Chapter 36

881 37 1
                                    

Ivy POV

Tahimik akong naka upo sa upuan habang si Axis ay naka tingin ng seryoso sa mga kaibigan naming pinapakalma si Kuya

Matapos ang nangyare inilayo nila si Kuya sa amin at sinabi ni Axis na makipag usap daw ako sa kanya

"Bakit mo naisip ang bagay na iyon?" Biglang nag sitaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ang boses ni Axis na napaka lamig

Napa tingin ako sa kanya at nakitang nakatingin lang siya sa dereksyon nila kuya.

"Dahil mahal ki--"

"Hindi pag mamahal ang tawag don Ivy"malamig niyang wika at tumingin sa akin ng napak lamig

"Katangahan na ang tawag don"dugtong niya

Napa iwas ako ng tingin sa kanya ng maramdamang tutulo na ang luha ko

"Masisisi mo ba ako kung nangulila ako sayo ng napaka habang panahon?"wika ko saka naiyak

"Nangulila din naman ako sayo Ivy pero hindi ko kailan man inisip na hahantong ang lahat sa ganito"wika niya

"Mahal kita"malungkot niyang wika dahilan para lalo akong maiyak

"Pero tama na Ivy tama na ang katangahan" napa lingon ako sa kanya

Malungkot siyang naka tingin sa akin na para bang nag sasabing HINDI KITA KAYANG IWAN PERO KAILANGAN

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko

Huminga siya ng malalim dahilan para kabahan

"Mahal kita Ivy alam mo yan sa sobrang pag mamahal ko sayo lahat nagawa ko na alam ko mahal mo rin ako pero Ivy tama na" agad tumulo ang luha ko sa sinabi niya

May namumuong luha sa kanyang mga mata dahilan para hawakan ko ang kamay niya

"Itigil na natin to...walang patutunguhan ang relasyong meron tayo"

"Hindi Axis makinig ka meron tong patutunguhan...pwede tayong mag sama basta hayaan mo lang akong gawin ang naiisip ko.."

"Ivy hindi pwede ang iniisip mo" sabi niya at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang mga daliri

"Pwede Axis pwede..."

"Isang araw....sa malayong kaharian"wika niya saka tumulo ang luha niya

"May dalawang nilalang ang nag mamahalan..."

"Hindi Axis tumigil ka"

"Sobrang mahal nila ang isa't isa ikakamatay nila kung sakaling mag hiwalay sila"

"Hindi Axis tumigil ka!"

"Isang araw sumapit ang pulang buwan at--"

Agad kong hinalikan ang kanyang labi para siya ay tumahimik pero tinulak niya lang ako palayo

"At nag bago ang lalaki"dugtong niya

Umiling iling ako at sinubukang patahimikin siya pero di ko nagawa

"Naging masama ito at ayaw na ayaw niya sa mga W-whitenians"

"Tumigil ka na!"

Agad niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap ng napaka higpit dahilan para lalo akong maiyak

"Dumating ang araw na pinatay niya ang kanyang pinaka mamahal na babae,hindi niya maalala ang lahat...nawalan sya ng ala-ala kaya pati pinaka mamahal niya napatay niya"

Tanging pag hagulgul lamang ang aking nagawa habang nag kwekwento siya

Ang kinukwento niya....alam kong yun ang mangyayare sa hinaharap.

"Mahal kita Ivy pero di ko kayang pati ikaw masaktan ko"wika niya
Umiling iling ako at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya

"Hindi Axis..."

"Ivy.....lalo ka lang masasaktan at makakagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo hanggat nasa tabi mo ako Ivy kilala kita....gagawa ka ng paraan para makasama ako pero Ivy hindi ko kaya na maging Darknians ka"wika niya

"Hindi Axis makinig ka mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para makasama ka Axis ayaw mo ba akong makasama? Ayaw mo bang maging tayo?"tanong ko

Hindi siya kumibo. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinalikan ang aking nuo

"Gusto"sagot niya at sinimulang punasan ang luha ko

"Gusto kong makasama ka habang buhay...
Gusto kong makita kang lumalakad sa altar papalapit sakin...
Gusto kong gumawa ng pamilya kasama ka...
Gusto kong nasa tabi lang kita hanggang sa huling hininga"wika niya at saka dumaloy ang napaka raming luha

"Pero ayokong mangyare ang lahat ng yun alam mo kung bakit? Dahil ayokong sa oras na mawala na ang tunay na ako ay mapatay kita ayokong sa oras na dumating ang araw na makalimutan ko ang lahat ay magiging kaaway na kita ayokong makasama ka habang buhay Ivy dahil sa salitang Habang buhay ako lang ang matitira at ikaw ang unang mawawala ayokong makita kang lumalakad sa harap ng altar palapit sakin dahil hindi ko matanggap na sa oras na makasal tayo pang habang buhay kang naka tali sa isang darknians na gaya ko ayokong bumuo ng pamilya kasama ka dahil sa oras na mag karuon tayo ng pamilya walang kasiguraduhang magiging mabuti sila gusto ko maging mabuti ang mga anak natin sa hinaharap pero Ivy isa akong darknians masama,pumapatay at walang awa ayokong mag mana sila sakin Ivy ayokong makuha nila ang dugong dumadaloy sakin"wika niya at hinalikan ako sa labi

Sa mga sinabi niya mas gugustuhin kong mamatay nalang kesa sa mawala sya sa tabi ko

Kumalas siya sa pag kakahalik sa aking labi at niyakap ako

"Malapit na sumapit ang pulang buwan malapit nang mawala ang Axis na mahal mo Ivy hindi ko kayang manakit ng mga kauri mo kaya sana intindihin mo ang disisyon ko" biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya

"Aalis na ako...aalis na ako uuwi na ako sa amin Ivy iiwan na kita"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Hindi...hindi mo ko pwedeng Iwan Axis..."

"Kalimutan mo nang may Axis kang nakilala kalimutan mo nang umibig ka sa isang Darknians kalimutan mo na ako Ivy"

"Hindi Axis matagal pa ang pulang buwan pwede pa tayong mag sama kahit saglit na panahon nalang ang natitira Axis hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko Axis mahal kita  please wag mo kong iwan..."

"I'm sorry itigil na natin ang kung anong meron sa ating dalawa dahil ikaka pahamak lang natin kung ipagpapatuloy pa natin ang kung anong meron tayo."

"Hindi Axis don't do this Axis promise hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikakagalit mo hindi ko na ibebenta ang kaluluwa ko just....just stay with me kahit saglit na panahon lang Please Axis"wika ko at lumuhod sa harap niya

Nakita ko kung pano tumulo ang luha niya at ang mga mata niya na nag sasabing TUMAYO KA JAN PLEASE

"Ivy tumayo ka tama na"

"Hindi..hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo binabawi ang sinabi mo"

"Ivy" rinig kong wika ni Kuya na nasa likod ko na

Tumingin si Axis sa likod ko napara bang sinasabing KAYO NANG BAHALA SA KANYA

Tumingin muli si Axis sakin at umiling

"I'm sorry" yan ang katagang iniwan niya bago siya mag laho na parang bula

Naramdaman kong may yumakap sakin sa likod
Biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng pag luha ko

Wala na

Iniwan niya nanaman ako
Iniwan niya nanaman ako gaya ng ginawa niya sakin dati...

Iniwan niya na ako para sa ikaliligtas ko.

~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon