Chapter 33

1K 33 0
                                    

Ivy POV

"Nakita kong ako ang papatay sa inyo...nakita kong ako ang papatay sayo at ako ang Magiging dahilan ng pagka wala ng  Academy"

Napa tigil ako sa sinabi niya
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago siya mag salita

"Darating ang panahon Ivy lalabas ang tunay kong kulay hindi ko ito makokontrol Ivy hindi ko makokontrol ang kasamaang namumutawi sa dugo ko"malungkot niyang wika hinawakan  niya ang kamay ko at hinalikan ito

"Darating ang panahon Ivy na magiging masama na ang tingin ko sayo darating ang panahon na magiging mag kalaban tayo"huminga siya ng malalim at tinignan ako sa mata

"Kaya gusto ko habang hindi pa dumarating ang panahon nayun...gusto kong gumawa na tayo ng masasayang ala-ala tayong lahat mag kakaibigan...gusto kong gumawa tayo ng isang ala-ala na kahit wala na ako sa tamang katinuan maaalala ko parin ito at masasabi sa sarili ko na NAGING BAHAGI KAYO NG NAKARAAN KO"

Agad na tumulo ang luha ko sa narinig
Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi

Tama siya...
Darating ang panahon na mawawala siya sa tamang katinuan
Darating ang panahon na magiging kaaway ko na siya

Pinag dikit ko ang nuo naming dalawa saka ko hinawakan ang pisngi niya

"Mapapatawad mo ba ako--"

"Shhh wag ka nang mag salita Axis...Wag na.... Dapat maging masaya nalang tayo kasi nanalo ka,panalo ka diba sabi mo kapag nanalo ka gagawa tayo ng 30 na babies? "Wika ko at pumikit

Hindi siya sumagot sa sinabi ko

"Kapag nanalo ka sa last round mag papakasal na agad tayo tapos gagawa na tayo ng mga anak natin tapos mag papaka saya lang tayong mag kakaibigan"sabi ko at niyakap siya

"Wag ka nang mag isip ng mga negatibong bagay Axis matagal pang mangyare yun"

"Pano pag bukas bigla nalang mawala sa ala-ala ko ang lahat? Pano kung bukas bigla--"

"Shhh wag ka nang mag isip ng mga negatibo Axis "

"GUYS ANO NA! TARA EAT!"masiglang wika nila Green at Blue sa amin ni Axis agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti ng pilit

"Susunod na"wika ni Axis at tumingin sakin

"Mamaya na kayo gumawa ng baby!"sigaw ni Green

Naka titig lamang ako sa mga mata ni Axis ng agad nanamang tumulo ang luha ko

"Tara na....mahalaga ang bawat segundo para sakin"pilit siyang ngumiti at pinunasan ang luha ko saka hinalikan ang nuo ko

"Gagawa tayo ng mga masasayang memorya"bulong niya at hinawakan ang kamay ko

~~

"Dahan dahan naman sa pagkain Kuya"sita ni Innah sa kuya niyang si Axis

Lumunok muna si Axis saka tumingin kay Innah at ngumisi

"Mahalag ang bawat segundo sakin Innah may gagawin pa tayo"sabi ni Axis at tumingin sakin pilit akong ngumiti kaya ngumiti din siya

"Talaga? Ano?"tanong ni Blue

"Hmm... Ahh sa labas ng Academy tara?"tanong ni Axis kay Blue napa ngiti naman si Blue ng nakakatakot samantalang si Green naman ay natigilan

"Teka iniisip niyo ba na lumabas sa academy? "Tanong ni Black

"Yup mas maganda sa labas kasi madami tayong pwedeng makita"sagot ni Blue

"Teka bawal lumabas sa academy"sita ni Violet

"Sinong nag sabing bawal? Kasama kaya natin ang pinaka masamang nilalang sa WTA" wika ni Innah at tumingin sakin kaya lahat sila napa tingin sakin

"What?"tanong ko

"Tara Labas!"masiglang wika ni Blue

"Geh geh"Green

"Ivy? Ano? Pwede ba?"tanong ni Black

Ngumisi ako

"Bawal"sagot ko at nag taas kilay
"Pero dahil isa akong pasaway pwede,madami akong alam na daan palabas ng academy"sabi ko at tumingin kay Axis

"Ano Game?"tanong ko

"Game!"sabay sabay nilang wika napa ngiti ako dahil sa Idea ni Axis pero agad din itong nawala ng maalala ko na gagawin namin ito para sa ala-ala na tanging maaalala ni Axis sa oras na mawalan na siya ng Ala-ala

Ang mga Darknians....lumalabas ang kanilang tunay na kulay sa oras na dumating ang pulang buwan at ang pulang buwan ay darating sa susunod na lingo habang palapit ng palapit ang pag sapit ng pulang buwan unti unting mawawala ang ala-ala ng darknians at mag babago ang ugali

Pero si Axis...wala pa akong nakikitang pag babago  mula sa kanya
Natatakot ako na baka bukas mag bago na siya natatakot ako na baka bukas makalimutan niya na ako natatakot ako na baka bukas kaaway ko na siya

Napatingin ako kay Axis na tuloy tuloy lang ang pagkain ng bulalo nag uunahan silang apat na maubos ang 5  bulalo na inorder nila bale silang apat umorder sila ng tiglilimang mangkok na bulalo

Iniwasiwas ko ang kamay ko para makalikha ng isang Camera kung tawagin ng mga tao
Gawa sa apoy ang camerang galing sakin

Itinapat ko ito sa deteksyon ng apat sala palihim na kinuhanan ng litrato

Bawat segundo mahalaga

Napa tingin ako sa larawan ni Axis at naluha

Kung pwede lang pigilan ang oras gagawin ko para lang hindi sumapit ang pulang buwan

"Ginamit mo ang kapangyarihan mo"bulong ni Black sakin

Napa tingin ako sa kanya at malumanay na ngumiti

"May problema ba Ivy?"tanong niya

Umiling ako

Hanggat maaari walang sinoman ang pwedeng maka alam na malapit na sumapit ang pulang buwan

Alam kong walang sinoman sa academy na ito ang nakaka alam na sasapit na ang pulang buwan sa susunod na linggo mamamalayan lang nila na sumapit na ang pulang buwan kapag umulan na ng rosas kinabukasan

Kapag may naka alam kasi na malapit nang sumapit ang pulang buwan maaaring sugurin nila si Axis at ipatapon sa labas ng academy at pag hiwalayin ulit kami

"Guys guys next week daw laban ni Axis para sa G round" Blue

Natigilan ako sa sinabi ni Blue
Oo nga pala ..pano yun?!

~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon