Chapter 32

1.1K 36 0
                                    

Ivy POV

"Nice one! Manlilibre si Axis!"sigaw ni Blue napa irap ako sa hangin habang may ngisi

"Oy diba 30 daw na baby ang gusto niya?"biglang singit ni Kuya Sky kaya natigilan ako

"WTF " mura ko at tumingin kay Axis na seryoso ang titig sa daan
Kumunot ang nuo ko sa nakita ko bakit ganyan reaction niya? Di ba siya na sisiyahan na nanalo siya sa second round?

"Bago ang lahat mga guys si Green may sasabihin daw"sabi ni Blue kaya napatingin ako kay Green na nasa tabi ni Blue

Naka titig lamang kaming dalawa kay Green

"Ano kasi--"

"Sabihin mo na kasi!"biglang sabi ni Blue at binatukan si Green

"Ano ba kasi yun?"tanong ni Black

"Ano....gusto ko lang sabihin na---"

"Hayst ang bagal mo naman kasi mag sali--"

"Pano  niya ipag papatuloy ang sasabihin niya kung salita ka ng salita?"wika ni Innah at binatukan si Blue

Nag pout nalang si Blue

"Gusto kong sabihin na....sorry" biglang tumungo si Green at namula ang pisngi

"Ngayun ka lang ba nakapag salita ng Sorry?"wika ni Violet at umirap

"Shhh ano ba seryoso kasi si Green"wika ni Blue kay Violet

Huminga ng malalim si Green at tumingin ng deretso kay Violet dahilan para mailang si Violet

"Sorry"seryosong wika ni Green kay Violet

"Sorry kung nahusgahan kita....sorry kung sinisisi kita sa lahat .. Sorry kung pinapakita ko ang dark side ko sayo...sorry kung hindi ako nakinig sayo"wika ni Green kay Violet

Biglang namula si Violet sa sinabi ni Green

"Gusto kong...malaman ang lahat...ng nangyare"wika ni Green

"Pwede ba? Kumain muna tayo? "Singit ni Blue kaya natawa kami

"Panira ka talaga"wika ni Black at umirap

"Tara na Green bro welcome back!"sigaw ni Blue at sinontok si Green

"Gago pre tara kain! Hoy Axis tara! "Masayang wika ni Green

"Susunod ako" napa tingin ako kay Axis na seryoso parin ang aura

Nag lakad na sila palayo samin ngayun kaming dalawa nalang ni Axis ang natira

"May hindi ka sinasabi sakin"bigla kong wika kaya napa tingin siya sakin

"Wala.... May naalala lang kasi ako"wika niya kaya napa buntong hininga ako at tumingin sa kanya saka hinawakan ang kamay niya at pisngi

"Ayus ka lang ba? Kanina ka pa tahimik....ako ang natatakot sayo"sabi ko

Ngumiti siya ng mapakla at hinawakan ang kamay ko saka ang pisngi ko

"Naniniwala ka ba sa Destiny?"tanong niya kaya napa ngisi ako

"Oo naman naniniwala ka bang ikaw ang destiny ko?"ngisi kong wika napa ngiti siya ng mapakla kaya kumunot ang nuo ko

"Hindi Ivy....nag kakamali ka...hindi ako ang destiny mo"wika niya kaya kinabahan ako

"Anong ibig mong sabihin? "Tanong ko

"Ivy.....hindi tayo para sa isa't isa"

"Manahimik ka Axis tayo ang para sa isa't isa--"

"Pinipilit lang natin na maging tayo sa isa't isa pero ang totoo hindi tayo ang para sa isa't isa"

"Pano mo naman nasabi ang mga yan? Axis wala akong gana makipag biruan"madiin kong wika

"Whitetanian ka at  darknians ako maling mali Ivy"

"So ano Axis? Bakit ka ba nag kakaganyan?"

"Hindi tayo bagay para sa isa't isa Ivy"

"Tumugil ka Axis" agad tumulo ang luha ko

Agad niya naman itong pinunasan

"May nakita ka ba sa Future kaya ka nag kakaganyan?" Tanong ko

Natigilan sya sa sinabi ko

Tama nga ako

"Pwes kung ano man ang nakita mo sa simulator hindi yun mag kakatotoo dahil simulator lang yun at kathang isip hindi mangyayare ang mga nakita mo"wika ko at hinawakan ang kamay niya

"Axis mangako ka sakin hinding hindi mo na ako iiwan pang muli Axis wag mo na akong iwan ulit"

Hinigit niya ako para mayakap sala hinalikan ang nuo ko

"Nakita kong.... Mamamatay kayong lahat"

Natigilan ako sa sinabi nya lalong humigpit ang yakap ko sa kanya

"Nakita kong mawawala ang Academy .... Nakikita kong mawawala kayong mga maibigan ko...nakita kong mawawala ka"wika niya

Naramdaman kong may tumulong luha galing sa kanya

"Ayokong mawala ka Ivy... Ayokong mawala kayong lahat"

"Hindi mangyayare ang mga nakita mo Axis sino naman ang magiging dahilan kung bakit kami mawawala?"wika ko at kumawala sa yakap niya saka tinitigan siya at  pinunasan ang luha niya

"Ako"seryoso niyang wika kaya natigilan ako

Hinawakan niya ang kamay kong naka hawak sa pisngi niya saka ako tinitigan ng seryoso

"Nakita kong ako ang papatay sa inyo...nakita kong ako ang papatay sayo at ako ang Magiging dahilan ng pagka wala ng  Academy"

~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon