Chapter 16

1.5K 58 3
                                    

Indigo POV

"Ano ba yung Omega Party?"tanong ko kasalukuyan kaming nag uusap usap tungkol don sa party daw na gaganapin

"Ang Omega party ay isang kasiyahan kung saan pinag diriwang ang kaarawan ng Dyosang si Annex dyosa ng tubig tuwing sasapit ang Omega party bumababa ang Dyosa ng tubig dito sa lupa para ipag diwang ang kanyang kaarawan dito mismo sa WTA nag diriwang ang dyosa"wika ni Innah

"Ibig sabihin bababa ang dyosa at mag tutungo dito sa academy para maki saya sa atin?"tanong ko

"Paulit ulit?"Violet

"Nag tatanong siya ng maayus sagutin mo ng maayus hindi tanong"malamig na wika ni Green

"Commonsense naman kasi sa kaibigan niyo"Black

"Wala kasing commonsense kaibigan namin sense of humor lang kasi meron siya"Blue

"Ang ingay niyo"Innah

"Ang gulo mo kasi mag turo"Sky

"Manahimik kayo"Ivy

"May sarili silang utak"Wika ko kay Ivy sinamaan niya lang ako ng tingin

"Bababa ang Dyosa at mag tutungo dito sa academy sa Omega party ang dyosa ang bida kung papalarin ka pwede mong makausap ang dyosa "Black

"Pwede ka ring humiling sa dyosa kung sakaling may nagawa kang kabutihan "Violet

"At higit sa lahat may isang ritwal na gagawin kung sakaling ang dyosa ay natuwa "Ivy

"May na sampolan na ba non?"tanong ko

"Madami na "Ivy

"Ano naman yung Angel at Devil? Para saan yun?"tanong ko

"Ang Angel at Devil ay para yun sa mag kakapareha bawat studyante dito sa academy ay gagawin ang angel at devil ang angel ay para sa mga babae at ang devil para sa mga lalaki "Innah

"Para saan yun? I mean anong gagawin non?"tanong ko

"Ang dyosa ay pipili ng isang mag kapareha na siyang uupo sa tabi niya kunwari ako ang dyosa at ikaw at si Ivy ang angel at devil at kayong dalawa ang napili ko uupo kayo sa tabi ko"sabi ni Innah

"Yun lang?"Green

"Hindi dahil ang kung sino mang mapili ng dyoso na umupo sa tabi niya ay mag kakatuluyan at pinag papala"Innah

"Ibig sabihin madami nang napili ang dyosa?"tanong ko

"Hmmm meron na ba?"tanong ni Innah kay Violet

"Wala pa"sagot nito

"Huh? Bakit naman? Hindi ba't taon taon ipinag diriwang ang omega party?"Blue

"Ang dyosa kapag pumili sinisigurado niya ang nakaraan ng bawat siya hindi siya basta basta pumipili ng mag kapartner"sabi ni Innah

"Bakit ano bang mangyayare kapag pumili ang dyosa ng pares na hindi siya sigurado?"tanong ko

"Mamamatay ang isa sa pares na napili nya"wika ni Ivy kaya napa tingin ang lahat sa kanya

"Ivy..."

"Kasalanan niya kung bakit namatay si Axis"malamig nitong wika na nag pakunot sa nuo ko

"Ibig sabihin yung Axis..."

"Tama na tara na Ivy"wika ni Violet at hinila si Ivy palabas ng room namin napa tingin ako sa mga kasamahan namin dito lahat sila nalungkot ang mukha maliban sa amin nila Blue at Green

"Mag handa na kayo nasa room niyo na ang susuotin niyo kami nang bahala dito"wika ni Innah at ngumiti sa akin

"Ano...ughm...Innah pwede ba kitang maging angel sa party?"tanong ko

"Sige ba kuya basta ikaw"wika nya

Kumunot ang nuo ko sa tinawag niya sa akin

"KUYA?"tanong ko natigilan naman siya bigla sa tanong ko

"Kuya...ano kasi...mas matanda ka diba?"tanong niya

"Ughm...siguro"sabi ko at tumayo na

"Sige una na ako"sabi ko alam ko namang doon muna mag stay sila Green 

Ng maka labas na ako inayus ko ang damit ko at akmang hahakbang na ng may narinig akong usapan

"Tama na Ivy...wag ka nang umiyak "rinig kong si Violet ang nag sasalita
Teka umiiyak si Ivy? Si Ivy na kinakatakutan ng lahat?

"Violet...miss ko na siya miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin,halikan at batukan"rinig kong wika ni Ivy

"Tama na Ivy hindi ba't sabi mo nakikita mo siya kay Indigo? Baka naman Ivy si Indigo talaga si Axis...baka naman..."

"Anong ako si Axis?"singit ko sa dalawa halatang nagulat sila sa biglaang pag sulpot ko tumalikod si Ivy at pinunasan ang mga luha niya
Samantalang si Violet naman kunot nuong naka tingin sa akin

"Ano ba?! Usapan to para sa mga babae babae ka ba?!"sigaw ni Violet sa akin

"Pero narinig ko ang pangalan ko ako ang pinag uusapan niyo bakit?"tanong ko

"Wala ka nang pake alam don..."

"Meron siyang pake alam dahil pangalan niya ang pinag uusapan niyo"napa tingin ako sa likod ko at nakita si Green na masama ang aura kay Violet

Bigla namang napatigil si Violet sa biglang pag sulpot ni Green

"Bakit siya lang ba ang Indigo sa buong academy na to?"singit ni Black na kararating din

"Oo dahil si Indigo lang naman ang nag iisa ditong I sa buong academy"wika naman ni Blue

"Isa pa  unique kaya pangalan niya"dugtong nito napa irap nalang si Violet

"Tama na sorry kung pinag uusapan ka namin "nabigla ako sa pag sabi ni Ivy ng Sorry sa akin pa mismo

"Nag tataka lang naman ako kung bakit ako ang pinag uusapan niyo"wika ko

"Hindi mo maiintindihan...tama na bumalik ka na sa kwarto niyo kayong lahat umalis na kayo"malamig nitong wika

Napa tango nalang ako at akmang hahakbang na nang mag salita si Ivy

"Hoy Indigo ako ang angel mo at ikaw ang devil ko tandaan mo yan ako ang partner mo at ikaw ang partner ko tayong dalawa ang mag partner TAYO"madiin nitong wika

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon