Chapter 13

1.5K 62 2
                                    

Indigo POV

2 - 1 ang score namin mas lamang ang grupo nila Ivy kesa sa amin dapat hindi ako matalo sa laban na ito ako kapag nanalo ako tabla ang score parehas kaming panalo pero pano ako mananalo kung wala akong kapangyarihan? Hindi ko rin alam ang kahinaan niya

Tama... Utak nalang ang papaganahin ko para malamangan siya ang sabi ni Sky ang kamay ni Ivy ay kayang gawing bato ang isang nilalang kailangan kong iwasan ang kamay niya para tumagal ang laban saka ako aatake basta ako nang bahala

"And for our last pair....Ivy Vs Indigo"

Nag punta na ako sa gitna ng may kalmadong muka kinakabahan ako sa mangyayare
Gusto ko pang umabot don sa sinasabi nilang Mega party daw

Nakita ko si Ivy na may ngisi sa kanyang labi habang tinatanggal ang gloves niya shit bakit pakiramdam ko bigla nalang akong kinabahan ng todo?

Kaharap ko si kamatayan ngayun

"Fight!" Rinig kong sabi ng nag aanounce napa lunok ako sa narinig

Mag focus ka Indigo kaya mo siya utak ang paganahin mo hindi takot

Naka tingin lang sa akin si Ivy na parang hinihintay ang magiging kilos ko o kung ano ang gagawin ko

Bigla siyang ngumisi at umiling

"Natatakot ka na ba dahil kaharap mo ako?" Tanong niya hindi ako sumagot dahil parang nakain ko ata ang dila ko

"Sa dinami rami naman kasi ng kakalabanin niyo bakit grupo pa namin? " tanong niya at humakbang ng isang beses kaya napa atras ako nakita ko nanaman ang nakakatakot niyang ngisi kaya napa lunok ako

Ano ba Indigo? Lalaki ka at babae siya dapat ikaw ang katakutan niya

"Naka chamba lang kayo at nagka ruon ng isang puntos dahil umatras si Violet pero kahit na umatras siya hindi parin kayo mananalo dahil ako ang mag papatalo sa inyo" sabi niya at nag labas ng isang apoy sa kanyang kamay kaya napa lunok ako

"Pwede bang tubig nalang? Wag na apoy?" Tanong ko na siyang nag pangisi lalo kay Ivy at ibinato sa derektion ko naka iwas naman ako at kung sweswertihin ka nga naman malapit lang sa akin ang mga spada at kung ano pang mga gamit agad kung kinuha ang spada at ngumiti

"Yan patas na ang laban" sabi ko umiling naman si Ivy at itinaas ang kanyang kaliwang kamay biglang nanlaki ang mga mata lo ng makitang lumulutang na ang mga spada at iba pang gamit pati ang hawak ko ay nasa ere na mapa tingin ako kay Ivy na ngayun ay naka ngiti ng nakaka asar ikinuyom niya ang kanyang kamao at sa isang iglap biglang natunaw ang mga spada at ibang gamit sa ere

Napa lunok ako sa nakita at ibinaling muli ang attention kay Ivy

"Gamitin mo ang kapangyarihan mo" sabi niya kaya napa kunot ako ng nuo

"Wala ako non" simple kong sagot na nag pahagalpak ng tawa sa kanya

"Alam ko kaya nga sobrang dali lang para sakin ang patayin ka" pag kasabi niya non ay bigla siyang nawala sa harap ko

Namamalik mata ba ako?

"Alam mo ba na tanga ka?"

0__0 bigla akong nanigas sa narinig
Nasa likod ko siya pero pano? Teleportation ba? Shit

Hinarap ko siya saka lumayo

"Hindi ako nananakit ng babae" sabi ko kaya naman ngumisi siya

"Mabuti yun mapapatay kita ng hindi ako sinasaktan" sabi niya at bigla nanaman siyang nawala agad akong nag punta sa kabilang bahagi at tama ang nasa isip ko sa likod ko balak niya akong hawakan pero dahil nandito ako sa kabilang bahagi ng stage eh isang mesa ang nahawakan niya at naging bato ito

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon