunieMe

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon