Chapter 17

1.5K 62 2
                                    

Indigo POV

"Hoy Green sinong Angel mo?"tanong bigla ni Blue kay Green na inaayus ang damit niya

"Si Fiona"sagot ni Green at tumingin sa amin

"Bagay ba?"tanong ulit nito sa amin tumango nalang kaming lahat

"Pre bat si Fiona? Dapat si Violet"wika ni Blue

"Gago diba galit si Green don bobo mo talaga"wika ko naman at napa iling

"Ikaw naman Sky sinong Angel mo?"tanong ko

"Kapatid ko"sagot nito napa tango nalang ako

Matapos kasi sabihin ni Ivy na ako ang Devil niya hindi pumayag si Innah dahil siya daw ang unang niyaya ko para maging Angel ko nag away pa nga yung dalawa pero sa huli si Innah ang nanalo kasi si Innah yung pinili ko

Hindi naman sa ayaw ko kay Ivy ang awkward kasi kapag si Ivy ang angel ko eh natalo ko nga siya baka sabihin ng ilang studyante dito na pasikat ako ayoko nga

"Ikaw Blue sinong Angel mo?"tanong ni Sky

"Tinatanong pa ba yan? Syempre si Black loyal ako kay Black no"wika ni Blue

"Maka loyal akala mo naman sila"bulong ni Green

"Gago naiinggit ka lang sakin kasi gwapo ako"wika ni Blue napa iling nalang kaming lahat sa sinabi niya

"Matulog ka na nga malayo pa ang huwebes "wika ni Sky at nag bato ng unan sa derektion ni Blue

Tama lunes palang ngayun malayo layo pa ang araw ng omega party

Humiga na ako sa aking kama at pinikit ang aking mga mata

~~

H U W E B E S
(ARAW NG OMEGA PARTY)

Kasalukuyan kong inaayus ang aking damit at pabalik balik na ako sa salamin para lang makita kong may dumi ba ito o wala kung bagay ba ito o hindi

"Oh Indigo maskara mo"wika ni Blue sabay hagis sakin ang kulay Indigong Maskara

"Salamat"sabi ko sabay suot nito sa mukha ko

"Tara na guys excited na akong maka sayaw si Black balita ko sasayaw daw tayo"wika ni Blue habang sumasayaw sayaw na

"Hayst oo nga pala teka nasan na ba si Green?"tanong ko

"Nasa CR may LBM ata ahahahaha"wika ni Blue habang natawa

"Gago"rinig kong wika ni Green sa CR

"Wow Indigo ang gwapo mo...alam mo may kamukha ka"wika ni Sky sa akin

"Bakla ka na niyan?"tanong ni Green na kakalabas lang sa CR

"Hindi nga may kamukha siya"wika ni Sky habang titig na titig sa akin

"Sino?"tanong ko

"Si Pokwang"Blue

"Gago si Diego pre yung mahaba yung nguso"Green

"Mga pakyo kayo"wika ko at ngumiti nalang

"Kamukha mo siya...kamukha mo siya"Sky

"Sino nga?!"

"Si Tekla"

"Putang ina mo"sabi ko nalang at lumabas na mg room

Trip nanaman nila ako shit lagot sila sakin mamaya sa party

Lumabas na din silang tatlo matapos ang tawanan nila sa loob
Sabay sabay kaming nag lakad sa hallway

Habang nag lalakad kami hindi ko maiwasang hindi mailang sa mga nakikita kong studyante kahit kasi naka mask kaming tatlo pakiramdam ko kilala parin nila kami
Kami lang naman kasi ang nag lalakad sa hallway ng sabay sabay haloa walang bubuwag sa aming apat kung may nakaharang man sa daan namin ay tumatabi sila

"Sila Indigo ba yan?"

"Ang gwapo nila!"

"Wahhh ang swerte ng mga nakakasayaw nila!"

"Oo nga! Sana maka sayaw ko din sila!"

"Brad mukang pinag papantasyahan tayo"wika ni Blue kay Green

"Oo nga eh ang hirap maging gwapo"wika naman ni Green at hinawi pa ang buhok dahilan para mapatili ang mga nadadaanan namin

Napa iling nalang kami ni Sky at nag lakad na lang

Nag lakad lang kami hanggang sa makarating kami sa court kung saan gaganapin ang party

Sabi nila mamayang hating gabi pa daw bababa ang dyosa kaya buong gabi kaming gising kinabukasan naman wala kaming pasok

Umakyat na kami sa hagdan para makapasok sa entrance  sabi nila No Mask no Entry kaya naman iningatan ko ang mask ko para makapasok dito curios kaya ako

Tumungo kaming apat para mag bigay galang sa headmistress na nag aabang sa entrance ngumiti lang siya sa amin kaya pumasok na kami

Pag tingin namin sa loob sumalubong sa amin ang masayang aura ng buong hall lahat ng studyante ng White Tiger Academy ay nag sasaya sa loob nag sasayawan nag tatawanan at may nag kwekwentuhan

"Grabe ang ganda"wika naming apat ng makita ang buong loob ng court
Sobrang ganda kung iisipin para itong royal party
May mga fairy na palipad lipad sa ere
May mga  White Witch na  nag se-serve ng pagkain

"Mga brad ito ang tunay na Heaven"wika ni Blue sabay tingin kay Green

"Brad alam mo ba kung anong nasa isip ko?"tanong ni Green habang naka ngiti ng nakakatakot shit may balak ang dalawa

"Alam na alam "wika naman ni Blue sabay ngiti ng nakakaloko

"Kayo sama kayo?"tanong ni Green sa amin

"Kalokohan ba yan?"tanong ni Sky

"Nope its called kabadjawan"wika ni Blue at nakipag apir kay Green

"Sorry guys ayoko sa..."

"Wag KJ please ngayung gabi lang"wika ni Green

"Okay okay fine tara na"sabi ko at ngumiti akmang mag lalakad na kami ng may humarang na apat na babae sa amin

Violet,Black,Orange at Pink na gown ang suot nila

May mga maskara din sila sa mukha pero kapansin pansin ang mga buhok nila na bagsak na bagsak

Napansin ko din yung kamay ng babaeng nakasuot ng pink na gown may gloves siya sa dalawang kamay niya kaya kung hindi ako nag kakamali si Ivy ito dahil siya lang naman ang nilalang na may gloves sa kamay

Anong kailangan nila?

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon