Chapter 44

1.1K 38 2
                                    

Blue POV

"Mahal ko kayo guys sana ganon din kayo"

Lalo akong naiyak sa sinabi ni Axis sa amin

Napa pikit nalamang ako para hindi makita ang mga susunod na mangyayare

Para ko nang kapatid si Axis
Lagi siyang nanjan para  sa akin
Lahat ginagawa niya para mapasaya ako nong panahon na malungkot ako

Hindi ko mapigilan at matiis kaya naman muli kong dinilat ang aking mga mata at ng maidilat ko ito nakita kong umiilaw ang katawan ni Axis sabay non ang pag kukulay asul ni Ivy

Para akong nanunuod ng palabas ang kaso harap harapan kong masasaksihan kong pano mawawalan ng buhay ang matalik kong kaibigan

Naging ginto ang katawan ni Axis samantalang naging kulay Dilaw naman ang kay Ivy napa tingin ako sa mukha ni Axis

Lumuluha siya habang binubuhay si Ivy
Ganon  niya kamahal si Ivy
Ni hindi ko alam na ang Indigo na nakasama ko ay si Axis na mahal ni Ivy na handang magbuwis ng buhay para sa mahal niya

Napaka swerte ni Ivy kay Axis
Kung ako nalang sana ang may kapangyarihan na gaya ni Axis ako na mismo ang bubuhay kay Ivy at hindi na kailangan pang si Axis ang mag buwis ng buhay niya

Lalo ako naiyak ng maalala ko lahat ng mga masasayang ala-ala na nagawa namin kasama si Axis

Hindi ko lubos maisip na mangyayare ang mga ito
Hindi ko inakala na may sakit pala siya at mas lalong di ko inakala na magagawa niyang ialay ang buhay niya para sa babaeng mahal niya
Napaka swerte ni Ivy dahil isang Axis ang inibig niya

Napa tayo ako ng makita ko ang paa ni Axis na unti unting nawawalan ng kulay

"Axis!" Sigaw ko at akmang lalapitan siya ng pigilan ako ni Green pilit akong lumalapit kay Axis ngunit pilit din nila akong pinapa kalma

Hindi ko kaya...hindi ko kayang makita ang kaibigan ko na mamamatay

"AXIS PRE TAMA NA!"sigaw ko nakita ko kung pano unti unting mawalan ng kulay ang buong katawan ni Axis hanggang sa ang ulo at kamay nalang nito ang may kulay

"PRE! AXIS!!" Sigaw ko at pilit na kinalas ang pagkakahawak nila sa akin

Lumingon sakin si Axis at ngumiti na bagay na lalong nag paiyak sa akin

"PRE TAMA NA!"sigaw ko isang patak ng luha ang kumawala sa mata ni Axis bago siya tulayang nawalan ng kulay
Senyales na kumalat na ang lason sa katawan niya

Malakas kong tinabig ang mga kamay nila at dali daling sinalo ang katawan ni Axis

Mula sa paa hanggang sa ulo
Wala na itong kulay ang pula niyang labi ay nawalan ng kulay ang puti niyang balat ay nawalan ng kulay

"Axis pre"wika ko at tinapik ang pisngi niya

Nag uunahang tumulo ang mga luha ko ng hindi minulat ni Axis ang mga mata

"Pre yung pangako mo pala sakin pre tang ina di mo tinupad pre idilat mo ang mata mo"wika ko ngunit sadyang wala na talaga siya

Tumingin ako kay Green

"Pre gisingin mo nga si Axis"wika ko umiwas lang siya ng tingin saka tumulo ang mga luha niya

"Hoy Green ikaw lang ang nakakapag pagising kay Axis Tang ina pre gisingin mo siya"wika ko

"Blue tama na"Violet

"Kuya"Innah

"Hindi tang ina gigising pa si Axis alam ko yun pre gising tara mag lalaro ka pa sa last game mo"wika ko at tinapik tapik si Axis

"Kailangan na nating ilayo si Axis bago gumising si Ivy"Wika ni Sky

"Tang ina wag niyo sabihing gagawin niyo ang inutos ni Axis saatin? Tang ina di pa siya patay mga gago ba kayo?"galit kong tanong

"Blue makinig ka! Inalay ni Axis ang buhay niya para kay Ivy kaya sana naman --"

"Tang inang buhay yan MAMAMATAY DIN NAMAN YANG IVY NA YAN BAKIT BA KAILANGANG MAG ALAY PA?!"sigaw ko at muling tinapik at inalog ang walang kulay na katawan ni Axis

"Tang ina pre GISING NA HOY! "sigaw ko pero wala talaga

"Blue tara na malapit nang magising si Ivy"Black

"Hindi putang na"

"Sorry pre kailangan ko tong gawin"Wika ni Green at may kung anong ibinato sakin dahilan para mahilo ako at mawalan ng malay

3rd Person POV

Gaya ng huling habilin ni Axis
Inilayo nila Sky,Green at Black ang katawan ni Axis kay Ivy bago pa man ito magising
Samantalang naiwan naman sila Violet Innah at si Blue na walang malay sa kwarto ni Ivy

Pinipilit nilang pigilan ang pag iyak pero sadyang napaka sakit ng nangyare sa kanilang lahat

Gaya ng habilin ni Axis kay Violet tinanggal ni Violet ang ala-ala ni Ivy  na kasama niya si Axis

Unti unting binuksan ni Ivy ang kanyang mga mata
Unang nakita ni Ivy si Violet na naka ngiti sa kanya

"Violet"wika ni Ivy

"Tumitig ka lang sa aking mga mata Ivy pag masdan mo lang ang aking mga mata at sumunod sa aking mga sasabihin" nang aakit na wika ni Violet

Unti unting na hypnotize si Ivy

"Ako si Ivy"

"Ako si Ivy"

"Ay kakalimutan na"

"Ay kakalimutan na"

"Si Axis "

"Si Axis "

"Sa buhay ko"

"Sa buhay ko"

"Elfonternio Zantaver lonterla"

"Elfonternio Zantaver lonterla"

Unti unting nawalan ng malay si Ivy dahil sa pag hi-hypnotize ni Violet sa kanya

At ginawa naman ni Green ang kabaong ni Axis batay sa gusto nitong desenyo kahit masakit kay Green ay ginawa niya parin ang kabaong ng kaibigan niya

Samantalang sinunod naman ni Black ang paki usap ni Axis na makipag ayus kay Ivy

Habang si Blue naman ay naging matigas ang damdamin para kay Ivy
Ni hindi niya sinunod ang utos ni Axis na ilibing siya sa tabi ng lawa sa maka tuwid walang ibang ginawa si Blue kundi ang mag kulong sa kwarto at mag embento ng mga potion

"Blue wala ka parin bang balak na ilibing si Axis?"tanong ni Innah kay Blue

Hindi siya sinagot ni Blue

"Bro kailangan na natin siyang ilibing kung hindi kukunin siya ng mga--"

"Kayo na mag libing sa kanya"malamig na wika ni Blue

"Guys! Look ako daw yung--" hindi natuloy ni Ivy na kakarating lang ang sasabihin niya ng mag salita si Blue

"Pwede ba?lumabas na kayo sa kwarto ko? Nag papasikip lang kayo dito"malamig na wika ni Blue at masamang tinignan si Ivy

"Hindi mo ba nakikita ang naka paskil sa pinto ko? Bawal pumasok ang mga kulay Pink ang buhok dito"madiin na wika ni Blue at tinignan ang mga kaibigan niya

"Lumabas na kayo bago ko pa kayo masaktan"nakaka takot na wika ni Blue kaya dali daling lumabas ang lahat

Naiwang mag isa si Blue sa kwarto niya
Huminga ng malalim si Blue at umupo saka tumingin sa bintana

"Makaka hanap din ako ng makakapag pabuhay sayo"wika niya sa sarili

Saka tumingin sa isang kwarto na naka lock
At protektado ng mahika

"Mabubuhay ka pangako yan"

~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon