Chapter 15

1.6K 59 0
                                    

Indigo POV

Kasalukuyan kaming nag lalakad nila Green,Blue at Sky papunta sa room nila Ivy
Dahil daw sa taas ng level ng kapangyarihan namin kaya kami lilipat 

First time daw na may nagkaruon ng puntos sa kamay nila Ivy lalong lalo na daw ang pag suko ni Ivy

Hindi ko naman natatandaan ang lahat ng mga nangyare ang natatandaan ko lang yung naging bato ako at bumalik sa dati

"Hayst lalo talaga tayo naging miserable"bulong ko sa sarili ko

"Lol pre ikaw lang yun lagot ka baka balikan ka ni Ivy tas taposin na talaga ang buhay mo"sabi ni Green

Hindi nalamang ako kumibo
Malay mo tama siya malay mo baka balikan niya ako tapoa patayin na talaga

Kasalukuyan kaming napa tigil sa tapat ng isang malaking gintong pinto na mas malaki pa sa amin

"Teka...ito ba talaga yung room nila Ivy? Dito ba talaga yung classroom nila?"tanong ko

"Baka mali yung nadaanan natin" Blue

"Tingin ko nalagpasan na natin yung classroom nila"Green

"Ito na yun"

Sabay sabay kaming napa tingin kay Sky na naka tingin din sa malaking gintong pinto

"Ito na yun? Nag papatawa ka ba Sky? Baka office to ng principal"sabi ni Green at tumalikod na

"Tama office yan ng headmaster"wika ko naman at tumalikod na din akmang mag lalakad na kami ni Green ng may mag salita

"Nandito na sila"

Parehas kaming napa tingin ni Green sa pintuan at nakita kong nandoon si Black na naka tayo at naka tingin sa amin sunod kong nakita si Innah na naka ngiti sa akin at kumaway

"Hi Indigo!"wika ni Innah at lumapit sa akin
Nag katinginan kami ni Green

"Kumusta ayus ka na ba? Ano? May masakit ba sayo?"tanong nito sa akin

"Ah....eh..."

"Innah mukang ayus lang naman siya so stay away from Indigo" napatingin ako don sa nag salita at nakita ko si Ivy na nakasandal sa pinto

Medyo nailang ako sa klase ng pag tingin nya sa akin kakaiba kasi ito yung mga titig niya parang ginagahasa ako joke para kasing sinusuri nya ako

"Ano hanggang jan nalang kayo? Sabihin niyo lang para hindi na namin kayo pag buksan ng pinto"wika ni Black

"Ehem...guys tara na"wika ni Blue napa titig ako kay Green ng makita ko si Violet sa pinto

Ang aura ni Green kakaiba parang hindi siya si Green na nakilala namin

Naunang humakbang si Sky at Blue sunod si Green huli ako at si Innah

"Alam mo ba Indigo ang galing mo pala kung alam mo lang"sabi ni Innah habang nag lalakad kami

"Ah...talaga? Salamat"sabi ko at napa kamot sa ulo

"Wag mo siyang purihin Innah baka lumaki ang ulo niya sumuko lang naman ako dahil naaawa ako sa gaya niyang nilalang"wika ni Ivy

"Sus naawa daw sabihin mo nakita mo lang sa kanya si kuya axis" bulong ni Innah kaya napa tingin ako sa kanya

"Axis? Sino yun?"tanong ko dahilan para mapatigil ang lahat

Ughm...may nasabi ba akong mali napa tingin ako kay Ivy na bigla ding natigilan sa sinabi ko

Bakit ano bang meron sa pangalang Axis?

"Ano Axis...yun yung bahagi sa solar system diba?"tanong ni Innah sa akin

"Hindi ba ito pangalan?"tanong ko

"Pwede ba? Itikom mo na ang bibig mo"sabi ni Violet at inirapan ako

"At pwede rin ba? Wag mong iirapan ang kaibigan ko" malamig na wika ni Green

"Ano bang pake alam mo kung iirapan ni Violet ang kaibigan mo?"tanong ni Black

"Ano din bang pake alam mo kung susuwayin ni Green ang kaibigan niyo na wag irapan si Indigo?"tanong ni Blue

"Manahimik nalang kayo pwede ba?"wika ni Innah

"Bat hindi mo patahimikin ang mga kaibigan mo Innah?"tanong ni Sky

Napa lunok ako kasi parang mag kakaruon ng gulo dito pansin kong kaming walo lang ang nandito wala silang ibang kaklase? Sa kanila to? Solo nito to?

"At bakit ko naman gagawin yun? May sarili silang utak"wika ni Innah kay Sky

"Oh ayun naman pala eh bat mo sila pinapatahimik kong may sarili silang utak? Tatahimik sila kung kailan nila gusto wag kang mange alam"Wika ni Sky

"Tama na guys..."hindi natapos ang sasabihin ko ng sabay sabay silang mag salita

"MAY SARILI KAMING UTAK!"sabay sabay nilang wika kaya napa lunok ajo

Ano ba tong mga kasama ko?
Bakit napaka seryoso nila?

"Kayo lang ba dito? "Tanong ko

"Hindi ba halata?"sarkastikong wika ni Ivy

"Hindi kasi ang laki nito para sa inyo lang ilan ang teacher niyo?"tanong ko

"Sampu"sagot ni Innah

"Madami ba silang tinuturo?"tanong ko

"Malamang tinwag pa silang teacher kong hindi naman sila nag tuturo bobo mo"Black

*blaggg

Napa tingin kaming lahat sa gawi ni Blue

"Wag na wag mong sasabihing Bobo si Indigo kahit babae ka papatulan parin kita"wika ni Blue

"Kaso wag nalang kasi turo ni mama wag daw akong papatol sa babae kaya sige asarin mo na si Indigo"wika ulit ni Blue agad namang may papel na lumanding sa muka ni Blue mula kay Green

Akmang mag sasalita na si Blue ng may pumasok na babae sa room namin isa siyang teacher dahil sa uniform niya

"Good day class lalo na sa inyo Mr Indigo hope na mag kasundo kayo nila Ms Ivy dito by the way wala tayong klase kasi sabi ng headmistress mag hahanda daw kayo para sa Omega party na gaganapin sa huwebes"wika ng teacher lalo tuloy akong na excite at na curious tungkol sa Omega party na yan ano bang meron don?

"Dahil kayo ang first section pangungunahan niyo ang buong academy mag usap usap kayo about sa omega party ngayun kung hindi niyo pa alam ang omega party pwede kayo mag tanong kay Ivy"sabi nito

"Ang mga damit na kakailanganin niyo ay nasa rooms niyo na dapat hindi kayo mahuli dahil kayo ang mangunguna sa buong academy"wika nito muli

Ano ba kasi yung omega party parang ang ganda ata non

"Ivy ikaw na ang bahala kila Mr Indigo ipaliwanag mo nalang sa kanila kung anong meron at dapat nilang gawin sa Omega Party"wika nito bago lumabas pero muli siyang pumasok dahil may nakalimutan ata sabihin

"And choose your angel and devil "
Wika nito bago lumabas

Angel and devil? Ano yun?

~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon