Chapter 38

818 29 1
                                    

Ivy POV

Taimtim kong pinag mamasdan sila Black at Innah na nag kwekwentuhan habang si Violet naman ay tahimik na naka tanaw sa bintana

"Malapit na ang last game sino mag rerepresent? Wala na siya"sabi ni Black at humingang malalim

"Nanjan naman si Ivy siya ang second place diba? Eh di siya ang mag lalaro"sabi ni Innah at tumingin sakin

Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa at hinigop ang kapeng nasa harap ko

"Kaya mo ba Ivy?"tanong ni Black sakin tinignan ko siya at ngumiti ng pilit.

"Kaylan pa sumuko ang isang Ivy na gaya ko?"tanong ko ngumiti silang dalawa maliban kay Violet na tahimik na naka tingin sa bintana

"Violet bat tahimik ka? Nag away kayo ni Green?"tanong ni Innah

Tumingin si Violet sakin saka kay Innah at Black

"Pwede bang kuhanan niyo kami ng hamburger at spaghetti please"wika ni Violet naguguluhan man ang dalawa ay sumunod nalamang sila kay Violet

Ngayung kaming dalawa nalang ni Violet ang naiwan nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya

"Alam ko ang binabalak mo"

Napa tigil ako sa sinabi ni Violet tinignan ko siya sa kanyang mga mata para suriin kong totoo ang sinasabi niya

"Wag mo nang ituloy Ivy masisira lang ang pag kakaibigan natin"wika niya at tumingin sa labas

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa labas

"Ito lang ang naiisip kong paraan para makasama sya" wika ko

*blaggg

Napa tingin ako kay Violet na masama ang tingin sa akin at naka tayo na

"Ivy napaka Selfish mo! Kaibigan mo ipag papalit mo para lang sa isang lalaking Darknians? Baliw ka na Ivy!"galit niyang wika

Napa tayo ako sa sinabi niya

"Hindi mo alam kung gano kahirap mawalay sa mahal --"

"Katangahan ang tawag don Ivy hindi na pag mamahal! Ivy buhay ng mga kaibigan natin ang pinag uusapan ipag papalit mo ang dalawang buhay ng kaibigan natin para lang maging Darknians ka? Para ano? Para makasama mo si Axis samantalang kami ano? Iiwan mo? Ivy kami ang naging mas malapit sayo kami ang tumayong kapatid mo nong panahong kailangan mo kami tapos ano? Ipag papalit mo kami para lang maging Darknians ka? Ivy napaka Selfish mo"wika niya at napa hilamos sa kanyang mukha

Halata sa kanya ang pagka galit

Malamig  niya akong tinignan sa mata

"Kung ganyan ang gagawin mo mas mabuti pang layuan na kita nakakatakot ka na Ivy hindi na ikaw ang kilala namin
Mas mabuting lumayo sayo baka sa susunod ako naman ang punteryahin mo"malamig niyang wika at nag lakad palayo sakin

Naka tingin lamang ako sa dereksyon kung saan siya nag tungo ng dumating sila Innah at Black

"Anyare? Nasan na si Violet?"tanong ni Innah

Hindi ko siya sinagot.

Tinitigan ko sila Innah at Black na naka tingin sa daan kung saan lumabas si Violet

"Innah Black"tawag ko sa kanila tumingin sila sa akin ng maka hulugan

"Pwede bang samahan niyo ako sa lumang Library? May kukunin lang ako"wika ko

Nagka tinginan silang dalawa saka sabay na tumango

Ngumiti ako ng pilit at tumingin sa ibang dereksyon

Kung selfish man ang tawag sa gagawin ko pwes wala na akong pake- alam ang mahalaga lang ay makasama ko si Axis sa madali o mahirap mang paraan.

Axis POV

"Haluin mo lang ng haluin yan Axis hanggang sa Maging kulay Pula ang tubig"wika ni Astro habang may ginagawa sa tabi ko

Tinutulungan ko siyang gawin ang potion na pwedeng makapag bago sakin sa oras na sumapit ang pulang buwan.

Para kay Ivy gagawin ko ang lahat para makasama siya muli

"Axis sabihin mo nga sakin bakit ba gustong gusto mong maging Whitenians? "Tanong bigla ni Astro

Napa tigil ako sa tanong niya at napa ngiti

"Dahil sa isang babae"sabi ko at pinag patuloy ang ginagawa ko

"Si Ivy?"tanong niya

Lalong lumawak ang ngiti ko ng marinig ang pangalan niya

"Oo"sagot ko

"Hayst pumapag ibig na talaga si Axis mahfred teka pwede na yan"wika niya kaya tumigil na ako sa pag halo

"Asan na yung Gintong mata?"tanong niya

Agad kong nilabas ang hinahanap niya at binigay sa kanya

Ngumuti siya saka tumingin sakin

"Sa isang iglap matutupad mo na ang pangarap mo"sabi niya at inilagay amg gintong mata sa pulang tubig

Naging ginto ang pulang tubig . nag lagay pa siya ng ilang sangkap at nag bigkas ng isang salita na hindi ko maintindihan

Kumuha siya ng isang lalagyan at kumuha ng tubig mula sa ginagawa nya

Tumingin siya sakin at ngumiti

"Sa oras na inumin mo yan magiging whitenians ka na pero paalala lang hindi porket naging whitenians ka hindi ka na babalik sa pagiging Darknians sa oras na magalit ka ng sobrang sobra babalik ka sa dati at kahit kailan hindi ka na magiging whitenians pa"wika ni Astro at binigay sakin ang hawak niya

"At isa pa pala tanging tunay na Darknians lang ang napapabago niyan hindi niya na mapapa bago ang isang nilalang kung gumamit siya ng isang black magic"wika niya kaya kumunot ang nuo ko

"Huh?"tanong ko

"Kapag ang isang whitenians naging Darknians dahil sa isang Black Magic kahit kailan hindi na siya magiging Whitenians pa maliban nalang kong papatayin siya"wika niya habang may ginagawa

Bigla akong kinutuban sa sinabi ni Astro at napa kunot ng nuo

"Hindi Axis makinig ka meron tong patutunguhan...pwede tayong mag sama basta hayaan mo lang akong gawin ang naiisip ko.."

"Ivy..." Bigla kong nabanggit ang pangalan ni Ivy at dali daling lumabas sa bahay ni Astro at tumakbo papunta sa WTA

Kilala ko si Ivy gagawin niya lahat para makuha ang gusto niya...
Hindi pwede kailangan ko siyang mapigilan

Alam kong gagawin ni Ivy ang nasabi ni Astro...kailangan ko siyang pigilan bago pa niya magawa ang naiisip niya

~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon