Chapter 12

1.4K 59 0
                                    

Sky POV

"And for our next pair....Sky and Innah"

Nag lakad na ako papunta sa gitna ng walang bahid ng takot
Kanina si Green napansin ko simula ng matapos ang laban niya kay Violet ay lagi na itong naka tingin sa derektion nila Ivy at pinigurado akong kay Violet siya naka tingin

Sa mga napanuood namin kanina doon ko lang nakita ang tunay na Green isang Green na mapag mahal na anak at Green na mapagkalinga at maalaga sa mga napanuod namin doon ko lang nalaman na may masama palang ala-ala si Green na hindi ko alam maging sila Indigo at blue hindi rin nila alam na ganon ang nangyare sa kaibigan nila dahil si Green ay mahilig mag tago ng sekreto

Nakita ko si Innah na naka ngiting naka tingin sa akin kaya ngumiti din ako ang laki ng pinag bago niya simula ng makilala niya si Indigo

Simula kasi ng mawala ang kuya niya at nalaman niya ang balitang ako ang pumatay sa kuya niya na hindi naman talaga totoo eh nag bago siya

"In 3 2 1! Fight!"

Napa buntong hininga ako at ngumiti

"Ayokong maka sakit ng isa sa mga kaibigan ni Ivy alam mo yan" wika ko ngumiti lang siya sa akin ay tumungo

"Alam ko " sagot niya at lumapit sa akin

May tiwala ako sa mga salita ni Innah alam ko yun dahil naging isa nadin ako sa mga naging kaibigan niya pero ewan ko nalang kung iba na siya dahil sa nangyare

"Salamat"sabi niya na ikinakunot ng nuo ko

" huh?"

"Pwede bang gumawa ka ng isang panangga sa loob nito? Gusto ko hindi nila marinig ang pag uusapan natin lalo na si Ivy" wika niya

Bigla akong nagulihan sa mga inasta niya
Pero kahit na naguguluhan ay sinunuod ko nalang

Gumawa ako ng isang pananggalang sa loob gaya ng sabi niya

"Salamat" ulit niya habang naka ngiti

"Salamat saan?" Tanong ko

"Darating ang araw at kayo mismo ang makaka alam" sabi niya

"Hindi kita maintindihan" sabi ko

"Alam mo galit na galit ako sayo nong panahong nalaman kong ikaw ang pumatay kay kuya" sabi niya kaya nagulat ako

"Patawad" wika ko

"Ayus lang past is past naman gusto ko lang humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan lalo na nong panahong pinag tritripan kita pasensya na" sabi niya at tumungo

"Innah ano bang nangyayare sayo?" Tanong ko

"Umpisa palang talagang iba na ang kutob ko ng makita ang bangkay na ibinigay niyo sa amin" wika niya bahagya akong napa tigil sa narinig

"Hindi rin alo maka paniwala pero salamat parin" wika niya

"Innah..."

"Sky sorry kung naging masama ako sayo non pati si Ivy nadamay pasensya na " sabi niya at bigla akong niyakap

"Innah...hindi mo naman ako papatayin hindi ba?" Tanong ko

"Hindi bakit naman kita papatayin eh gusto kong makipag bati sayo at makipag kaibigan ulit" sabi niya habang yakap ako

"Kahit na malaki ang kasalanan ko sayo?" Tanong ko

"Alam nating dalawa na wala kang kasalanan" nabigla ako sa sinabi niya

"Alam mo na?" Tanong ko at napakalas ng yakap ngumiti siya sa akin at tumungo

"Paano?" Tanong ko

"Nakita ko siya"

0___0

Agad akong napa ngiti sa sinabi niya napaka saya ko sa ibinalita niya

"Nakita mo siya? Nasaan siya? Kumusta siya? Ayus lang ba siya?" Tanong ko

Tumungo siya

"Nasa paligid siya" sagot niya kaya mas lalo akong napangiti

"Naiinis ako sayo alam mo ba yun? Kasi pinaniwala mo akong patay na si kuya yan tuloy nag away pa tayo " wika niya

"Pero alam mo kung anong mas kinaiinisan ko? Yung pinaniwala mo si Ivy na wala na siya kasi naaawa ako sa kapatid mo" wika niya

"Alam ko,naiinis din ako sa sarili ko dahil ginawa ko yun pero ayokong magalit si Ivy kila mama at papa" sabi ko

"Napaka buti mo Sky sana maintindihan ka niya" wika niya at ngumiti

"Pero ngayun kailangan ko muna itong gawin sayo" sabi niya saka ako ako sinuntok

Shit naisahan ako! Bwisit!
Unti unting naging kulay itim ang lahat hanggang sa ang huli kong masilayan ang naka ngiti at naka peace sign na si Innah

~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

A/n: excited na ba kayo sa labanang Ivy Vs Indigo? Chill lang mga bibeh! Happy reading!

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon