Chapter 42

879 32 0
                                    

Blue POV

"Ano nahanap niyo na ba?"tanong ko

"Hindi pa nilibot na namin ang buong academy pero wala kaming nakita"sagot ni Green

"Galing na kami sa loob wala din kaming nakita"sagot nila Innah at Black

"Kung wala sila sa buong academy nasan sila?"tanong ni Violet

"Sa lumang hospital"wika ko dahilan para tumingin sila sa akin

Agad kaming tumakbo papunta sa lumang hospital at agad na hinanap sila Sky at Axis

Hindi pwedeng mangyare ang iniisip ni Sky

Axis POV

"Ano?....may...may sakit ako?"tanong ko

"Narinig ko sila Green pinag uusapan nila ang sakit mo kaya ka nawalan ng malay dahil sa sakit mo"sabi niya at tumingin kay Ivy

Napa tingin ako kay Ivy at naluha
Bakit may hadlang pa?

"Axis....alam kong mahal mo si Ivy alam kung lahat kaya mong gawin para sa kanya kahit ang mag buwis ng buhay alam kong gagawin mo"wika ni Sky

Napa tingin ako sa kanya sabay ng pag lingon ko ang pag tulo ng luha ko

"Axis kahit ngayun lang....kahit ngayun lang parang awa mo na gusto ko pang makasama ang kapatid ko
Gusto ko pang makasama si Ivy "wika niya sabay non ang pag tulo ng luha niya

Tinignan ko siya ng maigi
Batid sa kanyang emosyon ang lungkot at pangungulila kay Ivy

"Sobrang tagal kong hinintay na maging malapit kami ni Ivy sa isa't isa kaya Please Axis nag mamakaawa ako sayo buhayin mo-mo si Ivy"nag mamakaawa niyang pakiusap sa akin

Napa tingin ako kay Ivy

Kahit ngayun lang Axis

Walang lugar ang mga Darknians na gaya  niyo sa mundong ito

May sakit ka Axis

Napa pikit ako at napa yuko

Alam kong gagawin mo ang lahat para kay Ivy kahit na ang mag buwis ng buhay

Napa hawak ako sa kamay ni Ivy at hinalikan ito

Gagawin ko....bubuhayin ko si Ivy kahit na ang buhay ko pa ang kapalit madami pang nag mamahal kay Ivy madami pa siyang magagawa sa mundong ito kahit na wala ako

"Please"rinig kong wika ni Sky kaya bumaling ako ng tingin sa kanya at tumango tango

"Gagawin ko"wika ko dahilan para ngumiti siya

"Salamat"

Binalik ko ang tingin ko kay Ivy
Saka muling hinalikan ang kanyang kamay

"Mahal ko patawad.... Patawad kong mawawala ako ulit...ni hindi ko alam kung kailan ako makaka balik mahal ko"lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Ivy

"Mahal ko alam kong pagod ka na....pero madami pang nag mamahal sayo mahal ko kaya please wag ka sumuko ha sa pangalawang pag kakataon please itama mo lahat ng pag kakamali mo" lalong lumakas ang pag bagsak ng mga luha ko ng maalala ang masasaya naming memorya

"Mahal ko.... Mahal ko sana mapatawad mo ko sa gagawin ko iiwan nanaman kita pero kahit na wala ako sa tabi mo lagi akong naka bantay kahit saan ka pumunta"wika ko at may nilabas sa bulsa ko

Ngumiti ako ng makita ko ang singsing na binigay sa akin ni Mama para kay Ivy

Naka ngiti ngunit umiiyak ko itong isinuot sa kamay ni Ivy saka ko muling hinalikan ang kamay ni Ivy

"Mahal na mahal kita mahal ko...."
Ipinikit ko ang aking mga mata habang hawak parin ang kamay ni Ivy saka nag focus

Palakasin ang diwa
Panatilihing bukas ang iyong kalooban
Sa hirap o ginhawa ika'y aking kasama
Pangako ko man ay mapako asahan mong kaligayahan na hindi mo naranasan habang nasa tabi mo ako ay iyo nang makakamtan
Hindi man kita kasama lagi naman kitang babantayan
Mahal na mahal kita Ivy gumising ka na mahal ko

Sky POV

Unti unting umilaw ang katawan ni Axis habang hawak ang kamay ni Ivy
Hanggang sa unti unting nag kukulay ginto ang buong katawan ni Axis

"Axis!"

Napa lingon ako sa may pinto at nakita si Blue na agad tumakbo palapit kay Axis at hinila palayo kay Ivy

Binuksan ni Axis ang kanyang mga mata at naguguluhang tumingin kay Blue

"AXIS ANO BANG GINAGAWA MO?!"sigaw ni Blue

"TARANTADO KA!"agad na hiyaw ni Green sakim at sinuntok ako

Agad na umawat sila Black Innah at Violet kay Green

"Tama na "Violet

"AXIS IKAKAMATAY MO ANG GAGAWIN MO!"sigaw ni Blue kay Axis

"AYUS LANG! AYUS LANG NA AKO ANG MAMATAY KESA SI IVY!----"
agad na sinuntok ni Blue si Axis dahilan para matilapun ito sa sahig

Agad na hinawakan ni Blue sa kwelyo si Axis at Inalog

"GUMISING KA! GUMISING KA PRE! "

"TAMA NA! GUSTO KONG BUHAYIN SI IVY! BUHAY KO TO AT WALA KAYONG MAGAGAWA! MAS GUSTO KO PANG MABUHAY SI IVY KESA SA MAWALA SIYA!"sigaw ni Axis kay Blue at tinulak ito

Agad na umawat sila Innah at Black sa dalawa

"Kita mo kung anong ginawa mo?"tanong ni Violet sakin at umiling

Umiwas ako ng tingin

"Kuya" nang hihinang wika ni Innah kaya napa tingin kaming lahat sa kanya

"Kuya yung kamay mo" napa tingin kaming lahat sa kamay ni Axis

"Shit!"

Unti unting nawawalan ng kulay ang maliit na bahagi ng kamay ni Axis

"WAG MONG SABIHING SINUBUKAN MO NANG BUHAYIN SI IVY?!"sigaw ni Blue na halata sa kanya ang takot

"Kuya..."

"SHIT!"

~~
Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon